This is the compilation of my thoughts, experiences, or even event that is associated with me as an HRM student, a student journalist and as an individual. In this available space, I will continue to write and serve in honor of God, For I promised to him that I will use my strength and ability to return the favor unto him as a sign of gratefulness for everything he has given to me and to my family.
Total Pageviews
Saturday, July 16, 2011
Manalig Ka
ang sarap sa pakiramdam na alam mong hindi ka nag-iisa, nasaan ka man, ano man ang iyong pinagdadaanan, ang kanyang pagkalinga ay para sa iyo, para sa akin at para sa ating lahat na NANANALIG sa kanya. kaya MANALIG KA.
Sunday, July 10, 2011
BINHI
"Nagbunga nang masagana , binhi sa mabuting lupa." ito ang mensahe na nakapaloob sa salmong tugunan sa banal na eukaristiya sa linggong ito. Habang inaawit ito, nararamdaman ko ang mensahe sa bawat salita nito. Mensaheng hindi lamang para sa akin kundi para sa lahat na naniniwala kay kristo.Ang sabi ng pari sa kanyang homiliya, ang "salita ng diyos ay parang tabak, nakakasugat at nakakasakit, ngunit sa dulo nito ay matututo tayo sa oras na maghilom ang sugat na dulot ng tabak".
Sa aking linggo-linggong pagsimba, isa ang linggong ito sa hindi ko makakalimutan, dito ko naramdaman at natuklasan ang mga mensahe ng diyos para sa akin, at ang araw na ito din ang patuloy na nagmumulat sa aking mga mithiin sa buhay, sa araw na ito, maraming bagay ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon upang patuloy na maglakbay. Gaya ng mensahe ng salmo, ang binhi ay ang salita ng diyos, ito ay ipupunla sa ating mga puso at inaasahang ito ay lalago.
Kaya naman naitanong ko sa aking sarili, namumunga ba ako na parang isang binhi na nalaglag sa isang mataba at masaganang lupa o baka naman sa isang batuhan lamang na hindi magtatagal ay malalanta din dahil hindi masagana ang lupa. Sa ngayon hindi ko masabi kung ako ay hitik na sa bunga at masaganang lumalago, ngunit alam ko sa patuloy na gabay ni kristo, nakasisiguro ako nasa mabuting lupa ako at hindi magtatagal mamumunga din ako kagaya ng isang puno ng manggang hitik sa bunga.
Ikaw kapatid kailan ka mamumunga at lalago mula sa binhi ni kristo?
Mapagpalang linggo mga kapatid. mabuhay tayo kahit mahirap, magsaya tayo kahit malungkot, magbuhat tayo kahit mabigat, at mamunga tayo gaya ng isang puno ng mangga, sa tulong ni hesus, tayo ay lumago.
Saturday, July 9, 2011
Hanggang Kailan ? Paano si JUAN?
Ang ating administrasyon ay ganap nang nagpalit
At inaasahang daang matuwid ay makakamit
Na sa nagdaang liferato ay naiwaglit
Dahil pilipinas ay nagipit, o ginipit?
Masayang isipin na tayo'y nakalaya na sa kahapon
Ngunit ang reyalidad ay patuloy na bumabangon
Na ang kahapon ay dala pa rin natin ngayon
Na dapat sana'y wala na sa ngayon
Mga problema ng bansa na sana man lang ay naibsan, kahit hindi nabawasan
Nariyan si Arroyo, na ang pagkapangulo ay ni-negosyo
Na ipinangako ni P-noy , pagbabayarin ito
Isang taon na ang lumipas, ngunit bakit si arroyo laman pa rin ng kongreso?
Sa ni P-noy "kayo ang boss ko"
Ngunit tanong ng marami, totoo nga ba ito? o isa lamang konsepto na aasahan ng mga tao?
Sigaw naman ng marami, Nasaan na ang pagbabago mula sa nakaraang liderato?
Hindi kaya nahithit niya na ito, kasama ng kanyang tabako?
Sabi naman ng iba, P-noy wag husgahan
Dahil isang taon palang ang nakakaraan
Mga balakin ni P-noy ating abangan
Ngunit ang tanong "hanggang kailan"?
K-12 na panukala ni P-noy
Solusyon daw sa kahirapan ng pinoy.
Tama naman, edukasyon ang susi sa kaunlaran
Ngunit sabi ni Juan, "akoy magsasaka lang , wala akong paghuhugutan"
Kabi-kabilang problema at isyu ating kinasangkutan
Nariyan ang pagbihag at pagpatay ni mendoza sa mga tsinong dayuhan
Kaya naman ngayon tsina at pilipinas may hidwaan
Isa pa diyan ang Spratlys na pinagaagawan
Kaya't muling tanong ni juan, "P-noy anong plano mo sa mga pinoy?"
Pangakong daang matuwid, sadya kayang makakamit?
Hindi kailangan ni juan ng puro pangako lamang
Aksyon at pagbabago, iyan ang kailangan
Subscribe to:
Posts (Atom)