Ilan araw na rin akong nagdarasal kay Papa God, na sana ibalik na niya ang dating ako,(Ano dw?) Oo, ung totoong ako, ung malalim at malawak mag-isp, ung kayang pagtagni-tagniin ang mga bagay, ung kayang intindihin ang mga tagong ideya sa isang bagay. Ewan ko ko ba, minsan kasi pakiramdam ko nawawala ako sa sarili ko (hindi buwangers.com ha) i mean, minsan para bang tamad na tamad akong mag-isip kuntento na ko sa mababaw kong pag-iisip at sa mas mababaw ko pang papakahulugan ng mga bagay-bagay.
Hanggang isang araw nagising nalang ako, na para bang bumalik ang minsang nagliwaliw kong diwa-ang tunay na ako. Luminaw ang pag-iisip ko, mas kinakaya kong mag-isip ng maraming bagay na hindi napapagod ang utak ko. At ito ang dahilan kung bakait ako nagsusulat ngayon.
Ang pamagat ng artikulo kong ito ay "Hindi lahat nang bagay ay nakukuha sa unang tingin", sa totoo lang hindi ko ito orihinal na pamagat-ibig sabihan halaw ito sa isang mini inspiring skit sa telebisyon (parang Godly message siya) at napili ko ito dahil alam ko na aangkop ito sa aking sinusulat.
Sa tuwing mababasa o maririnig ko ang mga katagang laman ng aking pamagat, agad kong nasasabi sa aking sarili "Oo nga", "tama nga naman",yan ang madalas kong sabihin sa sarili ko habang nagmumuni-muni si ako. Nitong mga nakaraang araw simula ng bumalik ang aking ulirat, ay sadyang napakarami kong bagay natutunan at natuklasan, mula sa pagkilala sa iba't ibang klase at uri tao at pati na rin sa mga karanasan sa buhay sa nakalipas na mga araw.
Aminin ko man o hindi, ako ay isang taong napaka "judgemental" o di kaya minsan sabi pa nila "manlalait daw ako" (nahihiya nman ako sa feslakers ko.), sabi ko naman "nangookray lang ako nang bahagya para masaya. sabay tatawa". Oo alam ko mali, at totoong mali saan mo mang anggulo tignan, maganda ka man o gwapo, maputi o kulay ulikba, bungi o bungal may brace o wala, ni isa sa atin ay walang karapatang husgahan ang sinuman, sino ka o ako para manghusga? pare-pareho lang tayong tao, may kanya-kanyang lakas at kahinaan, gayundin may kanya-kanya tayong kasiraan at karangalan. Pero ang tanong, bakit ko ito ginagawa kahit alam kong mali, ang sagot ay hindi ko rin alam. Gusto kong magbago, at ito ang dahan-dahan kong pinagsusumikapang gawin sa buhay.
Kagaya ng sinabi ko, maraming bagay din akong natutunan sa mga nakalipas na araw. Hayaan niyong ikwento ko ang mga ito. para sa ikaliligaya ng mga nagkukumahog niyong espiritu't kaluluwa(hanu daw. nevermind). Meron akong kaklase, actually, Batchmate, kilala siya bilang isang mayabang na binata, yung tipong lalapitan mo palang siya hahanginin ka na palayo o pabalik sa pinanggalingan mo. As in ganun siya kayabang. Kung gaano kadami ang kaibigan niya ay siya ding dami nang urat sa kanya. Kahit ang inyong lingkod ay hindi maikukubli ang inis sa taong ito, Kayabangan, ito kasi ang isa sa pinaka-ayaw ko sa isang tao. Anyway, going back! Ayun nga, mahangin siya, hindi siya sobrang gwapo pero di rin naman panget, maputi lang kaya siguro ganun na lang ang kumpyansa niya sa sarili niya. Ako naman sa totoo lang hindi ko siya close, madalas kaming magkaklase sa maraming subject, pero di ko talaga siguro feel ang mokong na un. Madalas ko ring isipin na isa siyang halamang dagat na nagkukubli sa mahangin at kinakabag niyang kayabangan upang mapagtakpan ang kanyang kalansahan, dahil na rin siguro maypaka malamya siya kumilos,pero nagkamali ako, may Gf ang mokong, at take note! Angola teh! haha, Maganda siya dude! as in! They are quite perfect combination (kape't gatas ba ito?). Pero hindi ito nagpawala ng inis ko sa tuwing makikita ko siya, tila ba kakabit na ng kanyang aura ang tsunami ng kayabangan. teka ano ba kasing kayabangan niya at maraming asar sa kanya? Siguro kasi, mapapel siya minsan, pacute palagi, mahilig mambara at marami pang iba. Pero ang lahat ng ito'y nagbago, simula ng makita at mabasa ko ang isang blog na pagmamay-ari niya, Oo, kagaya ng inyonh lingkod, siya din ay isang dakilang blogger. Noong una, may balak pa akong laitin ang laman ng kanyang blog. pero napahiya ako at the same time namangha. Hindi ko inaasahan na ang taong kinaaasaran ng lahat ay may angking galing pala sa pagsulat, kala ko nga dati magaling na ko magsulat, nagkamali ako, nang mabasa ko mga posts niya nagsimula akong i-idolo siya, mahilig kasi akong mag-idolo sa mga taong magaling sa parehas na aspeto na meron ako, ang pagsulat! Sa katunayan, nang mga oras na sinulat ko ito, ay katatapos ko lang basahin ang ilan sa mga posts niya na talaga namang matutuwa ka at maeengganyo kang basahin dahil interesante talaga. Ewan ko ba madali akong humanga sa mga extra ability ng isang tao, pero kasi para sa akin gaano ka man kahina sa academics, basta't nakita ko kung gaano ka kagaling magsulat o magsalita basta magaling mong nagagamit at napaglalaruan ang mga salita, tiyak yun sayo ang aking paghanga, at hindi lang yun, nagiging isa ka na din sa aking inspirasyon sa pagsulat upang mas lalo pang paghusayan. Narito pa ang isa, tawagin na lang natin siyang Miss Hipo, as in Hi-po (touch) hindi hippotamus ha, mas maganda naman siya dun. anyways, Aun nga. Si miss Hipo, bakit Miss Hipo, kasi sa tuwing makikita ko siya wala na siyang alam gawin kundi maghipo ng mahihipo sa kanyang hinihipuan (tongue twister?) Oo, kung baga sa lalaki, may pagkamanyak, pero nasa lugar naman, mga tropa niya din kasi ang madalas niyang biktima, pero syempre hindi kasali sa biktima ang inyong lingkod, dahil baka pagako ang hinipuan niya alam na.joke! enough! so noti!harhar! Tapos madalas ko din siyang maringgan ng mga bastusing salita ,oo bastusing bata po siya. :) wala siyang pakialam kung sino o gaano karami ang makakarinig sa kanya basta mahalaga masabi niya gusto niya, UN SIYA. kuha mo?! Hindi naman mababa ang tingin ko sa kanya, sadya lang talagang mabilis magproseso ang aking utak sa mga ganoong pagkakataon, para bang pagtinanong sakin kung kilala ko si Ms. Hipo, ididescribe ko agad siya according sa pagkakakilala ko sa kanya, which is malisyosa at bastusing bata. But little do I know (napaenglish?) lumalalim na kasi ang gabi!-koneksyon? wala lng my maireason-out lang.hakhak! Galing pala siyang UPLB, ibig sabihin isa siyang gifted na bata. yez! matalino ang lola mo. Oo napapansin ko naman un sa kanya kung paano siya sumagot at maipag-usap sa seryosong pagkakataon, hanggang sa kahapon, may pinagawa sa amin ang aming guro si Mr. Beki (Oo beki siya keya lang ayaw pa iladlad ang chapa. di pa alam ni fafa. :) nabasa ko ang sinulat niya tungkol sa kung anong reaksyong niya sa napanood naming movie "With Honor' ata un, if im not mistaken at nagulat na naman ako, at nasabi ko nalang sa sarili "Hindi talaga lahat nang bagay ay nakukuha sa unang tingin" , oo muli na naman akong namangha, dahil maayos niyang naisulat at naipaliwanag ang kanyang nais sabihin sa mas malalim ngunit sa paraang madaling unawin. At doon muli na namang pinatunayan sa akin nga mga bago kong tuklas na talento ng mga taong sa unang tingin ay bale wala sa akin na para bang nothing special sa mga taong ito, pero mali ako.
"First impression lasts" daw, but for me it does not applied, kasi simula ngayon alam ko na sadyang may mga bagay na sa unang tingin ay aakalain nating walang halaga o hindi dapat pag-aksayahan ng panahon, ngunit sa mas malalim pang pagtuklas at pagkilala ay lumalabas ang tunay nitong kulay, at tunay ito'y iyong ikamamangha at may matutunan kang araw, realization ika nga!
hanggang sa muli antok na ko!
No comments:
Post a Comment