Merry Christmas Dre! Ang Bungad sa akin ng mga ungas kong tropapits! Kala ko mga uhuging bata lamang na mamasko ang dumating yun pala mas malala pa, ang mga kampon pala ni justin bieber,haha!
Kahapon, araw ng pasko nasa bahay lang ako, pano wala kong pera, kasi ang mga adik kong Godninang and ninong ay hindi ko alam kung sang lupalop ko mahahagilap, o kung siguro makita ko man sila, di bale nalang, paano ang pagkakaalam ko mga taga Quezon Province pa ang mga yun, At kung sakali namang susugurin ko sila, kagaya nung ginawa ko ilang taon na ang nakakalipas, pag dating ko dun pinakain lang ako, kala siguro timawa ako sa Fuds, tapos papasok sila sa kwarto sabay labas may kung anong hawak sa kamay, siyempre pasimple pa ako pero alam kong aginaldo na un para sa akin, tapos! SURPRISE 100.00 PESOS may kasama pa ung litanya (Inaanak pasensya na, yan lang ang nakayanan ni ninang mo e blah blah blah) Homaygad! siyempre ako naman todo pasalamat habang binubulong ng UTANG UTA kong kalooban "Hay naku! Sana ibinili ko nalang ng Boy Bawang yung pinamasahe ko, edi sana di pa ko napagod! heler! Laguna to Quezon kaya binyahe ko, tapos ETO NA UN?haha. Pasensya na choosy po ako, kaya nga mas pinili kong wag nalang mamasko dahil baka kung ano na naman ang abutin ko.
At ayun nga sa dinami dami ng litanya ko tungkol sa mga Barat este mababait kong ninong at ninang balikan natin ang mga ungas kong tropapits. Dinayo pa ako all the way from mayondon na ang layo layo, kung saan aabutin ka ng kulang kulang 10 minutes kung nakatricycle at mga 30 minutes naman kung lalakarin (un e kung barat ka din.haha). Ayun nga dinayo nila si ako, kala naman nila natuwa ako sa ginawa nila, di kaya no! Paano ba naman, alam ko na ako'y panandaliang magiging alila na naman ng mga ungas na yun, taga luto ng pulutan, taga serve, taga tagay, tag bili ng yelo, at susme! pag inabot ka pa ng kamalas malasan e, lilinisin mu pa ang kasulasulasok na amoy ng kanilang mga lungad. errrr! Yan ang papel ko sa buhay nila pag tomotoma ang barkada. Pero kahapon nga ayun nagsimula sa Merry Christmas at kantyawan na bumili ng malalaklak, at di naman sila nagbumarat (BARAT) (ninong/ninang: OUCH! me: Sorry Po! ) Nasimulan na din ang session.
Sa totoo lang, medyo may katagalan na din na hindi kami nagkikita kita, siguro mga kahapon lang! hindi siguro mga half a year mga ganun, kasi busy na din yung iba sa School ung iba naman sa work, kaya wala na ring masyadong time, kaya kahit anong pagtanggi ng pwet ko na magtyaga sa pakikipag-inuman sa mga tropapits, mas pinili ko nalang na sila ay samahan, bilang miss ko na din sila. ihhhh. Dre pakiss isa lang, torid, walang malisya!keleg.w/matching pungay ng mata.! 'o'
Teka bago ang lahat ipapakilala ko muna ang mga natatanging disipulo ni rene requestas, na pinagtatyagaan kong samaha, joke! Ang Barkada! Si Malvin o Tuv's di ko alam kung saan nanggaling yun, pero feeling ko sya talaga yung bouncer dun sa commercial na cornetto e, kung napanood mu na un, oo un nga yun! Etong mokong na to naman ay ang bagyo ng barkada, bkit bagyo? Aba! pag eto nagkwento babagyuhin ka sa lakas ng hangin, di ko alam kung signal no. 2 o 3 b ang lakas nun, basta malakas, pero siya din ang BDO ng barkada pano "He find ways" para magkasama sama ang barkada. Si Mike. Eto masayang kasama yan si mike, di ka mauuta kapag kasama mo siya, ang daming alam, sarap paslangin, siya naman ang Vice ganda ng barkada, susme! kakabag ang tiyan mo kabag siya'y bumanat, kumbaga energizer siya ng tropa. Eto naman si Onel o tatang, kung bakit tatang? di ko din alam eh, teka ask ko kay nanang.waley?boom. Si onel naman ang Yao ming ng tropa, pano ba naman ng nagsabok ng katangkaran si Bro present siya at todo effort siyang makakuha kaya ang resulta mala poste ang height niya 5'11 ata si ungas, bukad sa katangkaran wala na po siya'y dakilang kup*l, haha. Ah meron pa pala adik din pala siya sa mga computer games, kaya siguro kung anung itinangkad niya e siya namang ikinatuyot ng katawan niya higupin ba naman araw araw ang radiator ng computer. Si Dods naman ay dakila at huwarang bata, di na nag-aral nagtrabaho nalang, mabait yan si dods at anu pa ba uhmmm, wala ko masyado alam sa kanya e, malihim yun masyado, basta masipag ang uhuging bata na yunperiod
At dahil kilala na natin silang lahat. Let's get it on! tentenenentenen. Binggo! GINuman na. At nagsimula na kaming magconcoc ng brandy(wow suxal) with pineapple juice with clorine and betchin with suposupotorri. Opo may balak po kaming maglasunan. haha.syempre joke lang.! Kaya lang may problema, wala kaming YELO! low!low!low!Echo! Kya naman kesa naman mahiya naman sila sa akin, nagpaalam si tuvs na bibili siya ng yelo!low!low!low!, umalis siya ng pasado ALAK-OCHO, homaygas! bumalik siya KWARTERTOELEBEN! may dalang YELO!LOW!LOW!LOW? WALA! susot nga e, hantagal tapos walang nabili, ba yan! At bago ko pa kami magkutuhan at langawin ang aming brandy with vetchin and chlorine, sinumulan na namin kahit labag sa aming mga tonsils na laklakin ang naninipa sa lakas ng aming alak na iinumin. Pero dahil nga etong si malvin ay dakilang uh! ay pu. ay do!go!bu! ayun nga titiisin namin ang sipa sa lakas ng alak na yun. Pero bago yun, bilang HRM daw ako, syempre inutusan nila akong magluto at sumunod naman ako kahit alam kong may kasama na yung pang-uuto! Chix BBq ang niluto ko makatikim naman ng di kalibreng dish ang mga puritang to'!haha. At ayun, nagustuhan naman nila ang luto ko, da best daw sabay sabi ko naman "Oo, da best pero wala na! wala na ko lulutuin, Dabest kayo diyan! kala niyo mauuto pa ko. rur" sabay tawanan! Pero pinagtataka ko, halos nakaka TRIPORT na kami sa aming iniinom na isang litro, parang bale wala, nasa ulirat pa din kami, busog na ko sa mahahangin nilang kwento pero di pa rin ako tinatamaan. Ang aming inuman ay umikot lang sa naparaming naipong kwento ng aming buhay buhay, mga bagong karanasan, mga bagong natutunan at mga bagong nais puntahan, mga baong hilig, mga bagong gusto, napag-usapan din pala namin ang aming mayor na walang ginawa kundi mamigay ng mansanas, mansanas na ginawa niya ring panuhol nung kampanya niya, ung totoo mayor may hacienda ka ba ng mansanas?, napag-usapan din namin ang mga kurso naming kinuha, mga plano pagkagraduate, at meron pa pala ang isa kasi sa amin ay magiging tatay na in 4 months time, pero hindi ko alam kung totoo, paano kasi parang noong isang taon ko pa narinig na buntis ang aso nila este wowa niya, kaya nga napaisip ako ng dalawang bagay nagsisinungaling kaya to o sadyang exceptional lang ang napili niyang mabuntis, na hindi lang 9 months dinadala ang bata sa tiyan extended pa. Marami ang aming napag-usapan, habang ang dalawa sa amin na si dods at mike ay maagang namimlay (+)(signofthecross), iniwan na kami at humilata na, habang kaming tatlo nila tuvs at onel at nagkukulutan pa at nagmemeyk-up na, may rampa mga teh, uh ,papa um mamaw,yeh! At dun sinulit namin ang ilang patak ng alak na natitira sa pamamagitan ng maBOTENG usapan. Ramdam ko na may tama na ko, nahihilo na ko, pero mas pinili kong manatili sa inuupuan ko at makinig lang sa kanilang mga kwento, mga kwentong dati ko ng narinig, at yung mga kwentong bago, mga kwento ng aming kalokohan nung mga panahong kami'y uhugin pa lamang, hindi ko alam pero sabi ko sa sarili ko susulitin ko to dahil namiss ko talaga to, mga kababata ko kasi sila, at kahit itanggi ko o hindi, naging parte sila ng aking pagkabata, at mananatili silang parte ng buhay ko, Naks!dramarama. Nang oras na yon, di ko hinayang wala akong kahit na papaanong maibahagi sa kanila dahil hindi ko alam kung kailan ulit mauulit o kung mauulit ba ulit yun, at kung sakali mang oo, sigurado ako hindi na sa parehong paraan at pagkakataon, at bilang ako'y mayaman na nakabili ng sariling mundo, ibinahagi ko sa kanila ang mga kaadikang alam ko, mga prinsipyo ni budoy, at paninindigan ni boy pik-up, mga words of wisdom kumbaga, at sinangayunan naman nila ang mga ito, kahit sa totoo ay inuuto at nililibang ko lang sila dahil ayoko na tumagay, para-paraan ba! Hanggang sa pumatak na nga ang huling patak ng aming alak, ganap na alas-dos, hudyat na upang putulin panandalian ang nasimulang maBOTENG usapan, sa totoo lang ayoko pa, pero dahil uuwi pa sila, pinagbigyan ko din sila, delikado na din sa daan. At doon natapos ang isang usapang kung saan saan napulot, at kung ano anong pinaggalingan.
MABOTENG PASKO WITH BARKADA! Sila ang barkada ko di man mga perpekto pero mahal ko yang mga yan, silang mga walang sinasanto, pero para sa akin sila'y mga tunay na kaibigan ko! Iba't iba man ang hilig, magkakaiba man ng gusto at pinagkakaabalahan, iisa lang ang sa amin ay pare-pareho, kami'y kampon ni budoy, joke! Ito ay ang pagpapahalaga sa TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN. May kanya kanya kaming kahinaan sa parehong paraan meron din kaming kanya kaniyang lakas at karangalan, na alam ko, saan man kami makarating ito'y gagamitin sa paraang dapat ito'y magamit, at hindi ko man alam kung kailan o saan mauulit ang maboteng usapan na yaon, umaasa ako na ang aming pagkakaibigan kailanman ay hindi magtatapos. Kaya naman MGA DRE! SALAMAT SA MABOTENG PASKO NG ATING TAON! AT SA MGA SUSUNOD PANG TAON, AT SA MGA SUSUNOD PANG TAON (PAULIT-ULIT?)
MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR! LOVE!LOVE!LOVE!MWA MWA TSUP TSUP!
No comments:
Post a Comment