Panahon na naman ng suyuan, ligawan, utuan, lokohan, kaplastikan at pagsasamantala sa kahinaan ng aba.
Wala na bang iba? Wala na bang bago? Bulok na sistema patuloy pa ring nakahain sa mesa?!
Ilang dekada nang kalakaran, maruming labanan. Nasasabi ko yan dahil talamak yan sa aming bayan! Hindi ako nanghuhusga, mulat lang ang aking mga mata sa aking mga nakikita. Ngunit ang boses ko’y ubod ng hina para marinig, habang may busal ang aking bibig. Maraming gustong tumutol pero pinipiling tumahimik dahil sa oras na sila’y tumutol ang huling hihigaan nila’y ataul.
Maraming may kakayanang baguhin ang maling kalakaran at itapon ang bulok na sistema. Ngunit mas pinipiling manahimik at makiisa sa maling sistema alang-alang sa pera.
Hindi nakakapagtakang maraming pilipino ang hindi bumoboto. Bakit kamo? Ano namang aasahan mo sa gobyero? Wala ngang kurakot, wala din namang progreso! May progreso nga, ilang porsyento lang naman ng mamamayan ang nakararamdam ng tinatawag nilang serbisyo PUBLIKO.
Walang may nasi maghugas kamay o magbigay ng negatibong kritisismo, kung sana lang ang mga kandidatong nangangako ng progreso ay totoo. At ang mga nagsasabing para sa mahirap ay totoong ngang tutulong sa mahihirap hindi lalong magpapahirap.
“Ang totoong serbisyo “publiko” ay siyang naglilingkod sa mga ito, hindi sya ang nagsisilbing hari at taga-utos sa mga taong dahilan kung bakit sya nasa kanyang luklukan bilang pinakamataas na may katungkulan sa lipunan.”
No comments:
Post a Comment