Total Pageviews

Friday, November 25, 2011

Mga amerikano maka-pilipino

 Tipikal na araw at tipikal na mga gawain at pangyayari, ngunit may hindi ako inaasahang masasaksihan at mapapatunayan sa aking sarili ng araw na yaon.
Eksena sa isang dyip, may sumakay na dalawang lalaking amerikano, bit-bit ang kanilang 2 naglalakihang mga bag, tila ba nag-alsa balutan mula sa kanilang pinanggalingan, umupo sa may bandang dulo ng dyip, at nagtanong “how much is the fare going to Sta. Cruz” habang hawak ang isang tila ba diksyunaryo na may larawan ng mapa ng pilipinas, tila ba balak nilang libutin ang 7107 na isla ng pilipinas. Maya-maya pa ay huminto ang dyip dahil sa traffic at may umakyat na itlog ng pugo vendor agad na naintriga ang mga kano, bumili sila ng tinda ng mama, at agad na binalatan ang mga maliliit na itlog ng pugo, habang binabalatan batid sa kanilang mga mata ang paghanga at pagexcited na Makita ang laman sa loob at matikman ang itlog. Matapos kumain, binuksan muli ang kanilang maliit na diksyunaryo at tila ba nagbabanggit ng mga salitang Pilipino. Namangha ako sa kanila, at sa kabilang dako nagugulat, dahil hindi ko akalain na may mga ibang lahi na nais maging Pilipino hindi man sa dugo maging sa pananalita, kilos at gawa man lang ,samantalang maraming pinoy ang nais maging banyaga, at marami din sa atin ang may dugong pinoy ngunit banyaga sa ating sariling bayan.

No comments:

Post a Comment