Total Pageviews

Tuesday, December 6, 2011

BAKIT AKO NAGBABASA? at BAKIT AKO NAGSUSULAT?

(Paki ko sa TRIP mo? dadamay mo pa ko sa kaadikan mo! eto piso maghanap ka ng mauuto mo!) *pabulyaw at pasigaw na pagsusungit ng aking konsensya na maaring iniisip mo rin bilang sagot sa tanong ko na "bakit ako nagbabasa?", ano nga ba naman ang paki mo?, paki nila? o paki ng kahit sinong poncio pilato?) 
Sa abot ng makakaya ng aking nagkukumahog na kaliit-liitang hypothalamus at kung anumang limitadong pluido ang meron sa utak ko ay pipilitin kong masagot ang tanong na "bakit ako nagbabasa?" Bakit nga ba? Ang una kong sagot ay eto. pakinggan mo este basahin pala.
"TRIP TRIP lang."

Yan ang madalas bukambibig ng mga tambay sa kanto, na maraming ibig sabihin, trip trip lang nilang manTRIP ng mga taong walang kamalay-malay na sila pala ay tinitrip na, o di kaya naman ay Gumawa ng kabulastugan at kalokohan na pag tinanong mo ang pinuno ng kanilang kulto o kung fraternity man ng alpha torotot omega robot, ang isasagot lang sayo ay simpleng "trip trip lang". Mga sagot na alam mong sabog, sabog sa di malamang paputok, paputok nila sa kili-kili o di kaya naman ay resulta ng di naubos na katol na siya nilang dinikdik upang may mahithit at ang ending SABOG. Sa di malamang dahilan, ang mga taong ito na walang magawa kundi gumawa ng ikaliligaya nila sa sariling paraan kahit pa ikakakompormiso nito ang kapakanan ng ilan. Bakit di kaya nila subukan magkalat, i-hijack ang truck ng basura at ikalat ang mga ito, at bilang mga sabog sila at gusto nila ng magagawa, sa parehong paraan linisin nila ang kanilang ikinalat (o diba mga tropa bright IDEA?), malamang sa malamang kung may isa man sa desipulo ni eddie gil ang makakabasa nito malamang may mag-aabang na sa akin sa kanto para ipagawa ang kalokohang naisip ko. 

Kung trip lang din ang usapan, hayaan niyo(kung sino man kayo na nagbabasa nito kung meron man.) akong isa-isahin ko ang kaadikan nila. 
Marami ngayon ang naaadik sa maraming modernong bagay, basta bago at uso at nakakalibang, basta naisipan at naTRIPAN pasok sa banga yan. Meron diyan imbes na busugin ng sustansiya ang katawan, balak pa yatang maimmune ang murang katawan sa nagngangalit na radiator habang walang pagod nilang binubuhay ang industriya ng comshop sa bansa. kung hindi mo pa din alam ang sinasabi ko sa dami na ng paglalarawan ko eto gawin mo (iporma ang kanang kamay na tila ba manunutok sabay akmang kakagatin ang naturang kamay sabay sabihin ang salitang NGANGA!) AT kung nahulaan mu naman, edi magaling, ang tinutukoy ko ay ang mga computer adiktus

At kung trip trip lang naman ang pag-uusapan magpapahuli ba diyan ang mga lahing SUGAT. bkit sugat? intayin ang sagot (just kip on reading). Oo silang mga nomo adiktus (nomo-salitang hapon na ang ibig-sabihin ay inom o pag-inom), silang umagahan, tanghalian at gabihan kung lumaklak ng alkohol, tekatekateka! muling magbalik, napansin mo? (gabihan daw? my term bang ganun?) * siguro impluwensiya na din ni BO dahil s kanya ko nabasa un, wla tlagang perpek writer.tekatekateka, cnu c BO? (hndi ko ssbhin, bsta alamin mo, pagnalaman mo may premyo ka book ni bob ong, may autograph ni Bo Sanchez, san kapa?)going back. silang araw araw na tila ba may naimpeksyong SUGAT sa tiyan dahil trip laklakin ang alkohol na may kulay. (alams na ang sagot? sa tanong na bakit sugat? NGANGA). Oo tama, silang lakas tama na paghindi laman ng kalsada ay laman ng selda, dahil nakalimutan ata nila na sa tiyan inilalagay ang alak at hindi sa sintido o kaya sa ulo na ang laman ay puro bao,joke! (sabay sbi ni juan: "Hoy bumusina ka naman may tinatamaan". sagot ko naman: Sorry po!). O biglang may umeksena si "pinong", siya lang naman ang sikat na durogista na kilalang kilala ng mga taga may**don, kung alam mu yan, pwes pwede mu xa puntahan (jamming b). Natatandaan ko pa, sa looban habang nagkakasayahan kami ng mga katropa kong magkakamukha na sa di malamang kadahilanan e tila ba iisa ang sem*lyang pinanggalingan. oo habang naglalakad kami at bumubungisngis, umeksena to si pinong naglalakad papunta sa direksyon namin, okey na sana, nang bigla naming napansin na may dala-dala at ikinikiskis niya iyon sa bawat pader na nadadaanan niya, at hindi nga kami nagkakamali dala niya ay isang (karet), kung wit ka pamilyar dun, hala ka! kawawa ka naman! isa itong pangputol ng damo na may anyong parang kalawit ni kamatayan. oo malakamatayan si pinong ng mga sandaling iyon habang kami ay tila ba susunduin n ng aming tropang si lucifera o kung sinumang dyablo ang sumapi sa kanya. Habang ilang metro palang ang layo niya di namin inaksya pa ang pagkakataon kesa naman aksayahin namin ang buhay namin sa pagkakataong iyon, ay agad kaming kumaripas ng takbo na parang wala ng bukas, as in WAGAS ang pagtakbo naman, habang sa di kalayuan may natanaw kaming mga tao, at agad kaming nakaramdam ng saya, dahil alam namin na ligtas na kami sa aming tropa si pinong na balak pa yata kaming hati-hatiin at itorta. Matapos ang umaatikabong takbuhan, amin siyang napagusapan at ang ending "Ganun talaga TRIP un ni pinong ang magdala at manakot gamit ang kanyang karet" wika ng isa kong katoto na tila ba siya'y kasosyo ng supplier ni pinong, at ayun nga sa nakakaurat na pagkakataon , TRIP niya lang pala un, halos ikamatay namin ang pagtakbo, sabay TRIP lang, katayin ko kaya siya (un e kung kaya ko), kumatay nga ng manok di ko kaya e, unggoy pa kaya? (nahiya naman sa feslak ko si pinong? gwapo e.). Pero sa muli kong pagbaybay sa aming sinapit,  naisip na ganun pala talaga ang epekto ng droga, may mga trip ka, na hindi trip para sa iba, na para bang masaya kang makasakit ng iba, habang sila nagkukumahog makalayo sayo at nanalanging layasan kana ng kung sinung engkanto o dyablo ang sumapi sayo. Mga Adiktus talaga. wlang magawang kagandahan, buti pa si angola maganda. Sa anu pa mang kadahilanan, silang mga trip ay humithit ng amoy jabbar na damo na ikinuskos sa kili-kili ni damulag, sa kahuli-hulihan sila'y BIKTIMA rin lamang, biktima ng mga hidhid at mapanamantalang n iilan, na pinakikinabangan ang kamangmangan ng ilan. Sakit ng lipunan, na lipunan din ang dahilan, diba't lipunan din ang nagdurusa? ngunit sa parehong paraan, lipunan din kaya ang kasagutan? iiwan ko sayo ang tanong na yan at hahayaan kong sagutin yn ng pang-araw araw mong karanasan. 

Maraming trip ang bawat tao, kaya lang yung mga pamilyar lang ako ang binanggit ko, pamilyar ako? (ndi ndi pamilyar sila. paulit2x. times two pa?) Oo pamilyar ako (makulit?) hindi dahil isa ako sa kanila, kundi dahil bukas ang mga mata at isipan ko sa lumalalang kaso at isyu ng mga luko-luko at siraulong tao, adik sa computer, adik sa droga, adik sa alak na nagsimula lahat sa TRIP2X lang. 

Parang kanina lang, naglalakad ako sa letran campus, nakatutuwang tignan ang mga nagkikislapang ilaw, nagtataasang xmas tree, at nagbobonggahang palamuti at gayak ng eskwelahan, na taon-taon namang ginagawa, at paglabas ng eskwelahan, sinalubong naman ang mga kapwa ko Letranista ng mga kabataang pinakamasasaya dahil marami silang nauuto sa pamamagitan ng pagkanta nila ng "we wish you a merry xmas and a happy new year" oo tama ka sushyal na talaga ang mga kabataan, samantalang kami dati may standard na sinusunod sa pagkanta dapat ang simula ay "sa may bahay blah blah blah", tapos ending kapag di nagbigay ang maybahay ang kapalit ay malambing na pasasalamat na may tonong ganito "tenkyu, tenkyu ang BABARAT NINYO tenkyu." sabay karipas ng takbo at baka maipahabol pa kay bantay, mahal anti-rabies. Pero balik tayo sa mga kabataang sinasalubong ang mga katoto kong letranista para humingi ng aginaldo, sa paglalakad ko marami akong kasabay, mga barkadahan, magjowa, magkaMU(magulong usapan), at kung sinu-sinu p man sila, pero nagtaka ko, kasi halos lahat ng mga nasa unahan ko at likuran ko, sinasalubong at kinakantahan para sa aginaldo, habang ako, my mga papalapit na kabataan na buong akala ko ay kakantahan ako, pero nasa plano ko na unang bigkas palang ng nota nila magsasabi na ko ng "patawad", tila ba nabasa nila agad ang iniisip ko, (mga produkto ba to ng kahibangan ni madam auring?). At oo wala talagang nagtangkang kumanta sa harap ko, na hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinsulto, kasi habang yung iba e kinakantahan nila ako hindi, ibig bang sabihin nun, muka akong pulubi na walang pang-aginaldo sa kanila? huh! un ang akala nila (tawang abu sayaff.haha) o matutuwa ba ko dahil di mababawasan pambili ko ng katol? Pero naisip ko nalang hindi kaya TRIP lang nila na lampasan ako? Siguro nga TRIP lang nila yun. Sa parehong pagkakataon, may nakasakay akong magjowa este magtropa na parehong lalaki, nagkukumahog kasi sa unahan ng jeep, so muka tuloy silang magjowa dahil diki na dikit sila sa isa't isa na tila ba may namumuong relasyon o namumuong utot? kung anuman ung namumuo na un, di ko na problema un, problema na un ng inidoro nila pag nagkataon. Eto nga, may dalang cp si kuya no.1 nagpatugtog, ang lakas, akala niya yata nasa bahay siya, o di kya sia lang pasahero, di niya alam naiingayan kami at nagtataka kung kumpleto pa ba tlaga ang turnilyo niya, kasi pwede namang magearphone pra paniguradong siya lang makakarinig, e saktong my dala ko nun earpphone, gusto ko sna tanungin "Kuya Earphone gusto mu?", pero di ko na ginawa un sa 2 bagay, (1). Gusto kong makauwi sa bahay ng buo pa bungo ko, (2) ayoko nga mamahalin un, sayang naman madudungisan ng tutuli nia eeeeewwwwww (pasintabi sa tumatae este kumakain.) Pero bago pa man bumaba, naisip ko na naman. TRIP ni kuya hanep, ayaw nia maging selfish. Trip niya nga naman un, sabi nga WATAPELS! 

Teka, baka sabihin ni pichay, ni flavier isama na natin si miriam defensor at iba pang adik sa pulitika na absent sila sa usapan, eto't idadamay ko na rin ang trip nila. Ang trip nilang mang-uto tuwing mayo ngunit magpaasa at magpahabol sa loob ng anim na taon ng kanilang termino. Silang handang ubusin ang yaman, para lang sa iisang upuan, silang nagkukumahog umakyat sa entablado, makakuha lang ng boto, na nagaasam makaupo sa Bang-ko makalipas ang dayaan este eleksyon pala. Oo silang walang ginawa kundi mangako, may tinutupad din naman, kagaya ng kunyare sa kanyang plataporma sinabi niya: "pag-ako nanalo, itataas ko ang sweldo.", makalipas ang eleksyon, nanalo nga si kupal, tinupad niya naman ang pangako niya ang problema eto: dati ang min wage P350.00 ngayon dinagdagan nga niya P351.00 n (o db? di na kailangan ng mathematical equation, dagdagan mu lang ng piso ung 350. ok n,ayaw pa dinagdagan n nga. choosy pa teh?), o daba daba? pansin mo? nakapang-uto sya sa pagkakataong un, at ang mga bumuto at naloko, patuloy na maloloko sa loob ng 6 na taong termino ng loko. Kaya mga kumare at kumpadre, Pls. Wag NGANGA! please lang, makikisuyo na. VOTE WISE! wow, Comelec official ata ang dating ko. 

Bilang pangkongklusyon. Ang bawat tao ay may kanya kanyang dahilan kung bakit natin ginagawa ung mga bagay na kasalukuyan nating ginagawa, maaring gusto natin ito, o di kaya naman ay kailangan yung iba naman ay TRIP TRIP lang. Na sa anu pa mang kadahilanan, kailangan nating irespeto at igalang ang gusto nila, sa parehong paraan ng pagrespeto nila sa atin. Ngunit my mga pagkakataong, sa ating ginagawa, ayaw man natin o hindi may biktima at may nabibiktima pa. At eto ay malaking problema dahil hindi lang isa ang sangkot dito, hindi dalawa o tatlo, dahil minsan ang buong lipunan nagdurusa dito. Kagaya ng sinabi ko, lipunan ang may gawa, lipunan din ang nagdurusa, para sa mga nabiktima, matuto ka, wag ka nang umult pa, sa mabibiktima pa lang, mag-isip wag NGANGA! At sa mga mambibiktima at patuloy na nambibiktima, Got to Hell. Hi nio nalang kami kay Lucifer. 

Ngayon ang sagot sa tanong na bakit ako nagbabasa ay eto:
Trip trip lang. Bakit ba? 
Ikaw kapatid? ano trip mo? (parang ampanget, tunog nangaakit((sagwahhhhhh).

No comments:

Post a Comment