Ika-apat na umaga ng simbang gabi/madaling araw. Muli akong ginising ng malakas na ingay na likha ng aking orasan ganap na alas dos ng madaling araw. Di kagaya ng panahon kahapon, hindi nagsusungit ang langit ngayon, ni hindi umuulan ni umambon, malamig ang bawat hampas ng hangin, maraming kumikislap-kislap saan ka man tumingin, maraming taong maagang gumigising at sila'y kasabay kong binabaybayan ang daan patungo sa simbahan, sapat nang basehan upang sabihing PASKO na nga.
Masaya akong gumising ng ika-apat na umagang yaon ng misa de gallo, dahil kahapon pa lang ipinaalam na ng kura paroko ng aming parokya na sa umagang iyon, ang mahal na Obispo ang magsasagawa at mangunguna sa misa ng umagang iyon. Matagal ko ring inintay na minsang makadalo sa misa na ang obispo ang manguna, hindi ko siya personal na kilala, sa pangalan ko lang siya kilala, basta ang alam ko hawak niya ang buong diyosesis ng aming probinsya. Hindi ko alam, ngunit tila ba ako'y nanabik na maging isa sa mga taong nais masilayan siya - bilang kataas-taasang obispo ng probinsiya. Dala ng pananabik, ako'y nagmadali sa pagtungo sa simbahan, katulad ng mga naunang umaga, sa parehong paraan, sinimulan ko ang umagang iyon ng pagdarasal at pananhimik at pagsabay sa sabayang pagrorosaryo. Matagal din ang ipinaghintay ng mga tao bago tuluyang nagsimula ang misa - ang misang pinakahihintay ko at marahil na iba ring tao na hindi pa ni minsan nasilayan ang obispo. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang aking pananbik, ang alam ko lang nais kong masilayan ang kahit sinong tao na may may malalim na kaugnayan at pananmpalataya sa diyos, siguro isa sa dahilan ay, minsan ko ring pinangarap magsuot ng abito, umupo sa trono, at manguno sa anu pa mang misa at pagdiriwang ng simbahan - opo minsan ring ninais ng aking puso na maging pari, ngunit sa malalim na pagninilay, hinayaan ko at magpasahanggang ngayon ipinauubaya ko sa diyos kung ano ang nais niya sa akin, kumbaga ang kanyang pagtawag at kalooban ay aking pakikinggan.
At nang umaga ngang yaon kami'y PINAGPALA, yaong nasilayan ang kabanalan ng obispo, napakataas ng aking paggalang sa kanya. Sa prusisyon palang inaabangan ko na ang kanyang bawat galaw, kasabay nito nakatutok ako sa kanyang banal na sombrero at tungkod na simbulo ng pagiging alagad ng simbahan, ito kasi ang aking inaasahan sa kanyang pagdating tangan ang kanyang tungkod at suot ang sumbrerong pang obispo. Kasama niya ang kanyang paring tagapaggabay. Pinagmasdan kong mabuti ang obispo, may katandaan na at medyo hirap sa paglakad, ngunit bakas sa kanya ang kagustuhang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan at patuloy na gabayan ang kanyang mga nasasakupan.
........
Nang umagang yaon, kagaya ng mga naunang umaga, muli kong inaasahan na may isang bagay na muling ipapakita sa akin ang diyos na nais niyang aking pagnilayan at aral na dapat kong matutunan at isabuhay. Ngunit sa makailang ulit na paglibot ng aking mga mata sa loob ng simbahan, tila wala akong nakikitang kakaiba na senyales na ito na nga ang nais na ipabatid sa akin ng diyos, kaya naman nag-intay lamang ako hanggang sa nagsimula ang Misa. Sa pangunguna ng mahal na obispo. Sumentro ang mga pagbasa at ebanghelyo sa kapalaran ng mga dating tao sa luma at bagong tipan, sa katauhan nila elizabeth at Zakariah, ang mag-asang bukod sa may edad na ay baog pa. Ngunit sa kabila ng maituturing na sumpa sa kanila bilang mag-asawang hindi magkaanak, sila ay nilukuban ng espiritu santo at pinuspos ng biyaya ng panginoon. Sa mas malalim na kadahilanan na diyos lamang ang nakaaalam, ang mag-asawa ay pinagkalooban ng anak at ito nga ay ang pinagpalang si Juan Bautista, ang dakilang alagad ni hesus na sa kanya ay nagbinyag at nagtalaga ng sarili sa diyos bilang matapat na alagad.
Samantala, nang inawit naman ang salmong tugunan na: "Punuan mo ako ng pagpapala mo, at aawitin ko kapurihan mo.". matapos awitin ito, napagtagni-tagni ko ang ideya ng diyos sa umagang iyon na nais niyang ipabatid hindi lamang sa akin kundi sa lahat at ito ay PAGPAPALA. Bakit ko nasabi na ito nga ang nais ng diyos na aking pagnilayan? Una, Mapalad ako, kami at ang lahat na nakiisa sa banal na pagdiriwang ng misa dahil ang obispo ang nanguna, pangalawa, ang mga pagbasa, salmo at ebanghelyo, lahat ay patungkol sa pagpapala ng diyos sa tao.
Sa aking pagninilay, dumako ang aking isipan sa malalim at malawak na konsepto ng pagpapala. Ang pagpapala ay isang biyaya o maaaring pagbabasbas ng Diyos sa tao, at nang tao sa kanyang kapwa. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ng aking pagdalo sa misa, mapa ordinaryong panahon man o may okasyon, hindi maalis sa aking isipan ang mga tanong na nabubuo dito sa tuwing makikita ko ang masidhing debosyon ng ilan sa mga deboto, may naglalakad ng paluhod mula pintuan ng simbahan hanggang altar, meron namang mga nagrorosaryo suot ang itim o di kaya ay puting belo (babae), ang iba pa nga sa lalim at tindi ng emosyon, mapapansin mo na lamang na may mga luhang unti-unting pumapatak sa kanilang pisngi, bakas sa kanilang mukha ang lalim ng kanilang pakikipag-ugnay sa diyos, at iba't iba pang mga eksena, ngunit sa lahat ng ito, di may mga tanong na naglalaro sa aking isipan, kagaya ng "Sa dami ng taong humingi, lahat kaya ay tumatanggap?", tanong na tanging ang diyos at ang nananampalataya lamang ang makasasagot.
Lahat tayo ay may kanya kanyang kahilingan, marahil malaking porciento ng dahilan kung bakit tayo sumisimba, nagdarasal, nagpapamisa at nakikiisa sa mga gawaing pansimbahan ay dahil may mga kahilingan tayong nais nating matupad, kagaya sa simbang gabi, at kasabay nito ang pasasalamat at paghingi tawad, ganyan tayo kung magdasal, package deal kung baga. Pero kagaya ng tanong ko, lahat ba ng ating kahilingan ay kanyang pinakikinggan? Sa aking sariling karanasan, isang malaking OO at minsan sa anu pa mang kadahilanan ay hindi. May mga kahilingan ang tao, na sadyang batid nang diyos ang kahalagahan nito sa kanyang buhay kaya naman ito'y kanyang agad na ibinibigay, at sa akin maraming beses na niyang pinatunayang siya ay buhay at kailanma'y hindi mamamatay, ang diyos na nagbibigay at walang sawang tumutugon. Ngunit sa kabilang banda may mga pagkakataong, ang ating mga kahilingan ay hindi natin nakakamtan, o di kaya naman ang dumadating sa atin ay taliwas sa ating hiniling at inaasahan, na minsan imbes na maging mapagpasalamat pa ang tao, ay binabatikos o di kaya ay pilit na tinatanong ang diyos ng sandamakmak na "BAKIT", bakit ganito, bakit ganyan, at napakarami pang bakit. Ganyan tayong mga tao, walang katapusan kung magreklamo, napakadaling kwestyunin ang kakayahan ng diyos dahil lang sa ang mga bagay na hiniling niya ay taliwas sa kanyang inaasahan o di kaya naman ay hindi pa dumarating. Kahit ako minsan sa sarili ko, dami kong tanong, minsan pa nga dumating sa punto na kinuwestyon ko ang papel ng diyos sa buhay ko, sa mga panahong pakiramdam ko naubos nang lahat ng lakas at pananampalataya ko. Kagay ng bakit sila ang pamilya ko,Bakit ako ganito, Bakit ako hindi ganito?, pero sa kahuli-hulihan ipinakita niya sa akin ang liwanag at hinayaan niya akong makita ang tunay na dahilan sa likod ng lahat ng aking katanungan kaya naman lahat ng aking mga pag-aalinlangan sa kanya aking pinagsisihan. Patunay lamang na marahil, may mga bagay na hindi niya sa atin ibinigay dahil may mas malalim siyang dahilan, ang kung ano man ito, tayo na ang dapat tumuklas.
Lagi nating tandaan na ang Diyos ay diyos at ang Tao ay tao. Higit na dakila ang kanyang pamamaraan at kalooban kaysa sa ating kagustuhan. Kaya kapatid, marahil madami kang kahilingan sa diyos, at marahil ang ilan dito ay nananatiling malabo, ngunit sa kabila nito, hingin mo sa kanya ang liwanag at gamitin mo ito upang mas makita mo ang malalim na dahilan ng diyos kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ito sayo. At kung sakaling ibigay na niya ito kagaya ng mensahe sa salmo, maging mapagpasalamat tayo sa ating mga biyaya at pagpapalang natatanggap mula sa kanya.
TANGGAPIN ANG PAGPAPAPALA, AT MAGING MAPAGPASALAMAT SA KANIYANG KADAKILAAN HABANG IBINABAHAGI SA IBA ANG IYONG GRASYA.

No comments:
Post a Comment