Total Pageviews

Wednesday, November 30, 2011

Kabanata I: Sino si Ako?

Ako si Rowel Alcaide anak nina Kiyoshi Miyamura at Linda Alcaide. (Maraming nagtatanong bakit daw Alcaide ang aking apelyido at hindi miyamura, ang sagot ay eto: Hindi opisyal na kasal ang aking mga magulang kaya't hindi ko maaaring gamitin ang miyamura, ito ay ayon sa batas.) kuha mo? haha! Sabi nang nanay ko ipinanganak niya daw ako noong kasalukuyang sumasabog ang bulkang pinatubo,(kaya siguro mukha akong nasabugan.haha). ito ay noong June 16, 1991. Oo ako ay 20 taong gulang na sa mga sandaling ito. ngunit sa edad kong ito maraming nagsasabi na hindi daw ako mukang 20(tuwenti), muka daw akong 40(porti). haha syempre joke lng un. Naalala ko sabi ng speech prof. ko pagkatapos kong magpakilala at sabihin ang age ko sabi niya "Are you already 20 yrs. old?" gusto ko sana sagutin "Hindi hindi, kasasabi lang diba? haha" pero siyempre di ko ginawa un kasi malamng nagulpi di gulat ako nun, but infairness to her, she's very kind and approachable. Tatak Elbinian nga pala ako, dito na ko lumaki (teka parang naman ako lumaki) :). Dito ko ginugol ang buong 20 taon ng aking buhay, maraming pangyayari sa elbi na naging kasaysayan na din at masasabi kong naging parte din ako ng makulay na kasaysayan na iyo. 

Lumaki ako sa pangngalaga nang aking mga butihing Lolo at lola (silang mga rakista)haha. (palagi kasi sila may hawak na gitara kahit di masyado marunong.hehe. But I love them so much, from the bottom of my hypothalamus and my heart as well). Sila ang naging buhay ko mula nang magkaisip ako (meron b ko nun?. teka pagiisipan ko muna) :). Si papang kasi nasa japan kasi japanese siya, si mamang naman ayun nagpapakakuba para may panggatas (akalain mo un? gatas pla ininom ko, kala ko kasi kape lang afford nila mamang kasi tatak nescafe kulay ko.haha). Oo naging medyo malungkot ang kabataan ko, pero hindi naman sobra kasi kapag umuuwi sila mamang at papang sinisigurado nilang they will make the most out of such moment with me (bigla ako napaenglish).Naranasan ko naman kahit papano ang magshopping with them, dinner sa labas at maraming bonding moments. Actually, masaya naman ako sa aking kabataan, naibibigay naman nila ang lahat ng gusto ko, laruan, pera, gala at marami pang iba. Pero di naman talaga yun ang gusto ko, ang gusto ko di na kami magkakahiwa-hiwalay (Drama?), oo kung pwede lang na gumamit ako ng mighty bond para lang magkakasama kami palagi at huwag nang maghiwalay pa gagawin ko, pero imposible ang gusto ko.  

itutuloy......

No comments:

Post a Comment