narito ang isang maiksing pagpapalabas ng "KULO" ni mideo na may konseptong poleitismo. ginamit ko ito bilang final requirement ko sa masining na pagpapahayag.
Ang Poleitismo ayon sa aking pagsasaliksik ay isang uri ng pananampalataya sa hindi lamang iisang diyos na sinasamba kundi sa napakaraming bagay, ito man ay bagay, hayop o maging mga tao rin mismo na ating iniidolo. ito ang laman ng konsepto ni mideo ang "KULO" na ipinalabas sa CCP bilang pagpapatuloy ng anibersaryo ng ika-150 taon na anibersaryo at kaarawan ni Dr. Jose Rizal.
Si Mideo Cruz ay isang batikang alagad ng sining na nagmula sa Unibersidad ng Santo Tomas, oo isa siyang Tomasino, ngunit nakalulungkot lang isipin na bilang isang tomasino hindi ba niya naisabuhay ang ang mga katuruan ni Simbahan? bilang ang UST ay isang dominikanong institusyon. ngunit nauna na diyan ay kinundena din ng pamunuan ng nasabing unibersidad ang mga obra ni mideo
Ayon sa mga pahayag ni mideo, ang kanyang mga obra ay parte lamang ng kanyang sining at ekspresyon ng kanyang saloobin, ngunit hindi daw niya intensyong bastusin ang simbahan at ang paniniwala ng mga katoliko.
Ngunit para sa akin at sa mga kumukundena sa kanyang sinasabing malikhaing sining, ang kanyang ginawa ay isang malinaw na paglapastangan sa simbahan at buong kristiyano-katoliko. ang diyos ay mananatiling diyos, at walang sinuman ang maaaring dumungis o umalipusta man lang sa kanyang larawan o pangalan.
No comments:
Post a Comment