This is the compilation of my thoughts, experiences, or even event that is associated with me as an HRM student, a student journalist and as an individual. In this available space, I will continue to write and serve in honor of God, For I promised to him that I will use my strength and ability to return the favor unto him as a sign of gratefulness for everything he has given to me and to my family.
Total Pageviews
Friday, June 17, 2011
RH bill! Talo o Panalo
Araw-araw, itoy laman ng balita
Usap-usapan ng maraming madla
Paano ba naman, sangkot dito'y buhay at mga bata
Simbahan at Estado sino ba ang mananalo?
Ang sabi ng estado, wag makialam mga obispo
Dahil ito'y usapang senado at kongreso
Sagot naman ng simbahan, Moralidad ng lipunan, aming pinangangalagaan
Sabi naman ng estado, Pilipinas ay naghihirap sa dami ng tao
Sigaw ng estado, RH bill gawing pasado
Mga condom at contraceptives kasama dito
Mababawasan daw nito ang pagdami ng tao
Ngunit ito nga ba sagot sa kahirapan sa mundo?
Sigaw naman ng simbahan, ito'y di tama at imoral na gawa
Aborsyon daw maaaring dito magmula
Kristiyanong paniniwala ay napipintong mawala
Kung sakaling RH bill sa senado'y kumawala
Isang isyung panlipunan
Kailan kaya mawawakasan?
Nakasalala'y dito'y paniniwala at bayan
Alin opinyon kaya ang mas matimbang? kila father ba at sister o
Kila Carlos Celdran at Rep. Lagman.
Di importante kung sino ang tama at mali
Ang mahalaga ay kung ano ang tama
Basta't buhay at bayan pinag-uusapan,
Kalidad at moralidad ng buhay dapat mapangalagaan
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment