Setyembre 16, ang araw nang aming magdedepensa sa ganap na alas otso ng umaga parasa aming case study, bago pa man dumating ang pinakaiintay naming araw ay napaghandaan ko na ito. Ihinanda ko na aking mga sasabihin at ang lahat nang mga posibleng sagot sa mga posibleng tanong nang komite ng pagsusuri. Ganap na als sais y medya nang bagtasin ko ang daan patungong letran, ngunit pagdating nang sinasakyan kong jeep sa Crossing Los Banos ay biglang nahinto ito dahil sa mabigat na traffic halos ayaw ng umandar ng aming sinasakyan sa sobrang traffic, at ayon sa mga naririnig namin ay parade daw ng Banamos isang pestival na taunang ipinagdiriwang ng bayan ng Los Banos, pasado alas siyete y medya na hindi pa din umaandar an gaming sinasakyan, kaya naman agad na akong nabahala, dahil ilang minuto na lamang ay magdedepensa na kami, naalala ko tuloy ang sabi sa amin ng aming moderator , ang tanging palugit para sa mga huling darating ay hanggang limang minuto lamang at kapag sa loob ng palugit ay hindi pa dumating otomatikong re-defense ang estado na makukuha ng sinumang mahuhuli sa pagdepensa, kaya naman hindi ko maintindihan ang gagawin, kaya agad akong bumaba ng jeep upang maghanap pa ng iba pang alternatibo para makasakay ako patungong letran, hanggang sa sumakay ako ng traysikel at nagpahatid ako sa bayan upang doon magbakasakali na may masasakyan, ayokong mahuli mas lalong ayokong mag depensa mag-isa, kaya naman kahit tila imposible pa na makarating ako doon ng eksaktong alas otso, ay patuloy akong nananalig sa diyos na hindi naya ako pababayaan, at mahirap mang isipin at paniwalaan, nakarating ako ng pasado alas otso diyes lampas ng 10 minuto sa nakatakdang oras, ngunit pinayagan pa din ako dahil, nahuli din ang isa sa lupon ng tagasuri, kaya naman laking pasasalamat ko sa diyos sa ginawa niyang kabutihan sa akin ng araw na iyon, ang araw na masasabing isa sa pinakaimportante sa aming mga magsisipagtapos ng kolehiyo.
No comments:
Post a Comment