Madalas tayong magtanong ng dahilan kung bakit tayo mahal o gusto ng isang tao. Pero sa totoo lang hindi naman natin kailangang mag-intay ng kahit na anong dahilan para panghawakan - kung gaano tayo kamahal ng isang tao. Dahil sa kahulihulihan ang mahalaga ay malaman natin ang masarap na katotohanang, “mahal ka niya at patuloy ka niyang mamahalin mawala at kumupas man ang lahat ng dahilan kung bakit ka niya minahal”.
This is the compilation of my thoughts, experiences, or even event that is associated with me as an HRM student, a student journalist and as an individual. In this available space, I will continue to write and serve in honor of God, For I promised to him that I will use my strength and ability to return the favor unto him as a sign of gratefulness for everything he has given to me and to my family.
Total Pageviews
Monday, April 22, 2013
Thursday, April 26, 2012
Ang unang pasada
"Anong sunod kong gagawin?"
Ang pabulong na tanong ko sa aking sarili habang nakatulala at nakatingin sa kawalan na tila ba may naaaninag akong kung ano ngunit ilang minuto pa biglang...
kringggg!!!! kringgg!!! kringggg!!!
tumunog ang aking telepono, may tumatawag pala, dahilan para maputol ang aking pagmumuni. at pinindot ko ang buton at sinabi ng nasa kabilang linya,..
"Nasan ka na? byahe na ko. alas diyes ang appointment natin kay Mr. kupal"
Tinignan ko agad ang relo at noong makita ko na nakatapat ang mahabang kamay sa numerong 8 at ang maliit na kamay naman ay nakatapat sa numerong 10. Agad akong naalimpungatan na tila ba nabuhusan ako ng tubig na nagmula pa sa antartica na pagkalamig-lamig. Agad akong bumalikwas sa aking higaan at kumiripas ng takbo sa palikuran. Ilang minuto lamang ang ginawa kong paglilinis ng aking katawan at agad akong lumabas ng palikuran para magbihis, punas dito punas doon, kuha si brief, si pantalon, si t-shirt at si polo at ihinabol ko pa si sinturon at VIOLA! ready na kong pumasada! saglit lamang akong tumingin sa salamin upang tignan kung pantay ba ang kilay ko at kung may nakaangat bang isang hibla ng buhok ko sa aking anit, pero nalungkot ako dahil halos lahat ng buhok ko nakaangat nga ngunit imbes na kunin si suklay ginamit ko na lamang ang gamit na gamit kong kamay sa napakaraming bagay upang ito ang magsilbing improvised suklay ko habang patakbo akong nagpapa-alam at umalis. maya maya pa nakatanggap ako ng mensahe at sabi..\
"Wer kna? lapit na me"
at agad akong sumagot..
"Byahe na me,"
Pumara agad ako ng bus at agad akong sumakay habang naghahanap ako ng bakanteng upuan ang mga pasaherong prente nang naka-upo ay tila ba kinikilatis kung ako ba ang lalakeng nanghablot ng kanilang mga bag at telepono dahil sa mga titig nila. Hanggang sa nakahanap na ako ng bakanteng upuan
itutuloy....
Saturday, March 10, 2012
Si Pepe: Ang batang Calambeno!
Bago pa man ang aking pagtatao sa dambana, nakahihiya mang aminin ngunit ilang taon na din ang nakalilipas nang huli akong makarating sa Dambana / Bahay ng pamilya Rizal. Noong mga panahong iyon na kung saan limitado lamang ang aking mga nalalaman tungkol sa buhay at maging sa kanyang mga gawa.
Ngunit sa aking pagtatao sa makasaysayang Dambana, doon ay napakaraming bagay at katotohanan ang aking natuklasan tungkol sa buhay at mga bagay sa buhay ni Dr. Jose Rizal. At isa na rito ang kamusmusan ng pambansang bayani. Kilala si Dr. Jose Rizal, bilang Doktor, manunulat/nobelista, alagad ng sining, henyo, at napakarami pang titulo at karangalan ang maaaring iugnay sa kanyang pagkatao. Ngunit bago pa man siya itanghal bilang bayani ng lahing Pilipino, saksi na ang makaysayang Dambana ngayon na dati ay isa lamang simpleng bahay na bato na tahanan ng mga Rizal/Mercado. Sa kabila ng tanyag na pagkakakilala kay Dr. Rizal o mas kilala sa tawag na “pepe” noong siya ay musmos pa lamang, sa dambana nagsimula ang kanyang payak na pamumuhay bilang isang BATA. Sa dambana din siya nagsimulang mangarap, sa parehong lugar doon niya rin natagpuan ang pagmamahal na hindi niya kailanman natagpuan sa kahit na anong sulok pa man ng mundo na kanyang napuntahan at ito ay ang walang kahulilip at walang kapantay na pagpapahalaga, pag-aalaga at pagmamahal ng kanyang pamilya partikular ang kanyang mga magulang na sina Don Francisco at Dona Teodora.
Si pepe bilang isang bata ay namuhay ng payak sa kabila ng katotohanang sila ay may angking karangyaan sa buhay, kilala sila bilang mga elitista pero hindi ito naging dahilan upang magbuhay mayaman siya bagkus pinili niya pa rin ang maging simple ang maging kaisa ng marami. Maraming bagay sa loob ng dambana ang magpapaalala at magpapakita ng simbolismo ng simpleng pamumuhay ni pepe. Naroon ang mga aklat, mga larawang biswal, likhang sining at iba pa. Maaaring simple na lamang kung ituturing ang mga bagay na iyon sa ngayon pero sa panahon ni pepe, ang mga ito ay may mas malalim at makabuluhang kahulugan at pakinabang sa kahit na sinong tao na gagamit nito para sa paglago ng sarili. Nakaagaw pansin din sa akin ang kanyang “self-portrait” pagpinta ng sarili sa harap ng salamin, hindi ko maisip kung paano niya nagawa, pero labis akong humahanga sa kanyang angking galing sa pagguhit, pero higit sa lahat alam ko na may mas malalim pang dahilan ang kanyang larawan na nakaharap sa salamin at isa sa aking konklusyon ay maaaring isa itong simbolismo ng pagsusuri ng kanyang sarili, ang pagtingin sa sarili bago tignan o punahin ang ibang tao.
Sa aking pagtatao sa dambana, iba’t ibang klase rin ng tao o bisita ang aking nakasalamuha. May mga estudyante, guro, bata, matanda, balik-bayan at mga residenteng kalapit siyudad lamang. Nakatutuwang isipin na kahit na malayo-layo na rin ang narating ng ating henerasyon ay may mga Pilipino pa rin na pinipiling balikan at sulyapan ang nakaraan hindi upang sariwain ang kapighatian kundi upang magbalik tanaw sa magagandang bagay na naganap isang siglo na ang nakakaraan. Naaalala ko nung isang beses akong tumao sa dambana, isang balik bayan ang aking nagabayan at nabahaginan ng ilang impormasyon tungkol sa buhay ni pepe, ayon sa kanya 50 taon na daw siyang hindi nakakauwi ng pilipinas at minabuti naman niya na sa kanyang pagbabalik ay muli niyang sariwain ang mga mahahalagang bagay sa buhay ng lahing Pilipino at ito nga ay ang pagbisita sa Bahay ng mga Rizal, na ayon sa kanya kilalang kilala daw si Dr. Jose Rizal sa ibang bansa. At Masaya daw siya na minsan sa kasaysayan ng mundo ay napabilang siya sa lahing bayani, sa lahing Pilipino na may dugong marunong magmahal sa sariling kasaysayan at pagkakakilanlan.
Ngunit ang pinaka nakapukaw pansin sa akin ay ang mismong silid kung saan ipinanganak si pepe. Hunyo 19, 1861, isang ordinaryong araw para sa marami, ngunit isang makasaysayang araw/petsa para sa pamilya Rizal/Mercado na kinalaunan ay isa naring makasaysayang araw para sa lahing Pilipino. Ito ang araw kung kailan ipinanganak ang batang si pepe, ang simpleng sanggol na nakatakdang maging simbolismo ng kalayaan ng kanyang lahing kinabibilangan. Sinong mag-aakala na ang sanggol na ito ay magiging isang bayani, isang bayaning hindi galit o gulok ang ginamit kundi ang natatanging angking talino sa pagsulat. Saksi ang apat na sulok ng silid ng bahay na bato ng pamilya Rizal sa pagsilang ng isang pambihirang bayani ng kasaysayan, ngunit sa likod nito ay ang simpleng tao na hindi kailanman man naghangad na gumawa ng pangalan sa libro ng kasaysayan.
Sampung oras ng pagtatao, masyadong maikling panahon ngunit katumbas nito ang makabuluhang karanasan at mga kaalaman na babaunin ko saan mang dako ng mundo. Hindi ko man magamit ang mga ito sa propesyon ko, ang mahalaga minsan ay nakilala ko ang simpleng tao sa likod ng dambuhalang pangalang DR. JOSE RIZAL at minsang kong nabalikan ang makabuluhang kasaysayan ng liping aking pinagmulan.
Sana ang ating henerasyon gaano man kalayo, saan man tayo makarating, atin pa ring alalahanin at gunitain ang kahalagahan ng kabayanihan ni pepe. At sana sa sarili nating mga paraan maging mga modernong bayani nawa tayo hindi man mapasulat sa libro ng kasaysayan, ang mahalaga minsan tayong naging isang Pilipino na may dugong bayani. Nawa sa mga susunod at susunod pang mga henerasyon at saling-lahi, ay patuloy nilang balikan at sulyapan ang kasaysayan gaano man ito kalayo sa kanilang panahon.
Sunday, January 8, 2012
The Art of Smile
For once in a while
I’d like to smile
For there’s no reason why
But to inspire
Sadness comes in
When we are not smiling
So try to smile
And let people be fine
In the midst of nothing
Smile and see something
The bright light shine
And see the life being fine
Every morning I am expecting
To see people smiling
A sign that God is continuous loving
A reason why we are living
So smile when you’re happy
And try to smile even you’re lonely
Because remember, God loves you whether you’re happy or lonely
As long as you are living faithfully
Tuesday, January 3, 2012
WELCOME 2012
Wednesday, December 28, 2011
PAGTATAPOS
05.25.11
.
.
.
12/21/12
.
.
.
Naaalala ko nung may pinasa akong article sa adviser ng aming publication, tungkol sa judgement day, sabi niya sa akin "Oh! Dear, this is too dark article", nung una di ko kagad siya magets, sabi ko its too dark? panu nangyari yun e, sa white paper ko naman sinulat, hanggang sa sinabi niya "Katapusan ng mundo, ife-feature natin?", at dun ko lang naintindihan ung point niya, at wala na kong nagawa kundi kumamot sa ulo sabay sabi "Ah ok po!"
Sino nga ba sa atin ang gustong pag-usapan ang KATAPUSAN? Kahit siguro sinong poncio pilato o ordinaryong tao kapag binuksan mo ang isang usapan tungkol sa kamatayan o katapusan ng buhay ng tao sa mundo, sigurado iiwanan ka ng mga kausap mo, o di kaya naman ay makikita mong unti-unti nang kukunot ang kanilang mga noo, hudyat para tigilan mo ang usapang sinimulan mo kung ayaw mong makarate-kid.
Pero bakit nga ba tayo takot sa katapusan? Dahil ba lagi itong nagpapaalala sa atin ng katapusan ng mundo? at nang paghuhukom? Tama nga bang katakutan natin ito? Sa maraming dahilan Oo, sa katotohanan dapat HINDI. Oo dahil gustuhin man natin o hindi, iiwan natin ang mundong ating ginagalawan, iiwan natin at ititigil ang matagal na kinasanayan, iiwan natin ang mga tao at bagay na mahalaga sa atin, at lilisanin natin ang mundong pilit natin ninanais na baguhin. At hindi, dahil kagaya ng pagsikat ng araw sa umaga ay siya ring paglubog nito pagdating ng gabi, nangangahulugan na tutulan man natin ito, ito kusang darating at magaganap bilang ang buhay at bagay sa mundo ay may simula at nakatakdang may katapusan.
Sabi nila ang lahat daw ng bagay maging buhay ay may katapusan, sa parehong dahilan kung bakit tayo nangangamba na dumating ang 12.21.12 na sinasabing katapusan ng mundo na ayon sa marami, ito daw ang katapusan ng kalendaryo ng mayan calendar, ang kalendaryong gamit noong kauna-unahang panahon pa. Sa totoo lang magkahalo ang opinyon ko ukol dito, una dahil isa akong katoliko na naniniwala sa kakayahan ng Diyos, na siya lang ang may karapatan na sabihin at idikta kung ano ang kapalaran ng mundo, kung kailan at paano magwawakas ito siya lang ang nakaaalam, pangalawa pwedeng oo kung ang mga pagbabasehan ay ang mga sukdulang paglala ng pandaigdigang krisis at kaguluhan, pero kung susumahin, sapat bang basehan ang lahat ng ito para sabihing katapusan na nga ng mundo?
kagaya ng minsan ko na ring naisulat tungkol sa judgement day noong may 2011, kung saan kasalukuyan akong nag-oojt nang mapansin ko ang maraming nakapaskil kung saan saan na nagsasabing end of the world (may 10, 2011), pero isang malaking kalokohang sabihing totoo yun, dahil kung oo, malamang di ko na nasulat to, pero dahil isang kasinungalingan lang ang lahat, hindi ito totoo, wala nang diskusyon pang kailangan pag-usapan.
Pero hindi lahat ng pagtatapos ay kailangang katakutan at yan ang aking tatalakayin sa aking artikulo.
Sabi nila ang lahat daw ng bagay maging buhay ay may katapusan, sa parehong dahilan kung bakit tayo nangangamba na dumating ang 12.21.12 na sinasabing katapusan ng mundo na ayon sa marami, ito daw ang katapusan ng kalendaryo ng mayan calendar, ang kalendaryong gamit noong kauna-unahang panahon pa. Sa totoo lang magkahalo ang opinyon ko ukol dito, una dahil isa akong katoliko na naniniwala sa kakayahan ng Diyos, na siya lang ang may karapatan na sabihin at idikta kung ano ang kapalaran ng mundo, kung kailan at paano magwawakas ito siya lang ang nakaaalam, pangalawa pwedeng oo kung ang mga pagbabasehan ay ang mga sukdulang paglala ng pandaigdigang krisis at kaguluhan, pero kung susumahin, sapat bang basehan ang lahat ng ito para sabihing katapusan na nga ng mundo?
kagaya ng minsan ko na ring naisulat tungkol sa judgement day noong may 2011, kung saan kasalukuyan akong nag-oojt nang mapansin ko ang maraming nakapaskil kung saan saan na nagsasabing end of the world (may 10, 2011), pero isang malaking kalokohang sabihing totoo yun, dahil kung oo, malamang di ko na nasulat to, pero dahil isang kasinungalingan lang ang lahat, hindi ito totoo, wala nang diskusyon pang kailangan pag-usapan.
Pero hindi lahat ng pagtatapos ay kailangang katakutan at yan ang aking tatalakayin sa aking artikulo.
Tuesday, December 27, 2011
Second Saint of the Philippines!
Just recently, I heard from the news about the next Filipino saint after our first saint Lorenzo Ruiz of Manila. He was the very first Filipino saint in the our blood line after he became a member of the knight of the altar (Sacristan) during the 17th century, He was accused by the Spaniards of killing one of their fellow, a reason for him to escaped and continue his catholic service to japan. But after the long search of the Spanish people, they found Ruiz at nagazaki japan, and there he was persecuted and killed as a martyr of the Roman catholic Church.
But this time, Filipinos are now waiting for the canonization of the next saint in our time after Pope Benedict XVI approved the petition send by the Diocese of Cebu who believes that PEDRO CALUNGSOD should be considered as a saint for his good deeds and martyrdom for his Catholic faith. Calungsod was also a sacristan during his time, He served the people of Guam especially the Island of Marianas, where he celebrated several masses and Baptism for the people of the Island. But when one of his critics, who was a Chinese man who said that calungsod is trying to mislead the people of the Island by teaching them a false faith, he was persecuted and also killed as martyr of his time. Late Pope John Paul II approved the beatification of Calungsod last 2000. According to Arch. Ricardo Cardinal Vidal, Calunsod may be proclaimed as saint this coming February.
Well, we should believe that in spite of our ranks as one of most corrupt countries in the world, or as one of the most dangerous country worldwide, there still goodness in every Filipino heart no matter what happen. St. Lorenzo Ruiz and St. Pedro Calungsod (soon to be), they are the proof that we can be as good as other Saint and Holy people of other countries in the world. We should be hopeful that, in spite of the darkness side of our country, we can still strive for Bright future of our country. Perhaps, the two saints were the saints of their generation, but we have to accept the fact, that they are indeed filipino, in blood and at heart, the same blood that runs in our veins.
Subscribe to:
Posts (Atom)

