Total Pageviews

Wednesday, December 28, 2011

PAGTATAPOS

05.25.11
.
.
.
12/21/12
.
.
.

Naaalala ko nung may pinasa akong article sa adviser ng aming publication, tungkol sa judgement day, sabi niya sa akin "Oh! Dear, this is too dark article", nung una di ko kagad siya magets, sabi ko its too dark? panu nangyari yun e, sa white paper ko naman sinulat, hanggang sa sinabi niya "Katapusan ng mundo, ife-feature natin?", at dun ko lang naintindihan ung point niya, at wala na kong nagawa kundi kumamot sa ulo sabay sabi "Ah ok po!"

Sino nga ba sa atin ang gustong pag-usapan ang KATAPUSAN? Kahit siguro sinong poncio pilato o ordinaryong tao kapag binuksan mo ang isang usapan tungkol sa kamatayan o katapusan ng buhay ng tao sa mundo, sigurado iiwanan ka ng mga kausap mo, o di kaya naman ay makikita mong unti-unti nang kukunot ang kanilang mga noo, hudyat para tigilan mo ang usapang sinimulan mo kung ayaw mong makarate-kid. 

Pero bakit nga ba tayo takot sa katapusan? Dahil ba lagi itong nagpapaalala sa atin ng katapusan ng mundo?  at nang paghuhukom? Tama nga bang katakutan natin ito? Sa maraming dahilan Oo, sa katotohanan dapat HINDI. Oo dahil gustuhin man natin o hindi, iiwan natin ang mundong ating ginagalawan, iiwan natin at ititigil ang matagal na kinasanayan, iiwan natin ang mga tao at bagay na mahalaga sa atin, at lilisanin natin ang mundong pilit natin ninanais na baguhin. At hindi, dahil kagaya ng pagsikat ng araw sa umaga ay siya ring paglubog nito pagdating ng gabi, nangangahulugan na tutulan man natin ito, ito kusang darating at magaganap bilang ang buhay at bagay sa mundo ay may simula at nakatakdang may katapusan.

Sabi nila ang lahat daw ng bagay maging buhay ay may katapusan, sa parehong dahilan kung bakit tayo nangangamba na dumating ang 12.21.12 na sinasabing katapusan ng mundo na ayon sa marami, ito daw ang katapusan ng kalendaryo ng mayan calendar, ang kalendaryong gamit noong kauna-unahang panahon pa. Sa totoo lang magkahalo ang opinyon ko ukol dito, una dahil isa akong katoliko na naniniwala sa kakayahan ng Diyos, na siya lang ang may karapatan na sabihin at idikta kung ano ang kapalaran ng mundo, kung kailan at paano magwawakas ito siya lang ang nakaaalam, pangalawa pwedeng oo kung ang mga pagbabasehan ay ang mga sukdulang paglala ng pandaigdigang krisis at kaguluhan, pero kung susumahin, sapat bang basehan ang lahat ng ito para sabihing katapusan na nga ng mundo?

kagaya ng minsan ko na ring naisulat tungkol sa judgement day noong may 2011, kung saan kasalukuyan akong nag-oojt nang mapansin ko ang maraming nakapaskil kung saan saan na nagsasabing end of the world (may 10, 2011), pero isang malaking kalokohang sabihing totoo yun, dahil kung oo, malamang di ko na nasulat to, pero dahil isang kasinungalingan lang ang lahat, hindi ito totoo, wala nang diskusyon pang kailangan pag-usapan.

Pero hindi lahat ng pagtatapos ay kailangang katakutan at yan ang aking tatalakayin sa aking artikulo. 


Tuesday, December 27, 2011

Second Saint of the Philippines!




Just recently, I heard from the news about the next Filipino saint after our first saint Lorenzo Ruiz of Manila. He was the very first Filipino saint in the our blood line after he became a member of the knight of the altar (Sacristan) during the 17th century, He was accused by the Spaniards of killing one of their fellow, a reason for him to escaped and continue his catholic service to japan. But after the long search of the Spanish people, they found Ruiz at nagazaki japan, and there he was persecuted and killed as a martyr of the Roman catholic Church. 




But this time, Filipinos are now waiting for the canonization of the next saint in our time after Pope Benedict XVI approved the petition send by the Diocese of Cebu who believes that PEDRO CALUNGSOD should be considered as a saint for his good deeds and martyrdom for his Catholic faith. Calungsod was also a sacristan during his time, He served the people of Guam especially the Island of Marianas, where he celebrated several masses and Baptism for the people of the Island. But when one of his critics, who was a Chinese man who said that calungsod is trying to mislead the people of the Island by teaching them a false faith, he was persecuted and also killed as martyr of his time. Late Pope John Paul II approved the beatification of Calungsod last 2000. According to Arch. Ricardo Cardinal Vidal, Calunsod may be proclaimed as saint this coming February. 



Well, we should believe that in spite of our ranks as one of most corrupt countries in the world, or as one of the most dangerous country worldwide, there still goodness in every Filipino heart no matter what happen. St. Lorenzo Ruiz and St. Pedro Calungsod (soon to be), they are the proof that we can be as good as other Saint and Holy people of other countries in the world. We should be hopeful that, in spite of the darkness side of our country, we can still strive for Bright future of our country. Perhaps, the two saints were the saints of their generation, but we have to accept the fact, that they are indeed filipino, in blood and at heart, the same blood that runs in our veins. 

Sunday, December 25, 2011

PASKO 2011: MABOTENG PASKO WITH BARKADA!

Merry Christmas Dre! Ang Bungad sa akin ng mga ungas kong tropapits! Kala ko mga uhuging bata lamang na mamasko ang dumating yun pala mas malala pa, ang mga kampon pala ni justin bieber,haha! 

Kahapon, araw ng pasko nasa bahay lang ako, pano wala kong pera, kasi ang mga adik kong Godninang and ninong ay hindi ko alam kung sang lupalop ko mahahagilap, o kung siguro makita ko man sila, di bale nalang, paano ang pagkakaalam ko mga taga Quezon Province pa ang mga yun, At kung sakali namang susugurin ko sila, kagaya nung ginawa ko ilang taon na ang nakakalipas,  pag dating ko dun pinakain lang ako, kala siguro timawa ako sa Fuds, tapos papasok sila sa kwarto sabay labas may kung anong hawak sa kamay, siyempre pasimple pa ako pero alam kong aginaldo na un para sa akin, tapos! SURPRISE 100.00 PESOS may kasama pa ung litanya (Inaanak pasensya na, yan lang ang nakayanan ni ninang mo e blah blah blah)  Homaygad! siyempre ako naman todo pasalamat habang binubulong ng UTANG UTA kong kalooban  "Hay naku! Sana ibinili ko nalang ng Boy Bawang yung pinamasahe ko, edi sana di pa ko napagod! heler! Laguna to Quezon kaya binyahe ko, tapos ETO NA UN?haha. Pasensya na choosy po ako, kaya nga mas pinili kong wag nalang mamasko dahil baka kung ano na naman ang abutin ko. 

At ayun nga sa dinami dami ng litanya ko tungkol sa mga Barat este mababait kong ninong at ninang balikan natin ang mga ungas kong tropapits. Dinayo pa ako all the way from mayondon na ang layo layo, kung  saan aabutin ka ng kulang kulang 10 minutes kung nakatricycle at mga 30 minutes naman kung lalakarin (un e kung barat ka din.haha). Ayun nga dinayo nila si ako, kala naman nila natuwa ako sa ginawa nila, di kaya no! Paano ba naman, alam ko na ako'y panandaliang magiging alila na naman ng mga ungas na yun, taga luto ng pulutan, taga serve, taga tagay, tag bili ng yelo, at susme! pag inabot ka pa ng kamalas malasan e, lilinisin mu pa ang kasulasulasok na amoy ng kanilang mga lungad. errrr! Yan ang papel ko sa buhay nila pag tomotoma ang barkada. Pero kahapon nga ayun nagsimula sa Merry Christmas at kantyawan na bumili ng malalaklak, at di naman sila nagbumarat (BARAT) (ninong/ninang: OUCH! me: Sorry Po! ) Nasimulan na din ang session.

Sa totoo lang, medyo may katagalan na din na hindi kami nagkikita kita, siguro mga kahapon lang! hindi siguro mga half a year mga ganun, kasi busy na din yung iba sa School ung iba naman sa work, kaya wala na ring masyadong time, kaya kahit anong pagtanggi ng pwet ko na magtyaga sa pakikipag-inuman sa mga tropapits, mas pinili ko nalang na sila ay samahan, bilang miss ko na din sila. ihhhh. Dre pakiss isa lang, torid, walang malisya!keleg.w/matching pungay ng mata.! 'o'

Teka bago ang lahat ipapakilala ko muna ang mga natatanging disipulo ni rene requestas, na pinagtatyagaan kong samaha, joke! Ang Barkada! Si Malvin o Tuv's di ko alam kung saan nanggaling yun, pero feeling ko sya talaga yung bouncer dun sa commercial na cornetto e, kung napanood mu na un, oo un nga yun! Etong mokong na to naman ay ang bagyo ng barkada, bkit bagyo? Aba! pag eto nagkwento babagyuhin ka sa lakas ng hangin, di ko alam kung signal no. 2 o 3 b ang lakas nun, basta malakas, pero siya din ang BDO ng barkada pano "He find ways" para magkasama sama ang barkada. Si Mike. Eto masayang kasama yan si mike, di ka mauuta kapag kasama mo siya, ang daming alam, sarap paslangin, siya naman ang Vice ganda ng barkada, susme! kakabag ang tiyan mo kabag siya'y bumanat, kumbaga energizer siya ng tropa. Eto naman si Onel o tatang, kung bakit tatang? di ko din alam eh, teka ask ko kay nanang.waley?boom. Si onel naman ang Yao ming ng tropa, pano ba naman ng nagsabok ng katangkaran si Bro present siya at todo effort siyang makakuha kaya ang resulta mala poste ang height niya 5'11 ata si ungas, bukad sa katangkaran wala na po siya'y dakilang kup*l, haha. Ah meron pa pala adik din pala siya sa mga computer games, kaya siguro kung anung itinangkad niya e siya namang ikinatuyot ng katawan niya higupin ba naman araw araw ang radiator ng computer. Si Dods naman ay dakila at huwarang bata, di na nag-aral nagtrabaho nalang, mabait yan si dods at anu pa ba uhmmm, wala ko masyado alam sa kanya e, malihim yun masyado, basta masipag ang uhuging bata na yunperiod

At dahil kilala na natin silang lahat. Let's get it on! tentenenentenen. Binggo! GINuman na. At nagsimula na kaming magconcoc ng brandy(wow suxal) with pineapple juice with clorine and betchin with suposupotorri. Opo may balak po kaming maglasunan. haha.syempre joke lang.! Kaya lang may problema, wala kaming YELO! low!low!low!Echo! Kya naman kesa naman mahiya naman sila sa akin, nagpaalam si tuvs na bibili siya ng yelo!low!low!low!, umalis siya ng pasado ALAK-OCHO, homaygas! bumalik siya KWARTERTOELEBEN! may dalang YELO!LOW!LOW!LOW? WALA! susot nga e, hantagal tapos walang nabili, ba yan! At bago ko pa kami magkutuhan at langawin ang aming brandy with vetchin and chlorine, sinumulan na namin kahit labag sa aming mga tonsils na laklakin ang naninipa sa lakas ng aming alak na iinumin. Pero dahil nga etong si malvin ay dakilang uh! ay pu. ay do!go!bu! ayun nga titiisin namin ang sipa sa lakas ng alak na yun. Pero bago yun, bilang HRM daw ako, syempre inutusan nila akong magluto at sumunod naman ako kahit alam kong may kasama na yung pang-uuto! Chix BBq ang niluto ko makatikim naman ng di kalibreng dish ang mga puritang to'!haha. At ayun, nagustuhan naman nila ang luto ko, da best daw sabay sabi ko naman "Oo, da best pero wala na! wala na ko lulutuin, Dabest kayo diyan! kala niyo mauuto pa ko. rur" sabay tawanan! Pero pinagtataka ko, halos nakaka TRIPORT na kami sa aming iniinom na isang litro, parang bale wala, nasa ulirat pa din kami, busog na ko sa mahahangin nilang kwento pero di pa rin ako tinatamaan. Ang aming inuman ay umikot lang sa naparaming naipong kwento ng aming buhay buhay, mga bagong karanasan, mga bagong natutunan at mga bagong nais puntahan, mga baong hilig, mga bagong gusto, napag-usapan din pala namin ang aming mayor na walang ginawa kundi mamigay ng mansanas, mansanas na ginawa niya ring panuhol nung kampanya niya, ung totoo mayor may hacienda ka ba ng mansanas?, napag-usapan din namin ang mga kurso naming kinuha, mga plano pagkagraduate, at meron pa pala ang isa kasi sa amin ay magiging tatay na in 4 months time, pero hindi ko alam kung totoo, paano kasi parang noong isang taon ko pa narinig na buntis ang aso nila este wowa niya, kaya nga napaisip ako ng dalawang bagay nagsisinungaling kaya to o sadyang exceptional lang ang napili niyang mabuntis, na hindi lang 9 months dinadala ang bata sa tiyan extended pa. Marami ang aming napag-usapan, habang ang dalawa sa amin na si dods at mike ay maagang namimlay (+)(signofthecross), iniwan na kami at humilata na, habang kaming tatlo nila tuvs at onel at nagkukulutan pa at nagmemeyk-up na, may rampa mga teh, uh ,papa um mamaw,yeh! At dun sinulit namin ang ilang patak ng alak na natitira sa pamamagitan ng maBOTENG usapan. Ramdam ko na may tama na ko, nahihilo na ko, pero mas pinili kong manatili sa inuupuan ko at makinig lang sa kanilang mga kwento, mga kwentong dati ko ng narinig, at yung mga kwentong bago, mga kwento ng aming kalokohan nung mga panahong kami'y uhugin pa lamang, hindi ko alam pero sabi ko sa sarili ko susulitin ko to dahil namiss ko talaga to, mga kababata ko kasi sila, at kahit itanggi ko o hindi, naging parte sila ng aking pagkabata, at mananatili silang parte ng buhay ko, Naks!dramarama. Nang oras na yon, di ko hinayang wala akong kahit na papaanong maibahagi sa kanila dahil hindi ko alam kung kailan ulit mauulit o kung mauulit ba ulit yun, at kung sakali mang oo, sigurado ako hindi na sa parehong paraan at pagkakataon, at bilang ako'y mayaman na nakabili ng sariling mundo, ibinahagi ko sa kanila ang mga kaadikang alam ko, mga prinsipyo ni budoy, at paninindigan ni boy pik-up, mga words of wisdom kumbaga, at sinangayunan naman nila ang mga ito, kahit sa totoo ay inuuto at nililibang ko lang sila dahil ayoko na tumagay, para-paraan ba! Hanggang sa pumatak na nga ang huling patak ng aming alak, ganap na alas-dos, hudyat na upang putulin panandalian ang nasimulang maBOTENG usapan, sa totoo lang ayoko pa, pero dahil uuwi pa sila, pinagbigyan ko din sila, delikado na din sa daan. At doon natapos ang isang usapang kung saan saan napulot, at kung ano anong pinaggalingan. 

MABOTENG PASKO WITH BARKADA! Sila ang barkada ko di man mga perpekto pero mahal ko yang mga yan, silang mga walang sinasanto, pero para sa akin sila'y mga tunay na kaibigan ko! Iba't iba man ang hilig, magkakaiba man ng gusto at pinagkakaabalahan, iisa lang ang sa amin ay pare-pareho, kami'y kampon ni budoy, joke! Ito ay ang pagpapahalaga sa TUNAY NA PAGKAKAIBIGAN. May kanya kanya kaming kahinaan sa parehong paraan meron din kaming kanya kaniyang lakas at karangalan, na alam ko, saan man kami makarating ito'y gagamitin sa paraang dapat ito'y magamit, at hindi ko man alam kung kailan o saan mauulit ang maboteng usapan na yaon, umaasa ako na ang aming pagkakaibigan kailanman ay hindi magtatapos. Kaya naman MGA DRE! SALAMAT SA MABOTENG PASKO NG ATING TAON! AT SA MGA SUSUNOD PANG TAON, AT SA MGA SUSUNOD PANG TAON (PAULIT-ULIT?)

MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR! LOVE!LOVE!LOVE!MWA MWA TSUP TSUP!

Saturday, December 24, 2011

SIMBANG GABI IX: Ang Pagtatapos at Ang Simula

YEHEY! (Para sa mga nakakumpleto ng 9 na umaga ng simbang gabi. Isigaw natin ng malakas Yehey! SA Wakas! ) Sa wakas, ang huling umaga ay sumapit na. ang pinakahihintay ng lahat ng katolikong nagsakripisyo sa loob ng siyam na umaga ay ganap ng natapos.

Ito na siguro yung tinatawag na PEAK ng Misa de Gallo, Ang huling misa ng simbang gabi. Kaya naman ang aking paggsising sa umagang ito ay walang kahulilip at katulad dahil muli ko na namang nakumpleto ang siyam na gabi ng Misa de Gallo.

Muli akong ginising ng malakas na alingawngaw ng aking orasan, bilang tanda na kailangan ko na muling bumangon upang maghanda sa dakilang umagang yaon - ang umagang iniintay ng lahat. Batid ko na ito na ang huling umaga ng Misa de Gallo sa taong ito, at dahil dito nabuo ang maraming katanungan sa aking isipan.  mga tanong na ako ang makasasagot at ang aking pananampalataya sa gabay ng mga turo at aral na aking natutunan sa loob ng siyam na araw.

Sumentro ang pagbasa at ang ebanghelyo patungkol sa pangako ng Diyos kay Abraham na ililigtas niya at pakababanalin ang bayang Israel at ang paghahari doon ay ilalagay sa mga kamay ni David at si Hesus nga ang katuparan ng pangako ng Diyos nang sinabi niyang sa lipi ni David ay isisilang ang Mesiyas na si Hesus upang tubusin ang sanlibutan sa kasalanan, kapighatian at kamatayan ito ay ng kusang loob siyang naging handog at ipako sa krus para sa ating kalayaan. 

Sa mga nakalipas na umaga naparaming katuruan ang aking natutunan, mga mensaheng inabangan at mga aral na natutunan. Ngayong tapos na ang siyam na umaga, para sa mga nakakumpleto ng siyam na umaga ng misa de Gallo, "Nasaan na nga ba tayo? Ganap na ba nating naihanda ang ating mga sarili sa pagdating ni Hesus?" Mga tanong na hindi mo kailangan sagutin sa isang papel, ni sabihin ang iyong kasagutan sa sa katabi mo, bagkus ang sagot sa tanong na ito ay nakaukit sa puso mo, ang sagot dito ay ayon sa nararamdaman at ginagawa mo ngayon ayon sa mga natutunan mo habang naghahanda sa pagdating ng dakilang manunubos na si Hesus.

Tunay nga tayong pinagpala, dahil muli tayong nakarating sa dakong ito ng ating buhay, marapat lamang na atin siyang pasalamatan dahil muli niyang liniliwanagan ang mundong nasasadlak sa dilim, at muli siyang isisilang upang gabayan ang mundong naliligaw at isisilang si Hesus upang ibalik ang mundong minsang tumalikod sa ama. 

Gayundin, Ang Pagtatapos ng Simbang Gabi sa taong ito ay isang bagong pagkakataon para sa atin upang magsimula muli. Hindi makatotohanang sabihin na isinilang si hesus at siya ang manunubos kung tayong kanyang tinubos ay mananatiling alipin at nakakakulong sa ating mga sariling kahinaan, at nanatili tayong nasa dilim sa kabila ng kanyang liwanag. Ang kanyang muling pagsilang ay hindi lamang para sa israel, bagkus ay para sa buong sangkatauhan na kinikilala siya bilang diyos at tagapagligtas.

Ang buong taon man ay naging masaya o masalimuot, kapatid ito ay tapos na, at panahon na para sa bagong simula, kung sa tingin mo may kailangan kang baguhin sa sarili mo, dito at ngayon ang tamang panahon para sa pagbabago, at kung mga bagay tayong hindi natin nagawa sa nakalipas na taon na dapat ay ginawa natin, muli simulan ngayon na gawin and dapat at taligdan ang hindi dapat gawin. Kasabay ng pagsilang ni hesus sa sabsaban sa kabila ng kanyang pagkaHari naway mamuhay din tayo kagaya niya sa bagong buhay at simula na ipinagkaloob niya sa atin, sa kabila ng karangyaan meron ka, sa kaabalahan sa trabaho, sa at sa kung ano-ano pang dahilan, manatili nawa tayong nakikinig sa diyos, nananalangin, nagpapalalim at nagpapatawad.

Isang masaya at pinagpalang Pagsilang ni Hesus sa ating mga PUSO! 

MERRY CHRISTMAS PEOPLE OF GOD!

Friday, December 23, 2011

SIMBANG GABI DAY VIII: Ang sanggol na si Juan bilang biyaya at pagpapala

JUAN. Mapagpala ang Diyos.

Sa anong paraan mo masasabing kumikilos sayo ang Diyos at pinagpapala ka niya?
.
.
.

Kumpara sa mga nakalipas na ilang umaga, maalinsangan ang panahon na sumalubong sa akin patungong simbahan, kaya naman maputik ang daan, at basa ang kalsada, may kaunting ambon din. Ngunit hindi yun pumigil sa akin upang muling gumising at magsimba at kumpletuhin ang nakatakdang 9 na umaga ng sakripisyo. Yan ang panata ko! Lalo na't ika - 8 umaga na ng simbang gabi ngayon pa ba ako magpapapigil. Hindi syempre. Sapat nang dahilan para masabi ko na hindi nagpapabaya ang diyos dahil isang umaga na lang kumpleto ko na ang siyam na araw dahilan upang mas lalo akong manabik at magpursigeng sumimba sa kabila ng mga nagbabadyang hadlang gaya ng ulan. Kagaya ng mga naunang umaga, luhod, dasal, sabay sa sabayang pagrorosaryo at muling nagnilay sa panibagong mensahe ng diyos sa akin ng umagang yaon. Naghanap muli ang aking mga mata ng bago, na maaaring isang simbulo ng mensahe ng diyos, ngunit wala ni isa, ganun pa din kumbaga normal ang lahat walang kakaiba (note: hindi po ako paranormal expert at mas lalong hindi ako espiritista, hindi po espiritu ung tinutukoy ko kundi ung mga bagay na maaari kong maiugnay sa bagong aral na nais ng diyos na ipabatid sa akin). Muli akong nag-intay hanggang sa nagsimula na ang misa. 

Matamang sumentro ang pagbasa at ebanghelyo (ayun naalala ko na ang tagalog o layman's term ng gospel) sa pagiging magulang nila Elizabeth at Zakariah sa kabila ng kanilang katandaan at sa bagong sanggol na si Juan - na nakatakdang maging lingkod ng diyos sa habang panahon . Masayang masaya na sinalubong ng mag-asawa ang kanilang anak na si juan, batid nila na ito na ang katuparan ng kanilang pangarap na magkaanak, ngunit sa kabila noon ay batid din ng mag-asawa ang mas malalim na dahilan ng diyos patungkol kay juan at ang mga responsibilidad na nakaatas sa kanilang anak, na hindi naman nila kinundena bagkus ay ipinagpasalamat pa sa diyos.

Sila Zakarias, elizabeth at Juan ay simbulo ng isang pamilya, hindi lamang basta pamilya kundi pinagpalang pamilya. Ngunit tulad ng ating henerasyon ngayon - ang pamilya, bago natamasa ng kanilang pamilya ng tunay na pagpapala ng diyos ay dumaan muna sila sa maraming pagsubok, patunay lamang na hindi ligtas ang sinuman ang danasin ang hirap at pagsubok pero sa kahulihulihan natanggap pa rin nila ang natatanging kagalakan at biyaya dulot ng pagpapala ng diyos. Tayo mga kapatid kailan natin masasabing tayo'y pinagpapala ng diyos? kapag ba marami tayong pera? o di kaya ay kapag lagi tayong SINUSUWERTE? ganoon ba natin sukatin ang pagpapala? Tunay ngang makatarungan ang diyos, kagaya ng kung paano niya parusahan ang mga makasalanan ay gayundin siya magpatawad sa mga nagsisisi, sa kabilang banda kung gaano man kahirap ang ating nararanasan ngayon, bukas makalawa ay kakamtin naman natin ang isang buhay na masaya at puno ng kaligayan bilang kapalit ng ating pighati't hirap. 

Naaalala ko yung isa sa mga kaibigan ko, sa murang edad ay nabuntis siya, at hindi niya ito inaasahan bilang bata pa siya at hindi pa din siya handa maging ina, pero sa kabila nito nagpakatatag siya, ngunit isang araw ng sabihin niya ito sa ama ng bata ay ikinagulat nito ng labis ang hatid niyang balita, hindi naman iyon problema sa kanya, pero ang masakit imbes na suportahan siya ay hinusgahan pa siya sa isang bagay na hindi niya kailanman ginawa, sabi pa niya sa akin nagmahal lang siya at ito lang ang tanging bagay na ginawa niya wala ng iba, pero dahil sa sakit na pagbintangan at halos walang suporta na natatanggap mula sa iresponsableng lalaki, malaki ang naging epekto nito sa kanya, hindi na siya makapag-aral ng maaayos, hindi na din nagiging maganda ang relasyon niya sa pamilya niya, hindi siya nakakakain, hindi makatulog, iyak ng iyak ni walang suporta mula sa mga taong akala niya ay mahal siya at hindi naglaon nagkasakit siya, sa madaling salita gumulo ang sitwasyon at gumulo ang takbo ng buhay niya at sa huli naospital siya at huli na ng malaman niya na wala na pala ang batang nasa sinapupunan niya, labis ang hinagpis niya ng sandaling iyon at habang ikinukwento niya sa akin yun ay siya ding pagpatak ng kanyang mga luha, at agad akong napaisip. Unang una inosente ang bata, pangalawa hindi niya ginusto ang lahat at panghuli biyaya siya galing sa Diyos, nakalulungkot lamang isipin na sa kabila ng kagandahang loob ng diyos sa atin minsan tayo pa ng tumatanggi sa kabutihan niya sa tin, tapos magtatanong tayo, bakit? 

Halos lahat ng magulang nagsasabing masarap daw maging tatay o nanay, sa kabila ng responsibilidad ang pinakamasayang aspeto daw ng pagiging magulang ay ang kanilang anak. Sabi pa nila walang magulang na naghangad ng masama sa anak, pero napaisip ako bakit may mga magulang na nais ipalaglag ang kanilang anak? bakit may mga magulang na walang pakialam sa mga anak? bakit may mga magulang na tila ba sumpa ang tingin sa kanilang supling? Siguro sa iba't ibang aspeto, silang hindi matanggap ang kanilang anak ang kanilang kapalaran bilang magulang ay may kani kaniyang malalim na kadahilanan, ngunit sa kabilang banda sa tingin ko hindi ito sapat na dahilan upang maging KRIMINAL ka ng sarili mong dugo't laman, diba? Sa batas ng lupa at lalo't higit sa batas ng langit isang kasumpa sumpang kasalanan ang pumatay, lalo't higit ng mga anghel ng diyos na piniling ipagdalang tao sila ng kanilang mga ina at maging anak ng kanilang mga magulang, ngunit sa minsan sa ating kasakiman at pagiging makasarili hindi natin naiisip ang kagandahang loob ng diyos sa atin, silang mga nagbabalak magpalaglag ng sanggol o silang nakapagpalaglag na, hindi mo ba naisip? maraming mag-asawa ang walang ibang dalangin kundi ang sila'y magkasupling, pero tignan mo ikaw, heto ka't bumibili ng pampalaglag, heto ka't halos butasin ang sariling tiyan mawala lamang ang tanda ng kapusukan. Sabi ng iba, sila ay biktima, biktima ng kapusukan, pero para sa akin hindi sila biktima, sila ay bukod tanging pinagpala, dahil sa biyaya ng pagiging isang magulang na pilit nilang tinatakasan sa iba't ibang kadahilanan at kaparaanan. Nakalulungkot lamang isipin, na sa kabila ng kabuthan ng diyos sa atin di natin ito mapahalagahan at hindi natin ito maingatan dahil na rin sa sarili nating mga kakulangan, ngunit sana wag nating laging gawing sandigan  ang ating mga kahinaan, dahil baka dumating ang araw na lahat ng ating dahilan ukol sa kahinaan ay maubos na at di na natin ito maidahilan. 

Sabi ng marami, ang pinakamasayang aspeto daw ng pagiging babae ay ang pagiging INA. Siguro nga, dahil si Elizabeth ng makita ang anak na si juan ay halos walang mapagsidlan ng tuwa. Para sa kaibigan ko siguro naman hindi pa huli ang lahat, habang nagmamahal ka at nagtitiwala ka sa diyos hindi magmamaliw ang pag-ibig niya sayo. At sigurado ako sa oras na hingin mo sa kanya sa takdang panahon na ikaw ay maging isang INA ibibigay niya iyon sayo.

Para sa mga kabataan nawa'y wag pairalin ang kapusukan, wag gamitin ang kakunting kaalaman at karanasan dahilan upang magkasala. Hindi masama ang magmahal sana lang matuto tayong mag-intay bilang ang lhat ng bagay ay may tamang panahon at oras, dahil kung hindi, tayo rin ang aani ng sarili nating dumi sa bandang huli.  

Ang bawat sanggol ay biyaya, sa anu pa mang paraan at kadahilanan, sila'y dapat mabuhay at karapatan nila ito. Diyos lamang ang makakapagsabi kung kailan ka dapat mabuhay at kung kailan ka dapat humimlay, hayaan nating masilayan ng mga mumunting anghel na ito ang paraiso, ang mundong hindi man perpekto pero ginawa ng diyos na tahanan ng tao, tahanang magulo pero punong puno ng makabuluhang bagay na huhubog sa atin bilang tao upang lumago. Ngayong kapaskuhan kasabay ng pagsilang ni Hesus sa sabsaban nawa'y hipuin niya ang puso ng bawat magulang na patuloy nilang mahalin ang kanilang mga anak hindi dahil responsibilidad nila ito, kundi dahil ito ang bunga at dahilan kung bakit sila naging mga magulang. Mabuksan nawa ang mga puso ng mga ina at ama na walang alam kundi saktan ang kanilang mga anak, ang mga mag-asawang nagtatangkang magpalaglag ng sanggol nawa'y mabatid nila na hindi lamang silang ang may karapatang mabuhay kundi pati ang mga batang tinawag din ng diyos upang maging isang mabuting tao sa hinaharap. 

Gaya ng pamilya nila elizabeth, zakarias at juan, sama sama tayong magalak habang nananabik sa pagsilang ng dakilang manunubos na si hesus. Maaaring maraming pagsubok sa ating buhay, tila ba wala ng dahilan ang pamilya para magsaya, pero tandaan natin maging ang angkan ni juan ay dumaan din sa mga pagsubok ngunit sa kabila nito nagpakatatag sila at kalauna'y pinagpala sila ng diyos ama. 








Wednesday, December 21, 2011

SIMBANG GABI DAY VII: MAGBILANG, MAGPASALAMAT AT MAGBAHAGI

Hay! sa wakas nkakapitong umaga na ako, at wala pa akong absent sa simbang gabi, ang saya! 

Ikapitong umaga na ng Misa de Gallo, marahil ang ilan, nakakapitong umaga na din, marahil ang iba nakakaanim palang, lima, apat, tatlo dalawa o di kaya ay unang beses palang sumimba ngayong simbang gabi. (uhmm, makukumpleto ko ata ang 9 morning, makapaglista na nga na wishes.)

Malamig na naman ang simoy ng hanging humampas sa akin habang naglalakad ako ng umagang iyon patungong simbahan, mangilan ngilang tao ang kasabay kong naglalakad din, magbabarkada, pamilya, magkasintahan at merin ding nagsosolo. Sa parehong paraan kung paano ko sinimulan ang mga nakaraang araw na may maraming ritwal bago ako umupo sa aking paboritong kapirasong espasyo sa sulok na unahan ng simbahan, ay nagdasal muli ako, at ngayon may panibago akong aral na natutunan sa pagpapatuloy ng simbang gabi. Maya-maya ay ikukuwento ito (sana di ko makalimutan). 

"Ang puso ko'y nagpupuri sa panginoon kong tagapagligtas" , ito ang isa sa paborito kong salmo, ito kasi ang awit ni maria na may kagalakan at tono ng buong pusong pasasalamat. At dito sumentro ang pagbasa at ang "gospel" (pasensya na po nakalimutan ko tagalog ng gospel eh.hehe). Sa umagang ito ang pagninilay ay matamang bingyang halaga ang pagiging mapagpasalamat ni maria sa Diyos sa pambihirang kalooban na sa kanya ipinagkatiwala kasabay nito ang paghingi ng lakas sa diyos upang kanyang magampanan ang tungkuling nakaatas.


"Count your blessings". May bibilangin nga ba tayo? Ang sagot? MARAMI. Eh bakit pa kailangang bilangin e marami nga? simple lang, paano mo malalaman kung gaano karami kung hindi mo sisimulang bilangin? Ganyan tayo minsan tinatamad magbilang , ang alam lang nating bilangin ngayon ay PERA, araw kung kailan susuweldo, kung ilang araw nalang may pasok/trabaho, kung ilang yosi na ang naubos, at ilang basyo na ng mucho ang natungga, ilan lang yan sa madalas nating bilangin. Ang mga biyaya ng diyos sa buhay mo nagawa mo na bang bilangin? marahil magtatanong ka ulit, bakit pa bibilangin? kung pede namang magpasalamat nalang? Sa totoo lang, walang masama kung derecho na tayong magpasalamat at di na bilangin pa ang ating mga natatanggap, pero naisip mo ba na "Paano ka magbabayad kung di mo alam kung magkano ang babayaran mo? sa parehong paraan na dapat nating malaman ang bawat detalye at dami ng biyaya at pagpapala ng diyos sa buhay natin , upang mabatid natin kung paano natin siya pasasalamatan, bagaman hindi niya tayo inuubligang gawin ito, bilang tao, marapat lamang na tayo'y magpasalamat. Pero paano tayo makapagpapasalamat ng lubos sa Diyos kung sa kapwa nga natin tao di natin ito magawa? Sa dami ng kabutihan, sakripisyo nila para sa atin, naging mapagpasalamat ba tayo sa kanila?Huwag na tayong lumabas ng bahay, sa pamilya nalang natin, Kaya mo bang harap-harapang sabihin sa nanay at tatay mo " Nay! Tay! SALAMAT PO", sa paraang harap-harapan na kaya mong sabihin sa bf/gf mo na "I Love you 4 ever and ever". Sa parehong tanong na kailangan ba nating magpasalamat sa ating mga magulang gaya ng pagpapasalamat natin sa diyos? Oo. Isang attitude desposition o pagkanatural sa atin, sinong lapastangang anak ang matapos, ipagdalang tao ng kanyang ina ng siyam na buwan sa sinapupunan, bihisan ng damit ng halos sampung taon, pakainin, pag-aralin at iminulat ang magagandang bagay dito sa mundo, ang tatay mong walang ginawa kundi ispin ang iyong kinabukasan kaya naman nagkakandakuba na sa ibang bansa o di kaya kulay uling na ang balat tanda ng paghihirap sa pagtataguyod sa kanilang mga anak, sino ang hindi magpapasalamat na anak? Naalala ko yung mga sinabi sa akin ng isa kong kakilala na may edad na, hindi ko alam kung isa ba itong payo na dapat kong sundin o isang bagay na nagpaggulo lamang sa aking pananaw sa buhay, sabi kasi niya "pagkagraduate niyo, isipin niyo ang sarili niyo, huwag ang pamilya niyo, dahil tatanda kayo at kukuba ng walang ginawa kundi isipin ang magulang niyo" dagdag pa niya, hindi daw obligasyon ng anak na suklian ng anak ang mga paghihirap ng mga magulang dahil bilang magulang ito daw ang obligasyon nila sa kanilang mga anak. Napaisip ako ng mga oras na iyo, bigla akong naguluhan, pero pilit kong inaalis ang  negatibong konsepto sa sinabi niya at pilit kong hinahanap ang postibong bagay dito, pero hindi ko talaga makita, at naisip ko na lang na siguro dala ng kanyang edad, nasa late 70's na kasi siya, siguro sa haba ng panahon na iginugol niya sa pagsuporta sa mgulang niya napagod na din siya at naghihinayang sa mga panahong dapat sana'y para lang sa sarili niyang kapakanan at kaya niya siguro yun nasabi. Pero, naisip ko din, di kaya ikinulong niya lang ang sarili sa kasinungalingang nilikha ng kanyang mga karanasan? Pero ang lahat ng iyon ay konklusyon ko lamang, hindi ko talaga alam ang naglalaro sa isipan niya o kung ano ang pinaghuhugutan niya para sabihin ang mga ganoong bagay, iniwan ko nalang ang ideyang yun, at nangako sa sarili ko na hinding hindi ko ito gagawin. Nakakalungkot isipin na tayong mga anak ay nakakalimot magpasalamat sa ating mga magulang, ang ating pag-aaral na lamang, na sana'y paunang bayad natin sa kanila, minsan hulugan na nga lang di pa natapusan, yung iba naman, imbes na magpagaan ng buhay sa mga magulang, magdadagdag pa, meron kasing mga nabubuntis ng maaga, yung iba nga di pa tapos ng high school, may anak na, di naman masama ang magkaanak, o mabuntis, natural may matres ang babae at dahil babae siya, at higit sa lahat ay biyaya ang sanggol, ngunit hindi ba't lahat ng bagay ay may tamang oras? kung sa tamang pagkakataon at oras lang sana edi mas maganda, pero hindi, panibagong sakripisyo ito sa magulang, sakit sa damdamin at sa ulo. Meron pa, imbes na mag-aral, pumasok sa eskwela, dun sa Bar, comshop, billaran o kung saan pa napasok, hindi ako tutol sa kaligayahan ng mga katulad kong kabataan, kaya lang sana maisip natin ang pagpapagal ng ating mga magulang, inuulit ko hindi naman natin obligasyon ang sila'y bayaran, dahil hindi naman utang ang pagpapalaki nila sa atin, kundi bunga ito ng kanilang buong pusong pagmamahal sa atin, ang sa akin lang bilang anak, hindi man tayo required magbayad, sana isipin natin sila bilang mga magulang natin at hindi lang tagasuporta sa ating mga luho at pangangailangan, na sila ay higit pa sa tagapagpadala ng pero, o tagapagbigay luho, sila ang ating magulang na kahit sa anu pa mang pagkakataon, kahit tila naubusan na tayo ng pagmamahal mula sa ibang tao, sa kahuli-hulihan sila pa rin ang ating matatakbuhan, sila pa rin ang bukas palad na tatanggap sa atin sa kabila ng kadustaan natin. 

Kagaya ng Diyos, napakarami ng biyayang ibinigay niya sa atin, siguro pinakadakila sa lahat na dapat nating ipagpasalamat ay ang ating BUHAY, ang buhay na dahilan, kung bakit tayo nagmamahal, bakit tayo tumatanggap, bakit tayo nananamasa ng pagpapala, at nawa'y gamitin din natin ito para magpasalamat. Paggising natin sa umaga, kaya ba nating magpasalamat man lamang kahit ilang minuto sa diyos dahil may panibago na naman tayong dahilan para mabuhay? o dederecho na tayo kaagad sa harap ng computer? bago kumain kaya ba nating magdasal saglit o kahit mag sign of the cross man lang - tanda ng pagpapasalamat sa ating hapag? bago matulog, kaya ba nating pigilin saglit ang ating antok para makapagdasal man lamang, magpasalamat sa buong maghapon na ginawa niya tayong ligtas at pinuno ng biyaya? Huwag nating gawing parang bumbay ang diyos na kailangan pa tayong singilin, na sa katunayan ay hindi naman kailangan, ito ay para lang sa atin, para pahalagahan natin ang biyaya niya sa atin, tulad maria hindi man tayo umawit ng papuri, sana kahit ang isa o dalawa sa biyaya niya sa atin ay ating magamit pabalik sa kanya tanda ng pagpapasalamat. 

Pero hindi lahat tao marunong magbilang at magpasalamat sa diyos. Kagaya na lamang ng madalas kong mabasa sa FB, na nagsasabi ayaw daw nila mapabilang sa SMP o samahan ng malalamig ang pasko, meron pa andaming umaaray sa taas ng presyo ng mga bilihin, partikular ang hamon, madami tuloy nalulungkot kasi wala silang hamon sa hapag kainan sa darating na pasko, pero naisip ko mahalaga ba talaga ito? Tandaan natin, wala mang kung sino ang itinuturing nating magpapainit ng ating pasko, o wala man ang star ng noche buena, isipin natin, higit pa rin tayong pinagpala, isipin mo ang mga taong kasalukuyang walang bahay at nawalan ng buhay, mga bata man o matanda na sa isang saglit ay nagresign sa buhay. Ang taong nasalanta ng bagyong sendong na ang mga namatay ay kalunos-lunos ang sinapit, namatay na nga, nawawala pa ang labi, may mga namatayan ng halos buong angkan, silang tila ba karimlan ang kinalalagyan at silang walang hiling kundi ang muling makabangon at dalangin na nawa'y muling sumikat ang araw sa kanilang buhay. Huwag nating sayangin ang bawat umaga na ibinibigay niya sa atin, magbilang tayo kahit marami magpasalamat tayo kahit kakaunti, dahil lingid sa ating kaalaman, may mga taong mas higit na lugmok at kailangan ng mga bagay na meron ka na pero hindi mo pinapahalagahan, huwag mong intayin na isang araw, parang baha, ay malimas ito sayo at wala kang magawa kundi alalahanin ang mga panahong ika'y sagana. 

Paano magpapasalamat sa diyos? Sa parehong paraang nagsasaing tayo hindi para sa ating sarili kundi para sa iba. Magpasalamat sa paraan ng pagbabahagi. Kailangan ba ng pera? hindi sa lahat ng pagkakataon, ang pera ay maliit na piraso lamang ng pagtulong, isang bagay lamang ito sa napakarami mong bagay na pwedeng gawin tanda ng pagtulong. Kagaya ni Maria, ng dalawin niya si elizabeth ay ibinahagi niya rin ang kanyang pagpapala, tanda ng pagbabahagi ng biyaya ng diyos sa ibang tao. Sa paanong paraan tayo makakapagpasalamat sa diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi. Sa mga ordinaryong pagkakataon, kagaya nalang sa dyip, ang mga taong nag-aabot ng bayad sayo, magiliw mo silang pagmalasakitan, o di kaya sa simpleng paraan pasalamatan mo si manong drayber, si aleng tindera, o di kaya ang namamalimos, ay iyong bigyang limos, ilan lamang yan sa mga mumunting paraan ng pagbabahagi, dahil habang tayo'ng nakikinabang at tumatanggap dapat tayong magbigay, dahil sa pamimigitan nito mararamdaman natin ang ating pagpapala - na siya namang ating ibinabahagi sa iba. (masyado ng mahaba at marami akong naikwento, puputulin ko na muna dito) 

Bilang panghuli, sa kahit anu pa mang paraan matuto tayong magbilang ng ating mga pagpapala, nang sa gayun ay alam natin kung paano tayo magpapasalamat habang nagbabahagi ng ating sarili sa iba. 

Ngayong kapaskuhan, mas lalo nawa nating pag-ibayuhin ang ating pagpapasalamat habang nagbibigay. 

Tandaan: SMP ka man o hindi man hamon man kayo sa hapag o wala, malamig man ang iyong pasko tuyo man ang handa mo, sa pagsilang ni hesus sa araw ng pasko, siya pa rin ang magpapainit sa buhay mo, kagaya ng palagi niyang ginagawa sa buhay mo, at siya pa rin ang magiging STAR NG PASKO NATIN, ano man ang mangyari. 

patuloy po nating ipagdasal ang mga nasalanta ng bagyo.

SIMBANG GABI DAY VI: MAGALAK

"Magalak na umawit sa panginoon, kayong banal umawit ng himig na bago." LSS sa salmong tugunan.

          Halos dalawang oras lang ang tulog ko at agad akong nagising sa malakas na tunog na nanggagaling sa aking orasan, dahilan upang ako'y magmadaling bumangon sa kabila ng antok at paghila sa akin ng aking sariling katawan pabalik sa aking higaan. Ngunit hindi ako nagpatalo sa aking antok, may galak akong bumangon at naghanda para muling dumalo sa pagdiriwang ng Misa de Gallo. Nagagalak ako dahil, ilang araw na rin ang lumipas at ilang araw na lang ay pasko na, at tapos na rin ang sobrang aga ng paggising, nakatutuwa dahil ika-anim na araw na ng sakrispisyo ng mga debotong kagaya ko. 

Kagaya ng mga naunang umaga, habang ako'y naglalakad, muli akong nagmuni, kung ano muli ang aral at mensahe na nais ng diyos na aking mabatid at mapagnilayan para sa umagang iyon. Baon ko ang samu't saring tanong sa aking isipan, ngunit nagtapos din ako sa ideya na ang diyos ang magbubukas ng aking puso at siya ang magbibigay liwanag sa akin upang ganap kong makita ang kanyang mensahe at kalooban.

Sa umagang ito, sumentro ang pagbasa at ang "gospel" sa pagdalaw ng birheng maria kay elizabeth na kanyang pinsan na nagdadalang tao rin ng mga panahong iyon, at ang pangyayaring ito ay tanda ng kagalakan ng mga pinagpala. Nang panahong iyon, dinalaw ni maria si elizabeth at ang pagbati ng mahal na birhen ay dahilan ng pagsipa ng sanggol sa sinapupunan ni elizabeth, senyales ng kagalakan sa pambihirang pagdalaw ng babaeng pinagpala sa lahat samahan pa ng dinadala nitong sanggol sa kanyang sinapupunan na si Hesus.

Sa maraming pagkakataon, tayo'y nagagalak sa maraming dahilan. Ang kagalakan ay higit pa sa kasiyahang dulot na maraming makamundong bagay, gaya ng pagtama sa lotto, pagbili ng mga mamahaling gamit, pagiging sikat at kilala at marami pang iba na dahilan nang ating kaabalahan, kaya naman minsan kahit ano o sino pa ang dumalaw sa atin di tayo natitinag, ni di tayo nagagalak dahil masyado tayong abala. Naaalala ko ang isang eksena na naabutan ko sa simbahan noong nakaraang araw lamang, magbabakarda ang aking katabi, bago magsimula ang misa tawa na sila ng tawa at gayundin sa ilang mga pagkakataon habang nagmimisa, hindi ko alam kung nagkikilitian ba sila, pero sabi ko sarili ko, "may mali ba sa ginagawa nila?", sa katunayan wala naman, pero dahil nasa loob sila ng simbahan at may misa, siguro Oo may mali. Mga kapatid, hindi masama ang magsaya, magalak, at matuwa, sa katunayan ito ang nais ng diyos para sa atin ang mundo ay maging paraiso at magalak tayo sa mga biyayang ipagkakaloob niya sa atin habang ninanamnam ang mga bulaklak sa hardin ng paraisong ibinigay niya sa atin, ngunit sana lang ay wag nating kalimutan na ang kanyang pagdating bilang manunubos ang maging dahilan ang ating labis na kagalakan.

Sa mga nakaraang araw napagnilayan na natin ang mga paraan upang tayo'y maghanda sa pagdating ni hesus, nariyan ang tumahimik - tanda ng pakikinig sa bulong ng diyos at sigaw ng puso, nariyan ang manalangin - tanda ng pakikipagugnay sa diyos, ang pagpapalalim - tanda ng malalim na pananampalataya, ang pananampalatayang di kayang buwagin ng tukso, kasalanan, pagsubok at kahit anong sigwa pa, ito ang tunay at malalim na pananampalataya, at gayundin ang pagpapatawad - tanda ng pakikiisa natin sa pagkadiyos ni hesus, kung paano siya ay marunong magpatawad, tayo rin magpatawad. Sa parehong paraan atin ding nabatid ang kahalagahan ng pagkilala natin sa ating mga sarili, sa ating mga kahinaan gayundin sa pagkilala natin sa iba, hindi sapat na alam mo kung sino, o alam mo kung anong kaya mo, hindi mo mababatid na may pangangailangan ka kung di mo batid na may kulang sayo, hindi mo mababatid na kailangan mo si kristo, gayundin naman, kung di mo matatanggap ang mga kakulangan mo di mo kayang tanggapin ang buong pagkatao mo, tandaan mo balanse ang buhay ng tao sa kung paanong binabalanse ng mundo ang sariling bigat nito, sa bawat lakas at kakayanan natin, aminin nating may kahinaan tayo at may mga bagay na hindi natin kaya, walang ibang paraan kundi tanggapin ito, panghuli ay pagyakap - tanda ng kinikilala at tinatanggap natin kung sino tayo, niyayakap natin ang buo nating pagkatao, niyayakap natin ang sarili nating kahinaan at kalakasan, gayundin ang pagyakap natin sa ibang tao, sa parehong paraan ng pagkilala natin at pagtanggap sa ating mga sarili. Ngayon naman ay ang tawag ng kagalakan. Sa kabila ng mabigat na tungkuling nakaatas kay maria bilang ina ng diyos, hindi niya ito ginamit upang panghinaan ng loob bagkus, pinili niyang maging mapagpasalamat at magalak dahil sa kabila ng lahat ng ito naroon ang biyaya ng diyos na tanging sa kanya lamang naipagkaloob. 

Tayo? Kaya ba nating magalak sa kabila ng problema? pagsubok at mga makamundong pag-iisip? Kagaya ni maria kaya ba natin na tanggapin ang hamon ng diyos sa atin? MAHIRAP! yan marahil ang pagsusumigaw na sagot natin, tandaan natin marahil OO - mahirap na gawin ito, mahirap tumawa lalo na't sinasabi ng puso mo na malungkot ka, mahirap gawin ang mga bagay na taliwas sa nararamdaman mo, mahirap sabihing hindi mahirap kahit ang totoo ay mahirap talaga, pero sinung magsasabi na ang mahirap ay IMPOSIBLE? Sa totoo lang, humahanga talaga ako sa mga taong kayang itago ang kanilang mga nararamdaman sa iba't ibang pamamaraan, gaya ng mga komedyante, minsan nakatatawang isipin na silang walang alam kundi magpatawa, walang alam kundi libangin ang iba at pakabagin ang tiyan ng marami, sa likod nito ay nagkukubli ang katotohanang hindi natin nakikita, marahil masaya silang nakaharap ngunit sa pagtalikod nila luha ang kanilang karamay, dahil aminin natin ang buhay ay sadyang mapaglaro, maaaring tumatawa ka ngayon, bukas ay hindi na, maaaring ngayon ay nariyan, bukas ay wala na. Ang katotohanang malungkot man, pero dapat nating tanggapin. Ngunit muli nating tandaan, "habang may buhay may pag-asa", sinong mag-aakala na ang patay ay pwedeng mabuhay? ang mahirap pwedeng yumaman? ang masama pwedeng maging mabuti, ang sakim pwedeng maging mapagbigay?, ilan lamang yan sa mga POSIBLE, bakit hindi natin tignan ang positibong anggulo ng buhay. Gaya ng komedyante, hindi masamang tawanan ang mga pinagdadaanan natin sa buhay, bilang natural lang ang mga ito, dahil gaya ng isang makabuluhang pagluluto, hindi magiging masarap ang kalalabasan nito kung ito ay hindi dumaan sa maraming proseso, ika nga matabang ang pagkaing hindi nahaluan ng mga pangpalasa, sa parehong paraan na pinagtitibay tayo at hinuhubog ng mga pagsubok upang sa kahulihulihan ay maging isang mabuting tao tayo mula sa nakaraan, at lumago tayo bilang tao.

Inuulit ko, maging positibo tayo sa kahit na anong paraan at kadahilanan. Magalak tayo! BAKIT? siguro tatanungin mo ko kung anong basehan o dahilan para magalak tayo, simple lang kapatid, habang binabasa mo to, isipin mong sa mga sandaling ito, sapat nang dahilan na nakikita mo ang bawat letra ng sinulat ko, naiintindihan mo ang mensahe nito, at nililiwanagan ka nito ang dating madilim na pagtingin mo sa mundo, at sa kaduluduluhan. Sa oras na to, kasma mo ba ang pamilya mo? ang nanay at tatay mo? kapatid? mahal mo? ang mga taong may mahalagang ginagampanan sa buhay mo, ang mga taong tinuturing mo ring buhay, na tila ba sa kanila umiikot ang mundo mo. kung kasama mo sila o kung nakakasama mo sila o nakikita mo sila at nararamdaman mo ang presensiya nila, PWES! sapat nang dahilan ito upang magalak ka. at sa huli magalak ka dahil hindi tumitigil ang pagtibok ng puso mo.

Nawa gaya ni maria, sa kabila ng kabigatan ng ating mga pasan, matularan natin ang dakilang kabutihan ni maria, matuto tayong pahalagahan ang mga bagay na meron tayo at maging mapagpasalamat at simula doon tayony magagalak dahil maiisip nating kailanman di tayo iniiwan ng diyos, na sigurado ako hinding hindi niya gagawin sa kahit na sino sa tin. 

MAGALAK TAYONG LAHAT DAHIL SA KABILA NG ATING MGA KAKULANGAN, SA KABILA NG ATING MGA KASALANAN, ISAMA PA ANG ATING MGA KABIGATANG DALA SA BUHAY, NARITO PA RIN TAYO'T MINARAPAT NG DIYOS NA TAYO'Y MAKIISA SA MAKABULUHANG PAGHAHANDA AT MASAYANG PAG-AABANG SA KANYANG MULING PAGSILANG. 

3 araw nalang po PASKO na.


Tuesday, December 20, 2011

Simbang Gabi Day V: Pagtawag

Nakatutuwang isipin na nasa kalagitnaan na ako o ang mga debotong nagsisimba sa Misa de Gallo, dahil ikalimang araw na ngayon ng simbang gabi, apat na araw na ang lumipas at apat na araw na lamang ang bubunuin upang matapos ang misa de gallo. 

Pssssssst......

Hindi ba't sa simpleng "pssstt" ay madaling makuha ang ating atensiyon? isang malabong paraan ng pagtawag, ngunit para sa ating mga pilipino, isa pa rin itong paraan ng pagtawag. Dito sa pilipinas na lamang, kung nais mong mag-eksperimento kung gaano ito kaepektibo o di kaya naman ay kung gusto mo lang magpapansin, ay subukan mong mag "psstt" sa madaming tao, panigarado lahat magtitinginan sayo. Sa maraming paraan, tumatawag ang tao, maaring sa pangalan, sa alyas, o sa kahit na ano pa mang paraan, gayundin tayo naman ay tinatawag din sa parehong paraan. Ang misa sa umagang ito ay itinuturing at tinatawag na misa aurea o ginituan misa, dahil dito ganap na tinanggap ng birheng maria ang banal na kalooban ng diyos sa pagsasabing "oo tinatanggap ko ang iyong sinabi", ito ang tugon niya sa hatid na balita ng anghel sa kanya, tanda ng pag-OO o pagtugon niya sa pagtawag ng diyos sa kanya upang maging INA ng isisilang na hari na si hesus. 

Sa aking pagninilay, nabatid ko ang kababaang loob ng birheng maria, at may tanong na nabuo sa aking isipan ang tanong na "Gaano ba kahirap o kadali ang pag-OO ni maria sa kalooban ng diyos?", sa kabila ng lahat ng meron siya, siya ay dalaga, siya ay nakatakdang ikasal kay Jose at ni minsan ay hindi niya inisip na siya ay magiging ina sa pambihirang pagkakataon. Madali ba ang pag- OO? marahil hindi, sa madaming kadahilanan, lalo na kay maria, kinailangan niya ng lakas ng loob at malalim na pananalig diyos ng sabihin niyang Oo, ngunit marahil ay madali sa kanya dahil, noong una pa lamang, si maria kailanman ay hindi binigo ang diyos sa maraming pagkakataon, kaya nga siguro siya ang kaisa-isang pinagpalang babae sa lahat na napili ng diyos na magdalang tao sa nag-iisang mesiyas. Sa parehong paraan, para sa atin kung ang diyos ang hihingi, hindi man kasing-hirap ng hiningi niya kay maria, madali kaya tayong makaka-oo? paano? bakit? at para saan? Ganyan tayo kapag may tumatawag sa atin, hindi ba? marami tayong uusisaing mga tanong bago tayo tumugon, maging ito man ay pang-araw-araw na pamumuhay o isang pambihirang pagtawag sa atin ng diyos. Kagaya ng aking nasabi sa mga nauna kong pagninilay, may tatlong klasipikasyon ng pagtawag sa ating mga tao, o yung tinatawag na bokasyon at ito ay ang, tawag ng buhay may asawa, tawag ng buhay binata/dalaga, at ang bokasyon ng ganap na paglilingkod sa diyos o pagpapari/madre. 

Marami ang tinawag sa buhay mag-asawa, halos ito ang may malaking porsiyento ng ating lipunan, sumunod na lamang ang dalawa pang nabanggggit. Naaalala ko yung sinabing kataga ng aming pari hango kay jeremias na nagsasabi "Tinawag na kita bago ka pa ipaglihi", patunay lamang na lahat tayo ay tinawag ng diyos sa iba't ibang paraan at kadahilanan. Samakatuwid lahat tayong anak ng diyos ay inaasahan ng tumugon mula pa lamang sa ating sinpupunan. At dito ko napagtanto na ito pala ang isa sa dahilan kung bakit matindi ang pagtanggi ng simbahan sa pagpapasa ng "RH BILL" dahil ito ay papatay sa kalooban ng diyos, dahil ito ay mag-aakay sa bayang hinirang at tinawag ng diyos sa isang bayang walang pag-tugon sa diyos, kung ating hahayaang ito'y maganap para na rin nating sinabi na lahat tayo ay hindi tutugon sa tawag ng diyos.

Sa kabilang banda, ikaw na naging inam naging ama, naging anak, naging doktor, abogado, nars, hukom, presidente, at kung sa kung ano pa mang paraan ka tinawag ng diyos, gamitin mo ito upang mas lalo ka pang lumago sa pagtugon sa kanyang pagtawas, gayundin ang mga may asawa, buhay inata, pari at madre, nawa'y ang bawat bokasyong ating pinili, ay maging daan upang ang pagtawag ng diyos sa ating ay ang pagtugon ng may kabanalan, kagay ni maria ng siya ay umoo, walang anu mang alinlangan ng kanyang tanggapin ang pagtawag ng diyos sa kanya. Ngayong darating na pasko, tayo ay tinatawag ni kristo na buksan ang ating mga puso upang tanggapin ang kanyang pagdating. 

MASAYA NATIN SIYANG SALUBUNGIN AT PATULOY NATING MARAPATIN ANG TUMUGON SA PAGTAWAG NIYA SA BUHAY NA BANAL SA ANU PA MANG PARAAN NIYA TAYO TINATAWAG NAWA'Y TAYONG LAHAT AY MAKATUGON AYON SA KANYANG KALOOBAN.


Sunday, December 18, 2011

Simbang Gabi Day IV: PAGPAPALA

Ika-apat na umaga ng simbang gabi/madaling araw. Muli akong ginising ng malakas na ingay na likha ng aking orasan ganap na alas dos ng madaling araw. Di kagaya ng panahon kahapon, hindi nagsusungit ang langit ngayon, ni hindi umuulan ni umambon, malamig ang bawat hampas ng hangin, maraming kumikislap-kislap saan ka man tumingin, maraming taong maagang gumigising at sila'y kasabay kong binabaybayan ang daan patungo sa simbahan, sapat nang basehan upang sabihing PASKO na nga. 

Masaya akong gumising ng ika-apat na umagang yaon ng misa de gallo, dahil kahapon pa lang ipinaalam na ng kura paroko ng aming parokya na sa umagang iyon, ang mahal na Obispo ang magsasagawa at mangunguna sa misa ng umagang iyon. Matagal ko ring inintay na minsang makadalo sa misa na ang obispo ang manguna, hindi ko siya personal na kilala, sa pangalan ko lang siya kilala, basta ang alam ko hawak niya ang buong diyosesis ng aming probinsya. Hindi ko alam, ngunit tila ba ako'y nanabik na maging isa sa mga taong nais masilayan siya - bilang kataas-taasang obispo ng probinsiya. Dala ng pananabik, ako'y nagmadali sa pagtungo sa simbahan, katulad ng mga naunang umaga, sa parehong paraan, sinimulan ko ang umagang iyon ng pagdarasal at pananhimik at pagsabay sa sabayang pagrorosaryo. Matagal din ang ipinaghintay ng mga tao bago tuluyang nagsimula ang misa - ang misang pinakahihintay ko at marahil na iba ring tao na hindi pa ni minsan nasilayan ang obispo. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang aking pananbik, ang alam ko lang nais kong masilayan ang kahit sinong tao na may may malalim na kaugnayan at pananmpalataya sa diyos, siguro isa sa dahilan ay, minsan ko ring pinangarap magsuot ng abito, umupo sa trono, at manguno sa anu pa mang misa at pagdiriwang ng simbahan - opo minsan ring ninais ng aking puso na maging pari, ngunit sa malalim na pagninilay, hinayaan ko at magpasahanggang ngayon ipinauubaya ko sa diyos kung ano ang nais niya sa akin, kumbaga ang kanyang pagtawag at kalooban ay aking pakikinggan. 

At nang umaga ngang yaon kami'y PINAGPALA, yaong nasilayan ang kabanalan ng obispo, napakataas ng aking paggalang sa kanya. Sa prusisyon palang inaabangan ko na ang kanyang bawat galaw, kasabay nito nakatutok ako sa kanyang banal na sombrero at tungkod na simbulo ng pagiging alagad ng simbahan, ito kasi ang aking inaasahan sa kanyang pagdating tangan ang kanyang tungkod at suot ang sumbrerong pang obispo. Kasama niya ang kanyang paring tagapaggabay. Pinagmasdan kong mabuti ang obispo, may katandaan na at medyo hirap sa paglakad, ngunit bakas sa kanya ang kagustuhang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan at patuloy na gabayan ang kanyang mga nasasakupan. 

........

Nang umagang yaon, kagaya ng mga naunang umaga, muli kong inaasahan na may isang bagay na muling ipapakita sa akin ang diyos na nais niyang aking pagnilayan at aral na dapat kong matutunan at isabuhay. Ngunit sa makailang ulit na paglibot ng aking mga mata sa loob ng simbahan, tila wala akong nakikitang kakaiba na senyales na ito na nga ang nais na ipabatid sa akin ng diyos, kaya naman nag-intay lamang ako hanggang sa nagsimula ang Misa. Sa pangunguna ng mahal na obispo. Sumentro ang mga pagbasa at ebanghelyo sa  kapalaran ng mga dating tao sa luma at bagong tipan, sa katauhan nila elizabeth at Zakariah, ang mag-asang bukod sa may edad na ay baog pa. Ngunit sa kabila ng maituturing na sumpa sa kanila bilang mag-asawang hindi magkaanak, sila ay nilukuban ng espiritu santo at pinuspos ng biyaya ng panginoon. Sa mas malalim na kadahilanan na diyos lamang ang nakaaalam, ang mag-asawa ay pinagkalooban ng anak at ito nga ay ang pinagpalang si Juan Bautista, ang dakilang alagad ni hesus na sa kanya ay nagbinyag at nagtalaga ng sarili sa diyos bilang matapat na alagad.

Samantala, nang inawit naman ang salmong tugunan na: "Punuan mo ako ng pagpapala mo, at aawitin ko kapurihan mo.". matapos awitin ito, napagtagni-tagni ko ang ideya ng diyos sa umagang iyon na nais niyang ipabatid hindi lamang sa akin kundi sa lahat at ito ay PAGPAPALA. Bakit ko nasabi na ito nga ang nais ng diyos na aking pagnilayan? Una, Mapalad ako, kami at ang lahat na nakiisa sa banal na pagdiriwang ng misa dahil ang obispo ang nanguna, pangalawa, ang mga pagbasa, salmo at ebanghelyo, lahat ay patungkol sa pagpapala ng diyos sa tao. 

Sa aking pagninilay, dumako ang aking isipan sa malalim at malawak na konsepto ng pagpapala. Ang pagpapala ay isang biyaya o maaaring pagbabasbas ng Diyos sa tao, at nang tao sa kanyang kapwa. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ng aking pagdalo sa misa, mapa ordinaryong panahon man o may okasyon, hindi maalis sa aking isipan ang mga tanong na nabubuo dito sa tuwing makikita ko ang masidhing debosyon ng ilan sa mga deboto, may naglalakad ng paluhod mula pintuan ng simbahan hanggang altar, meron namang mga  nagrorosaryo suot ang itim o di kaya ay puting belo (babae), ang iba pa nga sa lalim at tindi ng emosyon, mapapansin mo na lamang na may mga luhang unti-unting pumapatak sa kanilang pisngi, bakas sa kanilang mukha ang lalim ng kanilang pakikipag-ugnay sa diyos, at iba't iba pang mga eksena, ngunit sa lahat ng ito, di may mga tanong na naglalaro sa aking isipan, kagaya ng "Sa dami ng taong humingi, lahat kaya ay tumatanggap?", tanong na tanging ang diyos at ang nananampalataya lamang ang makasasagot.

Lahat tayo ay may kanya kanyang kahilingan, marahil malaking porciento ng dahilan kung bakit tayo sumisimba, nagdarasal, nagpapamisa at nakikiisa sa mga gawaing pansimbahan ay dahil may mga kahilingan tayong nais nating matupad, kagaya sa simbang gabi, at kasabay nito ang pasasalamat at paghingi tawad, ganyan tayo kung magdasal, package deal kung baga. Pero kagaya ng tanong ko, lahat ba ng ating kahilingan ay kanyang pinakikinggan? Sa aking sariling karanasan, isang malaking OO at minsan sa anu pa mang kadahilanan ay hindi. May mga kahilingan ang tao, na sadyang batid nang diyos ang kahalagahan nito sa kanyang buhay kaya naman ito'y kanyang agad na ibinibigay, at sa akin maraming beses na niyang pinatunayang siya ay buhay at kailanma'y hindi mamamatay, ang diyos na nagbibigay at walang sawang tumutugon. Ngunit sa kabilang banda may mga pagkakataong, ang ating mga kahilingan ay hindi natin nakakamtan, o di kaya naman ang dumadating sa atin ay taliwas sa ating hiniling at inaasahan, na minsan imbes na maging mapagpasalamat pa ang tao, ay binabatikos o di kaya ay pilit na tinatanong ang diyos ng sandamakmak na "BAKIT", bakit ganito, bakit ganyan, at napakarami pang bakit. Ganyan tayong mga tao, walang katapusan kung magreklamo, napakadaling kwestyunin ang kakayahan ng diyos dahil lang sa ang mga bagay na hiniling niya ay taliwas sa kanyang inaasahan o di kaya naman ay hindi pa dumarating. Kahit ako minsan sa sarili ko, dami kong tanong, minsan pa nga dumating sa punto na kinuwestyon ko ang papel ng diyos sa buhay ko, sa mga panahong pakiramdam ko naubos nang lahat ng lakas at pananampalataya ko. Kagay ng bakit sila ang pamilya ko,Bakit ako ganito, Bakit ako hindi ganito?, pero sa kahuli-hulihan ipinakita niya sa akin ang liwanag at hinayaan niya akong makita ang tunay na dahilan sa likod ng lahat ng aking katanungan kaya naman lahat ng aking mga pag-aalinlangan sa kanya aking pinagsisihan. Patunay lamang na marahil, may mga bagay na hindi niya sa atin ibinigay dahil may mas malalim siyang dahilan, ang kung ano man ito, tayo na ang dapat tumuklas.

Lagi nating tandaan na ang Diyos ay diyos at ang Tao ay tao. Higit na dakila ang kanyang pamamaraan at kalooban kaysa sa ating kagustuhan. Kaya kapatid, marahil madami kang kahilingan sa diyos, at marahil ang ilan dito ay nananatiling malabo, ngunit sa kabila nito, hingin mo sa kanya ang liwanag at gamitin mo ito upang mas makita mo ang malalim na dahilan ng diyos kung bakit hanggang ngayon ay wala pa ito sayo. At kung sakaling ibigay na niya ito kagaya ng mensahe sa salmo, maging mapagpasalamat tayo sa ating mga biyaya at pagpapalang natatanggap mula sa kanya.

TANGGAPIN ANG PAGPAPAPALA, AT MAGING MAPAGPASALAMAT SA KANIYANG KADAKILAAN HABANG IBINABAHAGI SA IBA ANG IYONG GRASYA.



Saturday, December 17, 2011

SIMBANG GABI DAY III: Ang Birheng Maria sa Belen.

Maalinsangan na may pag-ulan ang sumalubong sa akin sa ika'tlong umaga ng Misa de Gallo, marahil hatid narin ito ng Bagyong si Sendong na nanalasa sa kabisayaan at ibang parte ng mindanao. 

Kagaya ng mga naunang umaga, ginising muli ako ng malakas na tunog ng aking orasan, hudyat na upang muli akong bumangon at simulan ang aking umaga sa pamamagitan ng pagsamba. Hindi ko alam kung bakit, pero tila ba walang antok o kahit ano pa man ang pumigil sa akin ng umagang iyon na kadalasan aking nararamdaman, sapat nang dahilan iyon upang muli akong dalhin ng aking mga paa sa dapat kong paroonan ang simbahan. Muli akong umupo sa dako kung saan ako kumportable sa gawing kanan, lumuhod at nagdasal, matapos ito ay sumabay ako sa sabayang pagrorosaryo, nang matapos ito agad akong umupo at luminga-linga hanggang magawi ang aking paningin sa kanang bahagi ng altar, naroon na pala ang Belen - Ang imahen ng birheng maria at ni San jose ay naroon na, na kahapon ay wala pa. Gaya ng aking inaasahan, sa parehong paraan, muling mangungusap ang espiritu santo upang muli sa aking pag-uwi ay baon ko ang isang bago at makabuluhang aral na aking tataglayin magpakailan pa man, aral na aking gugunitain at isasabuhay. At hindi nga ako nagkamali, Sa Belen, naroon - ANG BIRHENG MARIA. 

Ang Birheng Maria.

Hindi natin madalas mapansin ang papel na ginagampanan ng Birheng Maria sa ating pananampalataya, maliban sa dinarasal nating Santo Rosario, na ating pinaniniwalaan na sa pamamagitan niya tayo ay nakikipag-ugnay kay kristo, maliban doon ay tago na ang ilang detalye patungkol sa kanya o di kaya ay hindi na natin madalas ito mapansin, bagama't ito'y mahalaga sa atin. 

Kahit ako aaminin ko na sa aking mga dasal napakabihira na aking mabigyang pansin ang birheng maria, siguro dahil nasanay tayo na direktang magdasal deretso sa pangalan ni hesus, ngunit nakalimutan natin na si Kristo ay hindi isang singaw, na basta na lamang lumitaw sa mundong ibabaw, si Maria ay ina ni Kristo, Ngunit bago pa man ito, Malalim na pananalig ang kinailangan ni birheng si maria upang magdalang tao at ipanganak ang isang sanggol na maghahari sa buong sanlibutan. 

Sa araw na ito, nais kong bigyang pansin ang kadakilaang ginawa ng Birheng Maria sa pagtanggap niya ng mensahe mula sa anghel ng diyos na bumaba mula sa langit upang ibalita sa kanya ang kanyang paglilihi at pagdadalang-tao. At narito ating pagnilayan ang mga katangiang kanyang tinataglay na sana ating maunawaan at kahit papaano'y ating matularan ang kanyang kabutihang loob. 

UNA. 
PAGKILALA. "Don't talk to strangers", ito ang madalas nating marinig marahil, mula sa mga nakatatanda sa atin, ang babala patungkol sa pakikipag-usap o pakikipag-ugnay sa kahit na sinong hindi natin kilala. Ngunit sa mas malalim na pagkaunawa, Sino sa atin ang lubos na kilala ang sarili? Ang iyong Pamilya? Ang iyong mga kaibigan at kakilala? Sino sila para sayo at anong papel ang ginagampanan nila sa buhay mo? Mga mahalagang tanong para sa pagkilala. Mahalaga ba ito? OO, mahalagang kilalanin natin una, ang ating sarili, higit sa lahat hindi natin magagawang magpakilala sa iba, kung tayo mismo ay hindi natin kilala ang ating mga sarili. Sa mga pagkakataong, sinusubok tayo ng kapalaran, minsan ay hindi maiwasan ang makasakit ng ibang tao, makagawa ng hindi maganda at masama, at makapagsalita ng hindi maganda, sa parehong paraan, sa di maiiwasang mga pagkakataon, hindi natin mapigil ang ating mga sarili sa paghusga sa mga taong di natin lubos na kilala, gayundin ang paggawa ng mga bagay na hindi natin iniisip kungnito ba ay tama, na minsan ay nagreresulta ng problema, at minsan ay kasalanan, ganyan tayong mga tao. Ngunit sa kabilang banda, ang lahat ng ito'y mga kahinaan lamang, kahinaan ng pagiging tao. Minsan napakahirap para sa atin na kilalanin ang ating mga sariling kahinaan, marahil dahil na rin sa takot, takot na matawag na mahina, takot sa katotohanan, ngunit hindi ba't sa ating pagkilala sa ating mga sariling kakulangan at kahinaan, ay mas lalo din nating nakikilala ang ating mga sarili sa mas malalim na paraan? Huwag tayong matakot na tawaging mahina, dahil laging tandaan, ang tapang ay hindi kailanman nasusukat sa paghawak ng mga patalim o baril o di kaya naman ay ang pagtangging lumuha, ngunit ang tunay na katanpangan ay ang pagkilala sa sari-sarili nating kahinaan, kailanman ang katotohanan ang dapat na mamayani, dahil dito mas lalol nating maiintindihan ang kabuluhan ng ating buhay. Pangalawa, pagkilala sa kahinaan ibang tao, pagkilala sa kanilang kahinaan. Madalas tayong makarinig ng mga pangungutya mapa telebisyon man o reyalidad, lalo na sa mga taong turing ng iba ay di normal, minsan dinadaan natin ito sa biro, ngunit sa dulo nito ay nakakasakit pa rin tayo ng dadmdamin ng ibang tao, maaaring kilala natin sila sa kung anong bagay na meron sila na inaasahan natin na dapat ay wala sila, kagaya ng mga bulag, pipi, bingi o mga lumpo, mga tipikal na kapansanan ng ating mga kapatid, na minsan sa tagong pamamaraan ay madalas makaranas ng diskriminasyon, mula sa mga taong sarado ang isipan sa pagkilala sa kahinaan nila. Gayundin ang mga Ex-convict, mga dating nakulong, o dating adik at kung ano-ano pa, silang mga taong pinagdusahan ang maling buhay na pinili, ngunit para sa iba sila ay parang isang sumpa na hindi mawawala ang mapait na nakaraang kanilang kinasadlakan, kahit pa minsan ay alam natin na tayong lahat ay may karapatang magbago, kapatid, kung di mo sya lubusang kilala, hindi panghuhusga ang daan upang siya ay iyong makilala, buksan natin ang ating isipan at puso upang tanggapin ang kanilang mga kahinaan, at kakulangan, sa parehong paraan ng pagkilala natin sa ating mga sariling kakulangan at kahinaan. Lahat tayo ay espesyal sa ating mga sariling pagkatao at pamamaraan na tanging ang Diyos at ikaw lamang ang nakaaalam, maaaring maitim ka, duling, pilay, bingi, pipi, kulot, o kahit ano pa mang kapintasan ang meron tayo, hindi ito sapat na sukatan ng pagkilala sa ating mga sariling kalakasan at karangalan bilang isang tao, sa kahuli-hulihan ito ay kung paano tayo nabubuhay ng marangal at ayon sa kalooban ng diyos. 

PANGALAWA.
PAGTANGGAP. "Ok na ba buhok ko? di ba magulo?" madalas kong tanong sa kahit na sinong makasama ko, mapa kaibigan, kapamilya, kapatid o kapuso man. Minsan pa nga sa mga pagkakataong tila ba tinatakasan ako ng pagasa naitatanong ko sa aking sarili ang mga tanong na hindi ko rin alam kung saan ko huhugutin ang kasagutan, mga tanong na kagaya nito:, kung bakit ako maitim, kung bakit di kami kasing yaman ni Mr. Henry Sy, o di kaya bakit di ako kasing kinis ni Bello o di kaya naman di ako kasing tangkad ni Yao Ming o ng kahit sinong basketbolista, minsan pa nga pagtalagang tinakasan ako ng lahat ng pag-asang meron ako at tinubuan ng pagkainggit, natatanong ko sa sarili ko at sa diyos "Bakit ako ganito, Di ako kagaya niya, mas magaling siya kesa sa akin, diba pwedeng kagaya ko din siya", ngunit sa huli, alam ko namang walang sagot sa mga tanong ko. Inggit, marahil ito ang isa sa ugat kung bakit natin madalas ikumpara ang ating mga sarili sa mga tao na mas higit sa atin sa iba't ibang aspeto, at eto ang bunga ng kawalan natin ng PAGTANGGAP.Pagtanggap sa ating sarili, sa ating pagkatao, sa kasalukayang estado, sa buhay na meron tayo, sa mga tao at bagay na meron ka. Naalala ko yung isa kong kaibigan madalas niyang itanong sa akin kung bakit daw ganito at ganyan ang boyfriend niya, tanong na alam niya at alam ko na hindi ako ang makasasagot, dahil una di ko naman lubos na kilala ang kanyang kasintahan, di hamak na mas kilala niya ang taong ito, at marahil dahilan kaya niya ito minahal, ngunit paulit-ulit ko namang pangaral sa kanya ay ganito, "Mas higit mo siyang kilala kaysa sa akin, minahal mo siya hindi dahil sa kahinaang meron siya kundi dahil siya ang dinidikta ng puso mo na mahalin mo" dagdag ko pa, "Kung sadyang mahal mo siya handa mo siyang tanggapin sino man siya kahapon , ano man siya ngayon at kung magiging sino man siya bukas, dahil sa huli, puso mo at puso niya ang mag-uugnay hindi ang kahinaan mo at kahinaan niya,".
Madalas nating pansinin ang kapintas-pintas sa iba, o di kaya naman ay ang kapuri-puri sa iba, walang masama sa purihin ang kagandahan o kagalingan ng isang tao, basta maging maingat lamang tayo sa ating sarili at iwasang tubuan ng inggit, gayundin sa pagpansin sa kapintasan ng iba, sa kahit na anong anggulo tignan ito'y hindi makatarungan, sino ka, at sino ako, para husgahan ang isang taong di mo kilala ng lubos? Marahil meron siyang kapintasan, ngunit huwag nating kalimutan , meron din tayong mga sariling kapintasan. Ang halaga ng ating mga sarili, halaga ng ating pagkatao, maging ng ating mga kakayanan, at ang halaga at papel na ginagampanan ng ibang tao sa ating buhay ay hindi natin makikita kung hindi natin matututunan ang tanggapin ang ating mga sarili sa kahit na ano pa mang kadahilanan, at tanggapin ang ibang tao bilang parte ng makubuluhang buhay sa mundo. 

At PANGHULI.
PAGYAKAP. May kanya-kanya tayong pagtawag sa buhay, sa pagkakaalam ko ay may tatlong klasipikasyon ng bokasyon na maaari nating pagpilian depende sa pagtawag sa atin ng diyos at ito ay ; Ang Buhay may asawa, Buhay binata/dalaga, at huli ay ang bokasyon ng Pagpapari-o ganap na paglilingkod ng buhay at puso para sa diyos. Malaya tayong mamili ng bokasyong ating nais tahakin, depende muli sa pagtawag sa atin. Sa kahit na ano pa mang bokasyon ang ating tahakin, ito ay may kalakip na responsibilidad na dapat nating gampanan ng buong puso, kasabay ng pagyakap sa napiling bokasyon. 

Pagyakap, noong una literal kong binigyan ng kahulugan ang salitang ito, ngunit sa aking pagninilay ay mas mas naunawaan ko ang mas malalim nitong kahulugan, ang pagyakap ay higit pa sa pagkilala at pagtanggap, ito ay ang pagsusuko ng buong sarili at pagkatao, isang dakilang bagay na maari ding simbolismo ng pagmamahal. Nakahihiyang aminin, na marami sa atin na kahit ako mismo, gaano man natin sinasabi sa ating sarili kung gaano natin kamahal at gaano kahalaga ang ating pamilya partikular ang ating mama at papa, ay hindi natin sila magawang mayakap, ni masabihan man lamang ng harapan na mahal natin sila. at kahit na para sa akin sila ang buhay ko, at sila ang dahilan ng pagsusumikap ko, hindi ko balak suklian o tumbasan ang kanilang sakripisyo para sa akin, o ginagawa ko ito hindi bilang isang obligasyon na bayaran ang sila, kundi isang dahilan. Dahilan kung bakit ako nabubuhay, dahilan kung bakit ako nasa mundo dahilan din kung bakit nakapagsusulat ako at dahilan kung bakit nangangarap ako ng matayog. Sila ang BUHAY KO. kagaya ng isang mortal na tao, sa patuloy na pagtibok ng puso, mananatiling buhay ang pag-ibig sa bawat puso ng mga taong yumayakap at nagmamahal. 

Kailanman, hindi natin magagawang mahalin at yakapin ang mga taong IBA para sa atin, sinong yayakap sa hindi niya naman kakilala? sa parehong paraan sinong makauunawa at tatanggap sa mga taong di natin kilala? At paano mo tatanggapin ang kakulangan ng iba, kung sarili mong kahinaan at kakulangan ay di mo kinikilala?  Gaya ni Maria, Nawa'y matutunan natin, ang magpalalim, tumahik saglit at manalangin, at sa oras na masumpungan ang kalooban ng diyos, agad itong kilalanin at tanggapin at maglaon ay yakapin.

Sa mga iba't ibang tanong natin sa buhay na sa una pa lang alam na nating kahit tayo mismo ay hindi natin kayang sagutin, tandaan natin ang bawat bagay sa mundo ay may dahilan, marahil di ka maputi, o di kaya ay hindi ka mayaman, gaya ng pinapangarap mo, pero isipin mo, kung ubod ka na ng yaman, magagawa mo pa kayang mangarap at maging masaya sa oras na makamit mo na ito? Sa bawat bagay na meron o wala tayo, nagkukubli dito ang mas malalim na kabuluhan nito, na tanging diyos lamang ang nakaaalam, na sa huli, ito ay ating mababatid matuto lang tayong pahalagahan ang mga ito maging bagay man ito o tao. 

Kaalinsabay ng ating paghahanda sa pagdating niya, Gaya ni Maria, kilalanin natin siya at tanggapin at atin siyang yakapin, na sa reyalidad di natin kayang literal na gawin, ngunit sa pamamagitan ng ating puso gawin natin itong posible, ang PAGKILALA, PAGTANGGAP AT PAGYAKAP sa ating kapwa ay huwag nating kalimutan, bilang ang pagmamahal natin sa kapwa ang simbolismo ng pagtanggap at pagmamahal natin sa diyos.

MAGMAHALAN TAYO. TANGGAPIN ANG BAWAT ISA HABANG KINIKILALA NATIN ANG ATING SARILI, NA ATING PAGYAKAP SA ATING MGA MAHAL SA BUHAY AT IBA, TAYO'Y UNTI-UNTING LUMALAGO AT NAGIGING MAKABULUHAN ANG ATING PAGLALAKBAY DITO SA LUPA.




Simbang Gabi Day II : Korona ng Pasko

Muli kong bibigyang buhay ang pangalawang araw ng aking karanasan at mga natutunan sa simbang gabi day II - Dec. 17, 2011.

Halos matatapos na ang taon, ilang tulog nalang PASKO na, at mula pasko, ilang tulog lang ulit, bagong taon na - 2012 na, (end of the world na nga ba? hihi, joke! ang dark naman ng imagination!). Sadyang kay bilis ng panahon, di natin namamalayan ang paglipas nito, dahil na rin siguro sa abala tayo, abala sa napakaraming bagay dito sa mundo, sa trabaho, eskwela, bahay at pamilya, negosyo at kung ano-ano pa. Maraming bagay at pagkakataon ang minsan ay di natin napapansin at napapahalagahan dahil sa ating kaabalahan, kaya minsan di natin makita-kita ang ating mga hinahanap, mga bagay na may malalim na kahulugan sa ating pagkatao. 

Ngunit kanina sa pangawalang araw ng simbang gabi, muli akong gumising sa parehong oras kahapon, pasado alas dos ng madaling araw para magsimba, halos pareho lang ulit ang eksena, habang naglalakad ako patungo sa simbahan, nagmumuni-muni ako sa kung anong bagong mahalagang bagay ang muli kong matutuklasan at dapat kung maintindihan, ang makabuluhan nitong kahulugan para sa akin. Narating ko na ang simbahan., umupo ako sa gawing kaliwa nito, at agad na lumuhod upang magdasal, hindi ko alam kung ano ang dapat kong dasalin, basta lumuhod ako, habang nakapikit ang aking mga mata sinasabi ko sa sarili ko na, siya na ang bahala sa akin, basta isusuko ko ang aking sarili sa kanya at hahayaan kong ako'y makaugnay niya sa sandaling iyon gamit ang aking nangungusap na puso, na alam ko mas malakas pa ang tinig nito sa sumisigaw at mas malumanay pa ito sa bumubulong, sapat na para maintindihan ng diyos ang nilalaman ng puso ko. Habang ako'y tahimik na nakaluhod at nananalangin, ay napansin ko sa aking harapan ang apat na kandila, malalaking mga kandila, ang tatlo ay kulay lila at ang isa ay kulay rosas, napalilibutan ito ng nagkikislapang mga ilaw, ngunit ang anyo ng apat na kandila ay isang tila KORONA. Muli kong naalala, na ito nga pala ay KORONA NG PASKO, ito ay simbulo ng unti unting paghahanda sa pagsilang ni kristo sa pamamagitan ng unti-unting pagsisindi ng liwanag nito tanda ng liwanag na dala ni kristo sa oras na siya ay isilang. 

Muli, napaisip ako, muli kong inilibot ang aking tingin, ngunit bumabalik lang ulit ako sa korona, sapat nang dahilan ito para sa akin na maunawaan na ito ang nais ng diyos na aking pagnilayan. Sa gitna ng manaka-nakang mga boses na bumubulong sa aking paligid, ay sinubukan kong hanapin ang kahulugan ng koronang ito para sa akin sa sandaling iyon. Hanggang sa maya-maya pa ay may isang babaeng umakyat sa podium upang kantahin ang salmong tugunan na "Maghahari ang katarungan sa kanyang panahon, kapayapaan magpakailan man." at doon ay tila ba may isang mensahe akong nagunita, ang mensahe na nais ng diyos na aking maunawaan at marahil nais niya ring ipaunawa sa iba pa. 

Ang Korona ay simbulo ng pagkaHARI, simbulo ng kapangyarihan at kataas-taasan, ito rin ay tanggulan ng katarungan, at tagapamagitan ng kapayapaan. Sa ebanghelyo, binanggit ng pari ang lahing pinagmulan ni kristo  ito ay may kabuuang labing apat na salin-lahi. Mapapansing ang angkang pinagmulan ni kristo bilang tao ay hindi nagtataglay ng kayamanan o ni ng kapangyarihan, simbolismo ng simpleng pamumuhay, ngunit sa kabilang banda, si kristo na nabuhay, namatay at muling isisilang ay may dugong HARI, ang dugong pinaka maharlika sa lahat ng maharlika, taglay niya ang trono, pati na ang sceptro at nasa ulo niya ang KORONA. Ang kanyang pagkahari ay kinikilala ng buong sanlibutan, Ngunit sa kabila ng lahat ng ito sa kahuli-hulihan siya ay ipinako at nakabayubay sa krus, mas piniling iligtas ang buong sanlibutan, kaysa tamasain ang buhay hari. 

Ang Kayamanan ay kapangyarihan, at ang kapangyarihan ay opurtunidad at pribilehiyo para sa atin, maraming bagay tayong magagawa, anu man ang ating naisin ito'y ating makukuha. Ngunit sa ilan ito rin ay pagkakataon para manlamang. Sa ating lipunan, makahiya na nga lamang yata ang marunong mahiya, dahil may ilan sa atin ay walang habas at lantaran kung manlamang, tila ba wala nang dangal at moral na pinahahalagahan, mapa ordinaryong tao man o may katungkulan, isang malungkot na katotohanan na meron sa ating mundo. Ilan sa mga nakaupong pulitiko ang may malinis na intensiyon sa kaban ng bayan? Ilan sa kanila ang handang gamitin ang pwesto at kapangyarihan upang bong pusong maglingkod sa bayan at hindi sila ang paglingkuran, o sa ordinaryong mamamayan, Ilan sa atin ang nanaising piliin ang simpleng buhay kesa sa kayamanan? O Ilan sa atin ang handang mag-alay ng sarili para sa iba, may katungkulan man o wala, may yaman man o wala, may kapangyarihan man o ordinaryong mamamayan? Naaalala ko ang isang eksena sa dyip na aking nasakyan patungo sa aking paaralan, mas isang ale na nasa gawing unahan ng dyip at may isang ale naman sa kasunod niya ang nagtangkang makisuyo na iabot ang kanyang bayad papunta sa drayber, ngunit tila ba nakikipagmatigasan ang ale, ayaw niyang kuhanin o iabot ang bayad ng isa pang ale bilang pagmamalasakit, kaya naman, kahit kailangan ko pang iunat ng pagkahaba ang aking kamay maabot lang ang nangangawit na kamay ng ale tangan ang kanyang pambayad ay inabot ko ito, at napakamot na lamang sa aking ulo. Nakalulungkot isipin na tayong ordinaryong tao, sa ordinaryong pagkakataon, ay hindi natin matutunan na magmalasakit sa ating kapwa kahit sa simpleng paraan lamang, napakahirap isipin na paano na lamang kung ang ordinaryong ale ay naging mayaman at makapangyarihan? Di kaya mas lalo na siyang naging matapobre na imbes gamitin ang kanyang yaman at kapangyarihan ay mas lalo pa siyang manlamang? Lagi nating tandaan, na ang pagmamalasakit sa kapwa ay hindi sa kanta lamang na: " Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang, walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang", dapat nating maunawaan na kung si KRISTONG HARI na may KORONA, ay kayang ialay ang sarili sa iba, sino tayo para ipagkait ang pagmamalasakit para sa iba? 

Tinuturuan tayo ni hesus na muling isisilang sa nalalapit na pasko, na kaalinsabay ng ating paghahanda, matuto tayong gamitin ang opurtunidad at pribilehiyo na meron tayo. Kung si kristo na hari ng buong sanlibutan, kinikilala bilang hari ng bawat bansa, nagawang magpakumbaba, hubarin ang balabal ng pagkahari, iwanan ang trono at scetro at ang gintong korona, upang ialay ang sarili para sa nakakarami, tayong mga tao, sino tayo para tanggihan ang pagtawag at pagtangis ng ating kapwa na humihingi ng kaunting malasakit at tulong, hindi salapi o pera ang sukatan ng pagmamalasakit, hindi natin kailangang mamatay sa krus gaya ni kristo, ang awa at habag at pagkilos upang ipakita ang malasakit at pagkakawang gawa sa iba ang hinihingi na diyos sa atin upang sa sarili nating pamamaraan, tayo man ay ordinaryong tao o may katungkulan, gamitin ang ating lakas, kakayanan at mga bagay na meron tayo upang maipadama sa iba ang pag-ibig ng ama. 

"Tumanggap ng pagpapala at biyaya, Magbigay ng hindi binibilang, at Magbahagi sa iba nang may pagmamalasakit" - Ialay ang sarili sa munting paraan. 

Masaya tayong maghanda sa kanyang pagdating, Ngunit ating alalahanin ang tunay na dahilan ng ating paghahanda, at ito ay upang tanggapin si kristong isisilang sa ating mga puso.

Friday, December 16, 2011

Misa de Gallo 2011 : Listen + Pray + Reflect + Forgive = LIGHT (the real CHRISTMAS LIGHT)

Its been already three years when I started, giving my time and myself of joining and celebrating the masses of "Simbang Gabi" or Misa de Gallo or Mass at Dawn. I woke up early of this morning (Dec. 16) to go to church, as the bell rings telling to catholic devotees (including me) to join the mass at dawn as it begin on its first mass. As everyone was very excited, I was just calm and contemplating what this "Simbang gabi is all about to me?".

As usual, I went to my favorite seat on the right front part of the church, there I found my comfort and convenience. I've kneel down, as a sign of humility and respect to our God, who choose to stepped down from the pedestal merely to redeemed us. I started to pray to him, encompasses my gratefulness to his countless blessings for me and to my family, for the forgiveness of my mistakes and sins, and also my personal intention was raised. I've looked around after the pray, nothing unusual, nothing special, same people I used to see, same set up my eyes used to eyed with, but as I profoundly contemplate and reflect for a while, the exceptional beauty and amazing lights produced by colorful Christmas lights surrounds the Christmas tree caught my attention, and I've asked myself "Is this one of the signs that he wanted me to see and reflect with?", As earlier I've asked myself for what this mass at dawn all about to me, I think God hears me, and he probably showed what I've asked for, the LIGHT. 

This season of advent is a season of preparation, a preparation for Christmas party, a preparation for noche buena, a preparation for Christmas day which calls for us to decorate our home with full Christmas theme, we have belen's, Christmas trees/lights, lanterns, and many many more that will complete our preparation for the day of Christmas. But wait, there's still unprepared yet, YOU. Are you finally prepared for this coming Christmas? I'm not talking about your Christmas attires or Christmas gifts for your inaanak or to whom you would like to give gifts, But its about your inner self, the whole you. Sometimes, we tend to forget that Christmas is the birthday of our savior Jesus, He is the special guest that we should have on the day that we prepared so much. Sometimes, we have this misconception that Christmas is all about bulky and luxurious gifts, giant Christmas tree, exceptional set up of belen and full of aesthetic preparation, we tend to forget the essence of this meaningful season, A season to Keep Quite for a while, to listen, PRAY, REFLECT PROFOUNDLY and FORGIVENESS. This four elements of the real CHRISTMAS LIGHT does not hinders us to feel the jovial experience that we should feel during this moment, but to remind us that along that happiness, along the parties that we attend to, along with various preparation we made, let us not forget to thank him, to listen to him, to pray to him and to contemplate profoundly what he whispers unto us and how he wanted us to forgive, that's how he wanted us to welcome him. As simple as we can, he never demands us to prepare aesthetically to much, but he simply wants us to prepare ourselves for his coming, with our heart humility, with our heart and soul that is capable to listen, a heart that is willing to pray sincerely and straight from the heart, a heart that is loving and willing to forgive. Through this preparations, he would like us to seek the real light of this season, a light that never fades, a light that will shed upon us whenever the darkness came. He is the light that we are waiting for, he is the light that we are longing for, he is the light that will glare our darkness moments he is the light that will guides us to walk in the path going to the banquet of eternal life. 

Now have you seen his Light? When we found his light,  may we not forget to share such light to others, so that they too will lighted by his glare. 

May we not be exhausted of finding his light, for we needed it so much, as we walk over this obscurity world.

God Bless. Let us prepared not just by decorating our houses,  but OURSELVES.

Learn how to Listen, Pray, Reflect and Forgive and light will come along the way.


Thursday, December 15, 2011

SIMBANG GABI 2011

Nais kong gamitin ang pagkakataong ito upang lubos na magpasalamat sa diyos, alam kong hindi pa sapat ang simple at munti kong paraan ng pagpapasalamat sa kanya katumbas ng gabundok na biyaya at pagpapala na ipinagkakaloob niya hindi lang sa akin kundi maging sa aking buong angkan. 

Kasabay ng aking buong pusong pagpapasalamat, nais kong ikwento ang aking mga karanasan at mga natututunan at matututunan pa lang sa aking siyan (9) na araw na paggunita sa paghahanda sa pagdating ni Hesus sa pamamagitan ng Misa de Gallo o Simbang Gabi.

ANO BA ANG SIMBANG GABI O MISA DE GALLO?

Tatlong taon na din ang nakalilipas ng simulan kong magsakripisyo ng aking buong sarili para sa simbang gabi. Ang simbang gabi para sa akin ay hindi lamang ordinaryong pagsimba kundi may mas malalim pa itong kahulugan para sa akin, kagaya ng pagpapahalaga at paggunita ng libo-libo pang mga katoliko. Siguro isa na rito ang paniniwala nating mga katolikong pilipino na sa oras na makumpleto ng sinumang deboto ang siyam na madaling araw ng Misa de Gallo ay paniguradong matutupad ang iyong mga kahilingan bilang kapalit ng iyong sakripisyo. Isa sa mga tradisyong ating namana sa mga kastila na magpasahanggang ngayon ay ating ginugunita.

Ayon sa kasaysayan, limang daang taon na ang nakalilipas ng pasimulan ng mga unang katoliko ang tradisyong ito. Ito ay siyam na gabi o novena ng PAGPAPASALAMAT ng mga magsasaka sa kabila ng mga biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng masaganang ani sa kanilang bukirin. At sa ating bagong henerasyon ng mga katoliko sa katauhan ng mga pilipino, ang mayamang tradisyong ito ay patuloy nating ginugunita at pinagyayaman taon-taon, tanda ng ating malalim na pananampalataya sa ating maylikha.

Ang Unang Madaling Araw.

Ito ang pangatlong taon ng aking sakripisyo.Mamukat-mukat ako nang akoy gisingin ng aking orasan sa malakas nitong ingay. Antok na antok at para bang ayaw pang tumayo sa higaan, ngunit ng maalala ko na ito ang unang madaling araw ng simbang gabi ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, inisip ko nalang minsan lang ang ganitong pagkakataon palalampasin ko pa ba? Pasado alas dos nang ako ay magising at magsimulang maghanda para sa unang simba para sa misa de gallo. Kasama ang ilan sa miyembro ng aking pamilya kami ay tumulak papunta sa pinakamalapit na simbahan sa aming tahanan, walang masyadong pinagkaiba sa nakalipas na ilang taon ng aking pagsimba, sa aming paglalakad kasabay namin ang mga ilang deboto na gumising din ng maaga para sa simbang gabi. Pagsapit namin sa simbahan, bumungad sa akin ang kontodo gayak at pailaw na istruktura ng simbahan, tanda na simula na ang mas makabuluhang paghahanda ng bawat isa para sa pagdating ng mesiyas. Agad kong tinungo ang upuan na madalas kong puwestuhan sa gawing kanan ng simbahan, medyo madilim ang loob nito, tanging mga umiilaw na chrismas lights sa christmas tree lamang ang nagsisilbing liwanag. Isang mas malalim na repleksyon ang aking ginawa ng mga sandaling iyon. Pagdating ko sa upuan, ay agad akong lumuhod, tanda ng pagpapakababa at paggalang sa kanyang kataas-taasang mesiyas, na piniling bumaba at magligtas. Agad akong nanalangin, laman nito ang mga paghingi ng tawad sa aking mga kakulangan, gayundin ang pasasalamat para sa mga biyayang aking natatanggap, at mga personal na intensyon ang laman ng aking panalangin. Sa tahimik na kapaligiran, dala na rin siguro ng kaantukan ng mga deboto, sinamantala ko ito, upang pagnilayan ang unang gabing yaon, at ang pagninilay na ito ay patungkol sa LIWANAG.



Nang sandaling iyon, busog na busog ang aking mga mata sa aking nakikita, mga nagkikislapang mga ilaw, may puti, dilaw, pula at iba pa, maging sa labas ng simbahan ganito din ang eksena. MASAYA, Oo, masaya sa paningin ang mga ilaw na ito, pinaglalaruan ang ating mga mata, na tila ang lahat ay bumabalik sa pagkabata, kahit yaong mga may edad na, kahit nga ako napaisip kung bakit ganoon na lamang ang pagkamangha ko ng gabing iyon sa mga mumunting ilaw na yaon. Ngunit mas pinalalim ko pa ang aking pagninilay, at tinanong ang aking sarili "Ano ang ibig sabihin ng mga liwanag na ito?" , para kasi sa akin ito ay isa sa senyales nang mensahe ng panginoon para sa akin, mensahe na dapat kong maunawaan at maintindihan at maisabuhay na rin. Liwanag. hindi lingid sa ating kaalaman na ang mundo ay salat sa liwanang, marami pa rin sa ating kababayan ang hindi nararanasan ang sibilisasyon at pagkakaroon ng kuryento o ilaw man lamang. Marami din tayong mga kababayang naliligaw ng landas dahil sa madilim na daan na kanilang piniling tahakin, na sa kahuli-hulihan ay biktima rin lamang ng mapanlinlang at madilim na katotohanan sa mundo, tayo ay salat sa liwanag, at dapat nating aminin ito, ang ilan sa tin ay patuloy na namumuhay sa gitna ng dilim, ang ilan ay pinipili pa ito kahit na may liwanag pa silang natataw. Mundo nga ba ang may problema? Mundo nga ba ang may dala ng dilim? Kung gayon paano? Saan o Sino ang magbibigay LIWANAG? Madalas nating sisihin ang mundo, kesyo ang mundo ay hindi perpekto, ito ay marumi masama at maingay, ngunit minsan ba ay natanong natin ang ating mga sarili? Hindi ba't tayo ang bumubuo ng mundo? Hindi ba't ikaw, ako, tayo ang naininirahan dito? Hindi ba't tayo rin ang gumagawa ng dilim, ingay at dumi na ngayon ay tinataglay ng mundo? Dapat nating isipin na TAYO, at hindi ang mundo ang may problema, bilang tao na may mataas na uri ng pag-iisip kahit na saan o anupamang uri ng nilalalng sa mundo, TAYO ang dapat gumawa ng paraan upang ang mundo ay maging isang paraiso. Paano? hanapin ang liwanag. Si KRISTO. Maraming pilosopo ang maaaring magkomento: si kristo, si hesus, ang mesiyas, ang sugo, ang tagapagligtas o kahit na anupa mang maaari nating itawag sa kanya, nakalulungkot isipin na siya na tumubos sa atin ay tila ba malabo pa rin ang pagkakakilanlan sa atin, may iba kilala si  hesus, bilang si hesus, ngunit hanggang doon na lamang, ang iba naman si hesus ay hindi panginoon undi isang PAHINGI-NOON PAHINGI-NITO, nakalulungkot isipin na sa dami ng patotoo ng diyos sa ting buhay, mula sa misteryosong paglikha sa atin, sa ting buhay, mga biyaya na ating tinatamasa, mga kapatawarang ating tinatanggap, ay tila ba malabo pa rin ang imahen ng diyos para sa atin. Minsan ba nagawa mo ng tumahimik saglit at magtanong? "Sino at ano ba ang papel ni hesus sa buhay ko?" , alam ba natin ang papel na ginagampanan niya sa ating buhay? Lagi nating tandaan, na maging sino man tayo at maging ano pa man tayo, kahit dumating ang punto na itakwil natin siya at hindi paniwalaan, mananatili ang pag-ibig niya sa atin, ang kanyang liwanag ay patuloy na magiging tanglaw at gabay ng mundong minsan siyang itinatwa, itinanggi at iniwanan. Liwanag. siya ang liwanag, ng buhay mo, buhay ko, buhay nating lahat at ng buong mundo, magiging isang madilim na karimlan ang sanlibutan sa oras na tayo mismo ang gumawa ng paraan upang umandap at tuluyang mamatay ang liwanag, Ang dilim ay kasalanan, dilim ng galit, dilim ng poot, dilim ng inggit at kasakiman, ito ang dilim na patuloy na sa ati'y nagiging temtasyon, ngunit sa ating paghingi ng patuloy na liwanag siguradong kagaya ng kapaligiran na aking naabutan sa loob ng simbahan, isang madilim ngunit patuloy na iniilawan ng mga nagkikislapang mga mumunting ilaw, ito ay nagpapaliwanag at ito'y nagpapasaya rin sa atin. Tandaan.huwag nating hayaan na sa gitna ng dilim tayo ay madapa bagkus agad na hanapin ang liwanag, upang patuloy na makapaglakbay sa masmakabuluhang buhay, kasama ni kristo sa piging ng buhay na walang hanggan. At sa oras na matagpuan ang liwanag, mangyaring ipamahagi ito, sa mga kapus sa liwanag at mga nabubuhay sa dilim nang sa gayun sila'y maliwanagan din  ng nag-aalab at nag-lalagablab na liwanag ni KRISTO.