Kaya naman sa taunang paglulunsad ng programang Makipamuhay, patuloy pa ring nagaalab ang adhikain ng kolehiyo ito ay ang dalhin ang mga estudyante sa reyalidad na meron and lipunan at imulat ang mga ito sa mga isyung mayroon ang ating lipunan. Sa nakalipas na 15 anim na taon ng pagpapatuloy ng nasimulang programa ng Letran, ako ay isa sa mapalad na nakasama sa makipamuhay XVI - ang programang ito ay naglalayong iparanas sa mga letranista ang mundo sa labas ng institusyon upang sa gayon ay mas lalo nilang maintindihan at mapalawak ang kanilang pananaw pagdating sa buhay, at upang magkaroon din ng ganap na pagrespeto ang mga letranista sa mga taong salat sa maraming bagay at upang ganap na pahalagahan ng mga letranista ang anumang mayroon sila , bilang napakaraming tao ang wala noon na tinataglay nila.
Sa pamamagitan ng departamento ng Community and Extention Services ng Colegio ay patuloy na nagiging posible ang programang nasimulan na isa't kalahating dekada na ang nakalipas.
Bilang pagbabalik tanaw sa aming 3 araw na karanasan ng pakikipamuhay malayo sa aming kinagisnang buhay at pamumuhay, narito ang ilang kwento na nakapaloob sa 3 araw na punong puno ng iba't-ibang kwento ng katotohanan na aming nasaksihan sa bawat pamilyang aming nakasama.
Araw ng Biyernes sa ganap na alas singko y medya, kasabay ng pagbabasbas ng mga paring dominikano na namumuno sa institusyon ay ganap na naming panandaliang linisan ang Colegio upang sa dako pa roon ay aming masilayan ang ganda ng ibang lugar kasabay nito ang pagtuklas sa mga kwento ng bawat pamilyang aming tutuluyan at kasabay nito ay ang paglinang ng aming kamalayan sa malawak na kahulugan ng buhay.
Habang kami ay nasa biyahe , magkahalong saya at kaba ang aking nararamdaman, saya dahil isang bagong karanasan ang aking makukuhaha mula rito,at kaba dahil walang nakakaalam ni isa sa amin kung saan at kaninong pamilya kami makikipamuhay, tahimik ang ilan sa pagmamasid ng aming tinatahak daan, samantalang ang iba naman ay nagkukwentuhan at ang iba ay nakikinig sa kanilang mga MP4 & 3's, habang ang ilan ay may kanya-kanyang paraan kung paano matatakasan ang pagkainip sa halos isa at kalahating oras ng paglalakbay patungo sa aming pupuntahan, ako naman ay patuloy na iniisip ang pamilyang aking dadatnan, at kung ano ang mga mangyayari sa loob ng 3 araw na aking pamamalagi sa kanilang tahanan.
Makalipas ang isa't kalahating oras, ganap na naming narating ang aming pupuntahan ito, ay ang Sitio Nazareno Brgy. Isla, sa bayan ng Pakil lalawigan ng Laguna. Maaliwalas ang kapaligiran, malamig ang simoy ng hangin, bawat dampi nito alam mo na ito ay sariwang hangin na wala ang maynila, mainit ang pagtanggap sa amin ng punong barangay ng brgy. Isla na si kgg. Soccoro o mas kilala bilang Kapitana Bebot,
ako at si beng (note: ang aming nasa likuran ay kapilya ng sitio) |
sa ilang sandaling pag-iintay kami ay ganap ng inihatid sa aming mga pamilyang kabibilangan sa loob ng 3 araw, Dahil alphabetical order, syempre una na naman ako [Alcaide kasi] kami ng aking kapatid na si Al ang unang inihatid sa aming tahanan [si Al ay kapatid ko lamang sa loob ng 3 araw hindi kami magkadugo, hihi] dahil Alot ang apelyido niya at ako naman ay Alcaide, agad kaming ipinakilala sa aming magiging magulang , ang pangalan niya ay Nanay Marivic, siya ang tumatayong ilaw ng tahanan nang pamilya Red, ang pamilyang aming tinirahan.
Matapos ang ilang sandaling pagpapakilala, agad sa aming ipinakita ang aming magiging silid sa loob ng 3 araw, maliit lamang ang silid, sa tantya ko ay isang tao lamang ang makakaukupa, sinabi sa amin ng aming magiging nanay sa 3 araw na si nanay mavic na "ito daw ang aming kwarto at wag daw kaming mahiya na humingi ng anumang aming kailanganin. Napansin ko ang pagiging masayahin ni nanay mavic, ramdam mo sa kanyang pagaasikaso ang kalinga ng isang tunay na ina, kaya naman agad akong nagalak dahil alam ko nasa mabuting mga kamay ako ng mga sandaling iyon, ipinakilala din sa amin ni al aming magiging mga kapatid sa loob ng 3 araw, sina si kuya jong, jonel at rose, ang ikaapat ay wala na sa bahay nila dahil may sarili na itong pamilya.
At dahil magtatanghali na rin ng kami ay matapos sa isang pagpupulong na ipinatawag ng aming Facilitator , paguwi namin ay nakahanda na ang pananghalian sa araw na iyon at agad kaming sinabihan nila nanay na kumain na daw kami, ang isang platong kanin at pritong isda ang bumusog sa aming kumakalam na sikmura ng oras na iyon.
pritong tilapia at kanin na may toyo |
Matapos magluto ni nanay ay tinulungan namin siya ni AL-ang aking kapatid na dalhin sa taas bahay ang mga niluto ni nanay ang ulam at sinaing. Ilang sandali pa ng kumagat na ang dilim kami ay naupo na sa mesa upang pagsaluhan ang simple ngunit katakam-takam na aming hapunan. ito ay ang okoy-maliliit na piraso ng hipon na pinagsamasama gamit ang harina at ipinirito at suka naman ang aming sawsawan,
okoy |
mula sa kaliwa: si rose(pang-3 s magkakapatid,), si jonel(bunso), at si kuya jong (panganay) at siyempre si nanay |
Nais ko ding bigyang pansin ang ginanap na activity ng aming grupo para sa mga kabataan ng sitio nazareno, at kasama rito ang pagbibigay ng mga coloring materials, at naaalala ko pa, may isang bata akong tinanong tungkol sa kanyang mga pangarap , sabi niya sakin gusto daw niyag makapagtapos ng pag-aaral, tinanong ko ang trabaho ng kanyang mga magulang ang sagot niya sa akin ay wala at agad akong napaisip, kung paanong ang isang musmos at sinpleng pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ay matutupad sa kabila ng kawalan ng pinansiyal. at muli akong nagtanong sa kanya kung mahirap ba ang pagkukulay, ang sagot niya sa akin ay ganito "opo mahirap po, pero masaya kaya tatapusin ko po" agad na naglakbay ang malikot konh imahinasyon , may malalim na ibig-sabihin ang tinuran ng bata, hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng bata ng mga oras na iyon bastaalam ko lahat sila na naroroon ay masaya at nagkakaisa, ngunit sa mga salitang tinuran ng bata ibinalik ko yun sa kanya, sabi ko "ganun din ang pag-aaral mahirap pero masaya at makakaya kahit mahirap" hindi ko alam kung ganap niya akong naintindihan, ngunit sinabi ko sa kanya na anuman ang mangyari kailangan niyang magsikap dahil, ang lahat ng may pangarap may hinahaharap. hanggang sa natapos ang activity iniisip ko pa din ang maaaring maging bukas ng mga kabataan dito kung sakali na daanan sila ng krisis ng kawalan. Sana lang sa mga darating na panahon maraming maging estranghero na handang maging bukas palad para sa mga musmos na may sinpleng pangarap.
Nang kumapit na ang dilim . isa-isa na kaming naghanda para sa gaganaping "Solidarity Knight" para naman ito sa buong pamilya ng mga taga roon, ito ay puno-puno ng palaro na magbibigay daan sa mga pamilya at kanilang anak-anakang letranista nang pagkakataong magkasama sa natatanging gabing iyon, naroon din ang feeding para sa mga taga-roon.
No comments:
Post a Comment