Total Pageviews

Sunday, December 11, 2011

PASAWAY

(GALING DIN SA FB ACCNT Ko. di ko alam kung anong nagtulak sakin para isulat to pero magkagayun pa man, mahalaga to sakin dahil minsan akong nakapagisip ng mejo makabuluhang bagay-at naidokumento ko p ito, iilan lang ang mga taong cguro kayang gawin ito kaya naman masaya ko dahil isa ko sa iilan.. at nung binasa ko okey naman, may nabuo namang tot sa isip ko.)

Pasaway!

Likas na nga yata sa ating mga tao ang pagiging pasaway o ang pagiging makulit sa simpleng salita. Marahil dahil na rin sa ating pagnanais na makuha, magawa o maranasan ang ilang bagay dito sa mundo , ito man ay isa sa ating pangangailangan o ating kagustuhan. Ang pagiging makulit o pasaway ay maaari na ring maituring na adiksyon lalo na kapag may mga bagay na nais nating gawin o makuha ngunit sadyang may limistasyon o di kaya naman ay bawal. “Masarap ang bawal” isang paniniwala ng bawat indibidwal partikular ng mga kabataan sa kasalukuyan, di nga ba mas masarap lasapin at maranasan ang lahat ng bagay sa mundo  hangga’t bata ka pa at may pagkakataon pa ika nga nila. Walang naman sigurong masama kung nanaisin natin na matikman at maranasan ang mga bagay dito sa mundo na magpapaligaya sa atin bilang tao.kung tutuusin ang buong mundo ay isa sa pinakamahalagang regalo sa atin ng maylikha bukod sa ating buhay. Binigyan tayo ng diyos ng kalayaang gamitin at danasin ang mga bagay na kayang ibigay sa atin ng mundong ating ginagalawan at may Malaya din tayong paggawa ano man ating naisin, Ngunit ang lahat ng itoy may hangganan na tila ba ating nakalimutan. Lahat ng bawal ay nangangahulugang taliwas o di akma sa pamantayan at batas ng diyos, na kung ating ipipilit ay magdudulot ng pagkasira ng moralidad at spirituwal na buhay ng isang nilalang. Hindi masama ang makihalo at makisaya sa nakakarami, sa katunayan walang ibang hiniling sa atin ang diyos kundi ang tayo ay maging masaya subalit sa pamamaraang hindi makasasakit o makasisira ng dignidad at pagtao ng indibidwal.
Ang kasalanan ay isa sa taliwas o bawal na gawi sa pamantayan ng maylikha dahil ito ay magdudulot sa atin ng labis na kapighatian at ilalayo ang tao sa maylalang. May dalawang kategorya ang kasalanan ng tao ; ang una ay ang kasalanang intensiyonal , ito ay isang kasalanang pinlano at pinaghandaan bagamat alam ng tao na ito ay mali at kasalanan ginawa pa rin niya at di alintana ang dulot nito. Ang isa naman ay kasalanang di intensyonal , maaari din itong ituring na isang pagkakamali bilang isang tao. Ito ay maaaring makasakit ng kapwa sa hindi natin inaasahang pagkakataon. Bilang isang tao mahirap itanggi na tayo kailanman ay hindi nagkasala o nagkamali dahil tanging ang kataas-taasang maylikha lamang ang nakatakdang maging perpekto at walang bahid dungis. Sa patuloy na pagdaan ng panahon patuloy tayong humihingi ng ibayong katatagan at kalakasan ng pananampalataya  sa dioys bilang isang tao ngunit tila ba sadyang malakas ang puwersa ng makamundong pagnanais natin sa ilang bagay sa kabila ng pagiging bawal at pagiging taliwas nito sa kalooban ng diyos at dito pumapasok ang pagiging pasaway o makulit ng isang tao na sa simula pa lamang ay alam na natin na mali at bawal ang paggawa ng di tama at mga makasalanang Gawain subalit para yatang nagiging adiksyon na natin ito sa halip na supilin at tulungan ang sariling pagtagumpayan ang patuloy na panunukso ng mundo na gamitin at gawin ang mga makasalanang Gawain.
Sa kabuuan nagging pasaway tayo sa ating mga sariling paraan na sa una hindi natin batid ang magiging dulot sa ating pagkatao at sa relasyon ng tao sa diyos. Ngunit sabi nga nila hindi mahalaga ang pagkatisod o kung gaano man kalayo ang nalakbay mo palayo sa diyos ang mahalaga ay ang muli mong paglingon at pagbabalik loob sa diyos na walang tanging hiling kundi ang mastagpuan ng bawat isa ang tunay na kaligayahan na hindi kailanman masasakripisyo ang pagiging tao at moralidad bilang isang nilalang. Sa patuloy nating paghahanap ng tunay na kaligayahan at pupuno sa ating mga kakulangan isaalang-alang natin sa tuwina ang ating halaga sa panginoon hindi bilang alagad niya kundi bilang mga anak niya na handing patawarin ano mang pagkakamali ating nagawa, subalit atin ding tandaan ang lahat ay may hangganan huwag nating sagarin sa kadulu-duluhan bagkus turuan ang sariling mamuhay ng tapat at walang masamang hangarin at intensiyon saanman at kaninoman.

No comments:

Post a Comment