Total Pageviews

Friday, November 25, 2011

Every Sunday! Hello Bro!

Mula lunes hanggang sabado bugbog ang katawan at isipan ko sa pagod at problema ngunit  Tuwing lingo ng umaga isa lang ang misyon ko ang busugin ang aking kaluluwa ng kabanalan ng diyos ama. Hindi ko alam kung bakit dapat lingo lingo akong magsimba basta isa lang ang alam ko ginagawa ko to dahil tinatawag niya ako at ang pinakamahalaga Masaya ako sa aking pagsimba. Isang lingo nang umaga, tumuon ang homiliya nang pari sa isang binhi, mga talinhaga at parabola ang kanyang ginamit upang lubos naming maintindihan ang ebanghelyo ng umagang yaon, sabi niya “ sa ating pagsimba, ano ang nababago sa atin? May biyaya ba tayong natatanggap?” sabi pa niya ang salita dawn g diyos ay parang isang binhi, na lumalago at namumunga lamang kung ito ay maitatanim sa isang sagana at malusog na lupa, kung ang binhi an gang mga salita ni kristo tayong mga tao naman ang nagsisilbing lupa, lupa na maaaring sagana o lupang walang pataba na anu mang dilig ang gawin ay hindi magbubunga ang binhing naitanim. Tanong pa nang pari “ikaw anong lupa ka sa palagay mo?”. Agad akong napaisip. Basta sabi ko sa sarili ko, hindi man ako perpekto, alam ko may isang taong tumatanggap sa akin sa kabila ng mga pagkakamali ko, at pinapatawad ako sa bawat sala ko. Salamat BRO. Da best ka. Love you.

No comments:

Post a Comment