Total Pageviews

Monday, June 20, 2011

Blog for WHAT?

Blog for what?. I was just intrigued about what my blog can do for me, or should i say what can I do to my blog. Well Basically, I am not too much accustomed in terms of writing, this makes me try and try to become a very good one, that's why I can consider myself as one of the aspiring writers, Personally I like writing, but I can't claim that writing likes me too, But I am working on with my pen, and more so with my mind.

Neophyte as they say, yes! I am a neophyte here, but thats make me wonder , in my ignorance , I was thinking where i would go. 

Now let me finally welcomed myself in the world of blogging.

Kiddos Bloggers

Sunday, June 19, 2011

Remembering our Makipamuhay XVI

Bilang isang Katolikong Institusyon, malawak at malalim ang pagaambisyon ng Letran sa paghubog at pagmumulat sa mga estudyante ng kolehiyo patungkol sa panlipunang pakikipag-ugnayan at pakikibahagi sa kumunidad na ating ginagalawan. Dahil naniniwala ang institusyon na ang tunay na Letranista ay may pagpapahalaga sa ating lipunan.

Kaya naman sa taunang paglulunsad ng programang Makipamuhay, patuloy pa ring nagaalab ang adhikain ng kolehiyo ito ay ang dalhin ang mga estudyante sa reyalidad na meron and lipunan at imulat ang mga ito sa mga isyung mayroon ang ating lipunan. Sa nakalipas na 15 anim na taon ng pagpapatuloy ng nasimulang programa ng Letran, ako ay isa sa mapalad na nakasama sa makipamuhay XVI - ang programang ito ay naglalayong iparanas sa mga letranista ang mundo sa labas ng institusyon upang sa gayon ay mas lalo nilang maintindihan at mapalawak ang kanilang pananaw pagdating sa buhay, at upang magkaroon din ng ganap na pagrespeto ang mga letranista sa mga taong salat sa maraming bagay at upang ganap na pahalagahan ng mga letranista ang anumang mayroon sila , bilang napakaraming tao ang wala noon na tinataglay nila.

Sa pamamagitan ng departamento ng Community and Extention Services ng Colegio ay patuloy na nagiging posible ang programang nasimulan na isa't kalahating dekada na ang nakalipas.

Bilang pagbabalik tanaw sa aming 3 araw na karanasan ng pakikipamuhay malayo sa aming kinagisnang buhay at pamumuhay, narito ang ilang kwento na nakapaloob sa 3 araw na punong puno ng iba't-ibang kwento ng katotohanan na aming nasaksihan sa bawat pamilyang aming nakasama.

Araw ng Biyernes sa ganap na alas singko y medya, kasabay ng pagbabasbas ng mga paring dominikano na namumuno sa institusyon ay ganap na naming panandaliang linisan ang Colegio upang sa dako pa roon ay aming masilayan ang ganda ng ibang lugar kasabay nito ang pagtuklas sa mga kwento ng bawat pamilyang aming tutuluyan at kasabay nito ay ang paglinang ng aming kamalayan sa malawak na kahulugan ng buhay.

Habang kami ay nasa biyahe , magkahalong saya at kaba ang aking nararamdaman, saya dahil isang bagong karanasan ang aking makukuhaha mula rito,at kaba dahil walang nakakaalam ni isa sa amin kung saan at kaninong pamilya kami makikipamuhay, tahimik ang ilan sa pagmamasid ng aming tinatahak daan, samantalang ang iba naman ay nagkukwentuhan at ang iba ay nakikinig sa kanilang mga MP4 & 3's, habang ang ilan ay may kanya-kanyang paraan kung paano matatakasan ang pagkainip sa halos isa at kalahating oras ng paglalakbay patungo sa aming pupuntahan, ako naman ay patuloy na iniisip ang pamilyang aking dadatnan, at kung ano ang mga mangyayari sa loob ng 3 araw na aking pamamalagi sa kanilang tahanan.

Makalipas ang isa't kalahating oras, ganap na naming narating ang aming pupuntahan ito, ay ang Sitio Nazareno Brgy. Isla, sa bayan ng Pakil lalawigan ng Laguna. Maaliwalas ang kapaligiran, malamig ang simoy  ng hangin, bawat dampi nito alam mo na ito ay sariwang hangin na wala ang maynila, mainit ang pagtanggap sa amin ng punong barangay ng brgy. Isla na si kgg. Soccoro o mas kilala bilang Kapitana Bebot,
ako at si beng (note: ang aming nasa likuran ay kapilya ng sitio)

sa ilang sandaling pag-iintay kami ay ganap ng inihatid sa aming mga pamilyang kabibilangan sa loob ng 3 araw, Dahil alphabetical order, syempre una na naman ako [Alcaide kasi] kami ng aking kapatid na si Al ang unang inihatid sa aming tahanan [si Al ay kapatid ko lamang sa loob ng 3 araw hindi kami magkadugo, hihi] dahil Alot ang apelyido niya at ako naman ay Alcaide, agad kaming ipinakilala sa aming magiging magulang , ang pangalan niya ay Nanay Marivic, siya ang tumatayong ilaw ng tahanan nang pamilya Red, ang pamilyang aming tinirahan.

Matapos ang ilang sandaling pagpapakilala, agad sa aming ipinakita ang aming magiging silid sa loob ng 3 araw, maliit lamang ang silid, sa tantya ko ay isang tao lamang ang makakaukupa, sinabi sa amin ng aming magiging nanay sa 3 araw na si nanay mavic na "ito daw ang aming kwarto at wag daw kaming mahiya na humingi ng anumang aming kailanganin. Napansin ko ang pagiging masayahin ni nanay mavic, ramdam mo sa kanyang pagaasikaso ang kalinga ng isang tunay na ina, kaya naman agad akong nagalak dahil alam ko nasa mabuting mga kamay ako ng mga sandaling iyon, ipinakilala din sa amin ni al aming magiging mga kapatid sa loob ng 3 araw, sina si kuya jong,  jonel at rose, ang ikaapat ay wala na sa bahay nila dahil may sarili na itong pamilya.

At dahil magtatanghali na rin ng kami ay matapos sa isang pagpupulong na ipinatawag ng aming Facilitator , paguwi namin ay nakahanda na ang pananghalian sa araw na iyon at agad kaming sinabihan nila nanay na kumain na daw kami, ang isang platong kanin at pritong isda ang bumusog sa aming kumakalam na sikmura ng oras na iyon.
pritong tilapia at kanin na may toyo

Matapos kong busigin ang aking kumalam na sikmura, binusog ko naman aking mata ng mga magagandang tanawin sa kabila ng pagiging malayo nito sa sibilisasyon, ilan sa mga nakita ko ay ang ilog na bumabaybay sa kahabaan ng buong pangil, nariyan din ang mga kasama ng mga magsasaka sa pagtatanim ang mga mga kalabaw, at luntiang kapaligiran na pinupuno mga nagbeberdehan at nagtataasang mga puno ng kahoy, sa kabila ng lahat ng ito napaisip tuloy ako, maaring salat sila sa mga materyal na bagay ngunit patuloy pa rin silang kinakalinga ng diyos, ang simpleng pamumuhay na meron sila ay tanda ng biyaya ng diyos. Bago pa man ako dalhin ng aking mga imahinasyon kung saan saan, napansin kong sumapit na ang hapon at may napansin akong umuusok mula sa ilalim ng aming tahanan, agad akong bumaba upang makita kung ano iyon, nakita ko doon si nanay mavic, nagluluto na pala siya ng aming hapunan, at agad niya akong sinalubong ng ngiti, sadyang napaka palangiti ni nanay, walang oras di ko siya nakikita na ngumingiti, marahil tanda siguro ito nang bukas loob nilang pagtanggap sa amin, maya maya pa ay sinabi ko kay nanay na ako nalang ang magluto ngunit ang sagot niya ay ito "nako hindi pa kayo pwedeng gumawa ng gawaing bahay dito sa bahay" natanong ko siya kung bakit ang sagot niya naman ay ganito "kasi dinadaga daw ang bahay kapag pinagawa agad ang bisita hangga't hindi pa ito nakakatulog ng kahit isang gabi sa bahay" ayon daw ito sa mga matatanda. at iyon naman ay aking inirespeto. bagkos pinanood ko na lamang siya sa pagluluto at nakipagkwentuhan na din, at nalaman ko na hindi pa pala sila naikakasal ni tatay sonny ngunit mahigit 20 taon na silang nagsasama, natanong ko siya kung bakit sabi niya , ayos lang daw yun kahit hindi kasal, basta mahalaga may anak sila , ayon din sa kanya ang panganay niyang anak ay may asawa na, sa kalagitnaan ng aming kwentuhan may narinig akong ingay mula sa aking likuran, iyon ang lokasyon ng ilog , katabi lamang nila  ito, nakita ko ang mga batang walang saplot na naliligo sa tila sapa na parte na din ng ilog, agad ko silang pinanood at inobserbahan ang kanilang kamusmusan, batid ko sa kanilang mga ngiti at halakhakan habang naglalangoy ang tunay na kagalakan, walang halong pagpapanggap, tila ba wala silang nababanaag na hirap ng buhay.

Matapos magluto ni nanay ay tinulungan namin siya ni AL-ang aking kapatid na dalhin sa taas bahay ang mga niluto ni nanay ang ulam at sinaing. Ilang sandali pa ng kumagat na ang dilim kami ay naupo na sa mesa upang pagsaluhan ang simple ngunit katakam-takam na aming hapunan. ito ay ang okoy-maliliit na piraso ng hipon na pinagsamasama gamit ang harina at ipinirito at suka naman ang aming sawsawan, 

okoy

mula sa kaliwa: si rose(pang-3 s magkakapatid,), si jonel(bunso),
 at si kuya jong (panganay) at siyempre si nanay


Ang larawan ng payak na pamilya ngunit masaya. napakasarap makita ang mga taong nakangingiti pa rin sa kabila ng maraming kakulangan, napaisip tuloy ako sa mga mayayaman at may kaya , ganito rin kaya? nakukuhang ngumiti at maging masaya sa kabila ng karangyaan? o ngiting dulot ng mga materyal na bagay na sa sandaling mawala kasama ring maglalaho ang kanilang tuwa? 


Nais ko ding bigyang pansin ang ginanap na activity ng aming grupo para sa mga kabataan ng sitio nazareno, at kasama rito ang pagbibigay ng mga coloring materials, at naaalala ko pa, may isang bata akong tinanong tungkol sa kanyang mga pangarap , sabi niya sakin gusto daw niyag makapagtapos ng pag-aaral, tinanong ko ang trabaho ng kanyang mga magulang ang sagot niya sa akin ay wala at agad akong napaisip, kung paanong ang isang musmos at sinpleng pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ay matutupad sa kabila ng kawalan ng pinansiyal. at muli akong nagtanong sa kanya kung mahirap ba ang pagkukulay, ang sagot niya sa akin ay ganito "opo mahirap po, pero masaya kaya tatapusin ko po" agad na naglakbay ang malikot konh imahinasyon , may malalim na ibig-sabihin ang tinuran ng bata, hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng bata ng mga oras na iyon bastaalam ko lahat sila na naroroon ay masaya at nagkakaisa, ngunit sa mga salitang tinuran ng bata ibinalik ko yun sa kanya, sabi ko "ganun din ang pag-aaral mahirap pero masaya at makakaya kahit mahirap" hindi ko alam kung ganap niya akong naintindihan, ngunit sinabi ko sa kanya na anuman ang mangyari kailangan niyang magsikap dahil, ang lahat ng may pangarap may hinahaharap. hanggang sa natapos ang activity iniisip ko pa din ang maaaring maging bukas ng mga kabataan dito kung sakali na daanan sila ng krisis ng kawalan. Sana lang sa mga darating na panahon maraming maging estranghero na handang maging bukas palad para sa mga musmos na may sinpleng pangarap.




Nang kumapit na ang dilim . isa-isa na kaming naghanda para sa gaganaping "Solidarity Knight" para naman ito sa buong pamilya ng mga taga roon, ito ay puno-puno ng palaro na magbibigay daan sa mga pamilya at kanilang anak-anakang letranista nang pagkakataong magkasama sa natatanging gabing iyon, naroon din ang feeding para sa mga taga-roon. 




Kitang kita ko sa mga mukha ng mga bata ang labi-labis nilang pasasalamat sa aming mga handog para sa kanila, ang kaligayang hindi matutumbasan ng halaga o ng mga materyal na bagay. , kung ang ibang bata ay ngiti ang sa amin ay sukli , ang batang aming nakasabay pauwi ay labis na nagpagalak sa aking puso bago ako matulog, ang sabi niya ganito "Salamat po sa inyo" sabay ngiti, nakatuwang isipin na ang batang ito ay batid na aking maliit na at simpleng tulong namin, kumbaga pinahalagahan niya ito. (Salamat din sayo bata). dahil sa musmos mong gulang may natutunan kaming aral. 





Saturday, June 18, 2011

Keep updated, Keep involved but PRAY.

"Try to think better and live better. we are capable of thinking good things for our betterment, not sacrificing innocent lives, not even our morality."




Our Country is now indeed in the midst of vulnerable situation, We are facing problems not just the usual one that we used to encounter. In fact, it's an additional country's dilemma, where in just in one wrong move, Filipino people might be at risk, especially a lot of innocent lives breathing inside.

Perhaps, we are now exhausted of seeing and hearing debates in the senate and congress and other debates discussing the RH Bill. Some of us get involved but in some, they just ignored the issue, considering this is a national issue. Maybe 4 out of 5 knows what RH bill is all about, the rest knows a bit. But one thing we should bear in mind this is an issue between morality and the country itself. Filipino is known for its utmost care and value for human life, this is not because its's necessary, but its a duty being the steward.

Human life is never been the issue here, it's the poverty, but is it justifiable to blame the quantity of human's population for being poor of such country? Isn't quality always beats quantity, these two things is always been associated with each other, where the PRO RH bill trying to employs this concept for easy grasp of what RH bill is all about. this is if we decrease quantity , we will definitely increase quality - the quality of human life. But is it really what the purpose of life is? Isn't life begins with the life with full of love? however, PRO RH bill anticipated that the poverty will be gone through this bill, maybe they just wanted to improve the quality of living in the Philippines,  or maybe  for some a hidden agenda from the fund that could be allocated for the new implemented bill, but i wish they won't even trying to think about this, for they will be persecuted by their consciences. Hence, this is just an another wrong approach to address the issue , because RH bill in its nature , the way it will be done , is no doubt an immoral act, the purpose is not killing, but unintentionally it will interrupt the development and formation of new life.

Moreover, we shouldn't blame the human's nature and capacity to reproduce, for we are blessed to be given freedom, a free will to think, to decide and to move for the betterment of our lives. Again, in this issue, it is not the state nor the church, its about YOU, and your family, church and states might be a guide for us but never be a dictator, try to plan, and survived, try to think better and live better. we are capable of thinking good things for our betterment, not sacrificing innocent lives, not even our morality.

On the other hand, i believed in the power of prayer, In spite of an unending every minute debate along RH bill issue, let us try to raise our flag once again as a sign of unity of our country, for god is loving and he hears the prayers of 1 , 2 or more people that have gathered for him. Let us lift our hearts with prayer to the lord . for he promised (Mt. 7:8),  For everyone who asks receives; he who seeks finds; and to him who knocks, the door will be opened. for even god instructed us, may we continue to seek guidance and strength to stand as one nation with one vision , Let us ask god to protect our nation from betrayal and disunity due to opinion indifferences and protect our moral being as his sons and daughters.

Friday, June 17, 2011

RH bill! Talo o Panalo




Araw-araw, itoy laman ng balita
Usap-usapan ng maraming madla

Paano ba naman, sangkot dito'y buhay at mga bata
Simbahan at Estado sino ba ang mananalo?

Ang sabi ng estado, wag makialam mga obispo
Dahil ito'y usapang senado at kongreso
Sagot naman ng simbahan, Moralidad ng lipunan, aming pinangangalagaan
Sabi naman ng estado, Pilipinas ay naghihirap sa dami ng tao

Sigaw ng estado, RH bill gawing pasado
Mga condom at contraceptives kasama dito
Mababawasan daw nito ang pagdami ng tao
Ngunit ito nga ba sagot sa kahirapan sa mundo?

Sigaw naman ng simbahan, ito'y di tama at imoral na gawa
Aborsyon daw maaaring dito magmula
Kristiyanong paniniwala ay napipintong mawala
Kung sakaling RH bill sa senado'y kumawala

Isang isyung panlipunan
Kailan kaya mawawakasan?
Nakasalala'y dito'y paniniwala at bayan
Alin opinyon kaya ang mas matimbang? kila father ba at sister o
Kila Carlos Celdran at Rep. Lagman.

Di importante kung sino ang tama at mali
Ang mahalaga ay kung ano ang tama
Basta't buhay at bayan pinag-uusapan,
Kalidad at moralidad ng buhay dapat mapangalagaan