Malapit nang matapos ang Kalendaryong pansimbahan o "Liturgical Calendar" at maghahanda na muli tayo (mga katoliko) sa nalalapit na pasko ang isa sa pinaka dakilang okasyon at pagdiriwang para sa mga katoliko o ang "Adbiyento".
Ngunit sa linggong ito, ang pagninilay ay matamang nakatuon sa nag-iisa at pinakamahalagang bagay sa mundo ang "PAG-IBIG.". Sa linggong ito, hinahamon tayo nang mga pagbasa na suriin natin ang ating mga sarili, Sa mga nagdaang panahon sapat ba ang pagmamahal na ibinagay natin sa ating tagapagligtas at patuloy na tagapagpuno nang ating mga kakulangan? sapat ba ang pagpupurit at pasasalamat natin sa Diyos katumbas nang mga pagpapala, grasya at biyaya sa na ating natatanggap sa araw-araw mula sa kanya? Minahal ba natin siya ng totoo?. O lumalapit lamang tayo sa kanya sa mga panahong kailangan natin siya? Huwag nating gawing Superpisyal ang ating pananampalataya at Pagmamahal sa diyos dahil ni minsan hindi niya tayo minahal nang kakarampot bagkus ang pag-ibig niya ay walang hanggan at totoo para sa lahat.
bilang pagtugon, Bago natin ihanda ang ating ang mga pampaskong dekorasyon sa ating tahanan, magbalot nang mga regalo, maghanda nang mga pang-aguinaldo at bumili nang mga gamit pamasko, Bakit hindi muna natin suriin ang ating sarili? ang ating kaluluwa at buong pagkatao? Handa ba tayo sa pagdating nang ating Diyos? hindi mahalaga sa diyos ang paghahanda nang mga materyal na bagay, mas nanaisin pa niya na wala kang ni ano pa mang inihanda basta't ikaw na anak niya ay aabutang niyang masayang nagpupuri at nagpapasalamat sa kanya.
Isang mapagpalang buong linggo mga kapatid.
Palaguin ang sarili sa pananampalataya at Buhayin ang unti-unting namamatay nating pag-ibig.
Mahalin mo ang Diyos, at Mahalin mo ang kapwa mo nang higit pa sa sarili mo. Dahil ang nagmamahal sa diyos ay hindi nawawalan nang pagmamahal sa kapwa.
No comments:
Post a Comment