Sa loob ng halos tatlong taon kong pag-aaral dito sa Letran, hindi ko pa naranasan makipag “heart-to-heart talk ” sa isang guro, kaya naman hindi ako makapaniwala na darating ang sandal na may isang guro na magbabahagi sa akin ng kanyang karanasan sa buhay, karanasan sa trabaho at pag-aaral, mga karanasang talaga namang kapupulutan ng mabuting aral. Naikwento niya sa akin na isa rin siyang letranista, at parehong kurso din ang kanyang kinuha ng mga panahong iyon, ang “HRM”.hindi daw talaga madali ang pag-aaral, walang short-cut, dagdag pa niya at ang tanging formula lamang sa tagumpay na pag-aaral ay sipag at determinasyon, siyempre kasama na dito ang inspirasyon, maaaring ito ay magulang o isang special someone, pero para sa kanya ang buhay kolehiyo ay parang isang bintana, kung saan ito ang magbubukas sayo ng napakaraming opurtunidad, kailangan mu lang maghanap at tumitingin dahil nandyan lang sila sa paligid. Sabi pa niya dapat daw ineenjoy ang buhay kolehiyo, kahit mahirap matutong maging Masaya dahil wala namang bagay na madali sa mundo lahat pinaghhirapan.
Sa trabaho naman, ang lahat daw ng natutunan ko sa eskwelahan ay pundasyon lamang, pero ang susi daw ay nasa atin nang mga kamay, ang bawat bagay na meron sa eskwelahan ay wala na sa trabaho, ang tanging susi daw sa tagumpay na trabaho bukod sa kakayahan at galing mo sa industriya ay ang mabuting pag-uugali at pakikisama, yun daw ang maghahatid sa atin sa nais nating marating. Pambihirang pagkakataon ang aking naranasan, ang makipag-usap at matuto sa isang guro sa labas ng apat na sulok ng silid-aralan. At Masaya naman ako dahil napakarami kong natutunan sa kanya, na maaaring hindi pag-akademiko ngunit magagamit ko habambuhay, ang prinsipyong hindi naituturo ng libro, kaya naman mam salamat sa pambihirang pagkakataon.
No comments:
Post a Comment