Nais kong gamitin ang pagkakataong ito upang lubos na magpasalamat sa diyos, alam kong hindi pa sapat ang simple at munti kong paraan ng pagpapasalamat sa kanya katumbas ng gabundok na biyaya at pagpapala na ipinagkakaloob niya hindi lang sa akin kundi maging sa aking buong angkan.
Kasabay ng aking buong pusong pagpapasalamat, nais kong ikwento ang aking mga karanasan at mga natututunan at matututunan pa lang sa aking siyan (9) na araw na paggunita sa paghahanda sa pagdating ni Hesus sa pamamagitan ng Misa de Gallo o Simbang Gabi.
ANO BA ANG SIMBANG GABI O MISA DE GALLO?
Tatlong taon na din ang nakalilipas ng simulan kong magsakripisyo ng aking buong sarili para sa simbang gabi. Ang simbang gabi para sa akin ay hindi lamang ordinaryong pagsimba kundi may mas malalim pa itong kahulugan para sa akin, kagaya ng pagpapahalaga at paggunita ng libo-libo pang mga katoliko. Siguro isa na rito ang paniniwala nating mga katolikong pilipino na sa oras na makumpleto ng sinumang deboto ang siyam na madaling araw ng Misa de Gallo ay paniguradong matutupad ang iyong mga kahilingan bilang kapalit ng iyong sakripisyo. Isa sa mga tradisyong ating namana sa mga kastila na magpasahanggang ngayon ay ating ginugunita.
Ayon sa kasaysayan, limang daang taon na ang nakalilipas ng pasimulan ng mga unang katoliko ang tradisyong ito. Ito ay siyam na gabi o novena ng PAGPAPASALAMAT ng mga magsasaka sa kabila ng mga biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng masaganang ani sa kanilang bukirin. At sa ating bagong henerasyon ng mga katoliko sa katauhan ng mga pilipino, ang mayamang tradisyong ito ay patuloy nating ginugunita at pinagyayaman taon-taon, tanda ng ating malalim na pananampalataya sa ating maylikha.
Ang Unang Madaling Araw.
Ito ang pangatlong taon ng aking sakripisyo.Mamukat-mukat ako nang akoy gisingin ng aking orasan sa malakas nitong ingay. Antok na antok at para bang ayaw pang tumayo sa higaan, ngunit ng maalala ko na ito ang unang madaling araw ng simbang gabi ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, inisip ko nalang minsan lang ang ganitong pagkakataon palalampasin ko pa ba? Pasado alas dos nang ako ay magising at magsimulang maghanda para sa unang simba para sa misa de gallo. Kasama ang ilan sa miyembro ng aking pamilya kami ay tumulak papunta sa pinakamalapit na simbahan sa aming tahanan, walang masyadong pinagkaiba sa nakalipas na ilang taon ng aking pagsimba, sa aming paglalakad kasabay namin ang mga ilang deboto na gumising din ng maaga para sa simbang gabi. Pagsapit namin sa simbahan, bumungad sa akin ang kontodo gayak at pailaw na istruktura ng simbahan, tanda na simula na ang mas makabuluhang paghahanda ng bawat isa para sa pagdating ng mesiyas. Agad kong tinungo ang upuan na madalas kong puwestuhan sa gawing kanan ng simbahan, medyo madilim ang loob nito, tanging mga umiilaw na chrismas lights sa christmas tree lamang ang nagsisilbing liwanag. Isang mas malalim na repleksyon ang aking ginawa ng mga sandaling iyon. Pagdating ko sa upuan, ay agad akong lumuhod, tanda ng pagpapakababa at paggalang sa kanyang kataas-taasang mesiyas, na piniling bumaba at magligtas. Agad akong nanalangin, laman nito ang mga paghingi ng tawad sa aking mga kakulangan, gayundin ang pasasalamat para sa mga biyayang aking natatanggap, at mga personal na intensyon ang laman ng aking panalangin. Sa tahimik na kapaligiran, dala na rin siguro ng kaantukan ng mga deboto, sinamantala ko ito, upang pagnilayan ang unang gabing yaon, at ang pagninilay na ito ay patungkol sa LIWANAG.
Nang sandaling iyon, busog na busog ang aking mga mata sa aking nakikita, mga nagkikislapang mga ilaw, may puti, dilaw, pula at iba pa, maging sa labas ng simbahan ganito din ang eksena. MASAYA, Oo, masaya sa paningin ang mga ilaw na ito, pinaglalaruan ang ating mga mata, na tila ang lahat ay bumabalik sa pagkabata, kahit yaong mga may edad na, kahit nga ako napaisip kung bakit ganoon na lamang ang pagkamangha ko ng gabing iyon sa mga mumunting ilaw na yaon. Ngunit mas pinalalim ko pa ang aking pagninilay, at tinanong ang aking sarili "Ano ang ibig sabihin ng mga liwanag na ito?" , para kasi sa akin ito ay isa sa senyales nang mensahe ng panginoon para sa akin, mensahe na dapat kong maunawaan at maintindihan at maisabuhay na rin. Liwanag. hindi lingid sa ating kaalaman na ang mundo ay salat sa liwanang, marami pa rin sa ating kababayan ang hindi nararanasan ang sibilisasyon at pagkakaroon ng kuryento o ilaw man lamang. Marami din tayong mga kababayang naliligaw ng landas dahil sa madilim na daan na kanilang piniling tahakin, na sa kahuli-hulihan ay biktima rin lamang ng mapanlinlang at madilim na katotohanan sa mundo, tayo ay salat sa liwanag, at dapat nating aminin ito, ang ilan sa tin ay patuloy na namumuhay sa gitna ng dilim, ang ilan ay pinipili pa ito kahit na may liwanag pa silang natataw. Mundo nga ba ang may problema? Mundo nga ba ang may dala ng dilim? Kung gayon paano? Saan o Sino ang magbibigay LIWANAG? Madalas nating sisihin ang mundo, kesyo ang mundo ay hindi perpekto, ito ay marumi masama at maingay, ngunit minsan ba ay natanong natin ang ating mga sarili? Hindi ba't tayo ang bumubuo ng mundo? Hindi ba't ikaw, ako, tayo ang naininirahan dito? Hindi ba't tayo rin ang gumagawa ng dilim, ingay at dumi na ngayon ay tinataglay ng mundo? Dapat nating isipin na TAYO, at hindi ang mundo ang may problema, bilang tao na may mataas na uri ng pag-iisip kahit na saan o anupamang uri ng nilalalng sa mundo, TAYO ang dapat gumawa ng paraan upang ang mundo ay maging isang paraiso. Paano? hanapin ang liwanag. Si KRISTO. Maraming pilosopo ang maaaring magkomento: si kristo, si hesus, ang mesiyas, ang sugo, ang tagapagligtas o kahit na anupa mang maaari nating itawag sa kanya, nakalulungkot isipin na siya na tumubos sa atin ay tila ba malabo pa rin ang pagkakakilanlan sa atin, may iba kilala si hesus, bilang si hesus, ngunit hanggang doon na lamang, ang iba naman si hesus ay hindi panginoon undi isang PAHINGI-NOON PAHINGI-NITO, nakalulungkot isipin na sa dami ng patotoo ng diyos sa ting buhay, mula sa misteryosong paglikha sa atin, sa ting buhay, mga biyaya na ating tinatamasa, mga kapatawarang ating tinatanggap, ay tila ba malabo pa rin ang imahen ng diyos para sa atin. Minsan ba nagawa mo ng tumahimik saglit at magtanong? "Sino at ano ba ang papel ni hesus sa buhay ko?" , alam ba natin ang papel na ginagampanan niya sa ating buhay? Lagi nating tandaan, na maging sino man tayo at maging ano pa man tayo, kahit dumating ang punto na itakwil natin siya at hindi paniwalaan, mananatili ang pag-ibig niya sa atin, ang kanyang liwanag ay patuloy na magiging tanglaw at gabay ng mundong minsan siyang itinatwa, itinanggi at iniwanan. Liwanag. siya ang liwanag, ng buhay mo, buhay ko, buhay nating lahat at ng buong mundo, magiging isang madilim na karimlan ang sanlibutan sa oras na tayo mismo ang gumawa ng paraan upang umandap at tuluyang mamatay ang liwanag, Ang dilim ay kasalanan, dilim ng galit, dilim ng poot, dilim ng inggit at kasakiman, ito ang dilim na patuloy na sa ati'y nagiging temtasyon, ngunit sa ating paghingi ng patuloy na liwanag siguradong kagaya ng kapaligiran na aking naabutan sa loob ng simbahan, isang madilim ngunit patuloy na iniilawan ng mga nagkikislapang mga mumunting ilaw, ito ay nagpapaliwanag at ito'y nagpapasaya rin sa atin. Tandaan.huwag nating hayaan na sa gitna ng dilim tayo ay madapa bagkus agad na hanapin ang liwanag, upang patuloy na makapaglakbay sa masmakabuluhang buhay, kasama ni kristo sa piging ng buhay na walang hanggan. At sa oras na matagpuan ang liwanag, mangyaring ipamahagi ito, sa mga kapus sa liwanag at mga nabubuhay sa dilim nang sa gayun sila'y maliwanagan din ng nag-aalab at nag-lalagablab na liwanag ni KRISTO.

No comments:
Post a Comment