Ama, Alam ko pong batid mo kung nasaan na ako ngayon, Kung anong ginagawa ko, Kung masaya ba ako, Kung lumalago ba ako at higit sa lahat kung nagkakaroon ba ng kahulugan ang buhay Ko!
Ama, wala akong kakayahang husgahan ang kinabukasan, Wala rin akong karapatang sisihin ang nakaraan. Ang kaya ko lang ay iguhit ang kasalukuyan at maging masaya sa ano mang obra na pwede nitong kalabasan.
Hipuin mo ang aking mga kamay upang makaguhit ako ng isang makabuluhang kasalukuyan
Biyayaan mo ako ng kakayang alamin ang mga bagay na tunay na magbibigay kahulugan sa aking buhay habang patuloy kong itinataas sa iyong mga kamay ang aking kahapon at maging ang aking hinaharap.
Ituro mo sakin ang daan patungo sa makabuluhang paglalakbay, na kahit malubak at mahirap ay pipiliin kong magpasalamat, imbes na magreklamo.
Panginoon, tunay na biyaya mo ang bawat araw, totoong ang pagmamahal mo sa bawat nilalang ang dahilan kung bakit sumisikat ang araw at patuloy na nagkakaroon ng umaga.
Salamat po Ama. Nawa’y aming buong maghapon ay maialay namin sa iyong harapan ng may buong pagpapakumbaba.
Amen!
No comments:
Post a Comment