Total Pageviews

Thursday, April 26, 2012

Ang unang pasada



"Anong sunod kong gagawin?"
Ang pabulong na tanong ko sa aking sarili habang nakatulala at nakatingin sa kawalan na tila ba may naaaninag akong kung ano ngunit ilang minuto pa biglang...
kringggg!!!!  kringgg!!! kringggg!!!
tumunog ang aking telepono, may tumatawag pala, dahilan para maputol ang aking pagmumuni. at pinindot ko ang buton at sinabi ng nasa kabilang linya,..
"Nasan ka na? byahe na ko. alas diyes ang appointment natin kay Mr. kupal"
Tinignan ko agad ang relo at noong makita ko na nakatapat ang mahabang kamay sa numerong 8 at ang maliit na kamay naman ay nakatapat sa numerong 10. Agad akong naalimpungatan na tila ba nabuhusan ako ng tubig na nagmula pa sa antartica na pagkalamig-lamig. Agad akong bumalikwas sa aking higaan at kumiripas ng takbo sa palikuran. Ilang minuto lamang ang ginawa kong paglilinis ng aking katawan at agad akong lumabas ng palikuran para magbihis, punas dito punas doon, kuha si brief, si pantalon, si t-shirt at si polo at ihinabol ko pa si sinturon at VIOLA! ready na kong pumasada! saglit lamang akong tumingin sa salamin upang tignan kung pantay ba ang kilay ko at kung may nakaangat bang isang hibla ng buhok ko sa aking anit, pero nalungkot ako dahil halos lahat ng buhok ko nakaangat nga ngunit imbes na kunin si suklay ginamit ko na lamang ang gamit na gamit kong kamay sa napakaraming bagay upang ito ang magsilbing improvised suklay ko habang patakbo akong nagpapa-alam at umalis. maya maya pa nakatanggap ako ng mensahe at sabi..\
"Wer kna? lapit na me"
at agad akong sumagot..
"Byahe na me,"
Pumara agad ako ng bus at agad akong sumakay habang naghahanap ako ng bakanteng upuan ang mga pasaherong prente nang naka-upo ay tila ba kinikilatis kung ako ba ang lalakeng nanghablot ng kanilang mga bag at telepono dahil sa mga titig nila. Hanggang sa nakahanap na ako ng bakanteng upuan

itutuloy....

Saturday, March 10, 2012

Si Pepe: Ang batang Calambeno!

Bago pa man ang aking pagtatao sa dambana, nakahihiya mang aminin ngunit ilang taon na din ang nakalilipas nang huli akong makarating sa Dambana / Bahay ng pamilya Rizal. Noong mga panahong iyon na kung saan limitado lamang ang aking mga nalalaman tungkol sa buhay at maging sa kanyang mga gawa.

Ngunit sa aking pagtatao sa makasaysayang Dambana, doon ay napakaraming bagay at katotohanan ang aking natuklasan tungkol sa buhay at mga bagay sa buhay ni Dr. Jose Rizal. At isa na rito ang kamusmusan ng pambansang bayani. Kilala si Dr. Jose Rizal, bilang Doktor, manunulat/nobelista, alagad ng sining, henyo, at napakarami pang titulo at karangalan ang maaaring iugnay sa kanyang pagkatao. Ngunit bago pa man siya itanghal bilang bayani ng lahing Pilipino, saksi na ang makaysayang Dambana ngayon na dati ay isa lamang simpleng bahay na bato na tahanan ng mga Rizal/Mercado. Sa kabila ng tanyag na pagkakakilala kay Dr. Rizal o mas kilala sa tawag na “pepe” noong siya ay musmos pa lamang, sa dambana nagsimula ang kanyang payak na pamumuhay bilang isang BATA. Sa dambana din siya nagsimulang mangarap, sa parehong lugar doon niya rin natagpuan ang pagmamahal na hindi niya kailanman natagpuan sa kahit na anong sulok pa man ng mundo na kanyang napuntahan at ito ay ang walang kahulilip at walang kapantay na pagpapahalaga, pag-aalaga at pagmamahal ng kanyang pamilya partikular ang kanyang mga magulang na sina Don Francisco at Dona Teodora.
Si pepe bilang isang bata ay namuhay ng payak sa kabila ng katotohanang sila ay may angking karangyaan sa buhay, kilala sila bilang mga elitista pero hindi ito naging dahilan upang magbuhay mayaman siya bagkus pinili niya pa rin ang maging simple ang maging kaisa ng marami. Maraming bagay sa loob ng dambana ang magpapaalala at magpapakita ng simbolismo ng simpleng pamumuhay ni pepe. Naroon ang mga aklat, mga larawang biswal, likhang sining at iba pa. Maaaring simple na lamang kung ituturing ang mga bagay na iyon sa ngayon pero sa panahon ni pepe, ang mga ito ay may mas malalim at makabuluhang kahulugan at pakinabang sa kahit na sinong tao na gagamit nito para sa paglago ng sarili. Nakaagaw pansin din sa akin ang kanyang “self-portrait” pagpinta ng sarili sa harap ng salamin, hindi ko maisip kung paano niya nagawa, pero labis akong humahanga sa kanyang angking galing sa pagguhit, pero higit sa lahat alam ko na may mas malalim pang dahilan ang kanyang larawan na nakaharap sa salamin at isa sa aking konklusyon ay maaaring isa itong simbolismo ng pagsusuri ng kanyang sarili, ang pagtingin sa sarili bago tignan o punahin ang ibang tao.
Sa aking pagtatao sa dambana, iba’t ibang klase rin ng tao o bisita ang aking nakasalamuha. May mga estudyante, guro, bata, matanda, balik-bayan at mga residenteng kalapit siyudad lamang. Nakatutuwang isipin na kahit na malayo-layo na rin ang narating ng ating henerasyon ay may mga Pilipino pa rin na pinipiling balikan at sulyapan ang nakaraan hindi upang sariwain ang kapighatian kundi upang magbalik tanaw sa magagandang bagay na naganap isang siglo na ang nakakaraan. Naaalala ko nung isang beses akong tumao sa dambana, isang balik bayan ang aking nagabayan at nabahaginan ng ilang impormasyon tungkol sa buhay ni pepe, ayon sa kanya 50 taon na daw siyang hindi nakakauwi ng pilipinas at minabuti naman niya na sa kanyang pagbabalik ay muli niyang sariwain ang mga mahahalagang bagay sa buhay ng lahing Pilipino at ito nga ay ang pagbisita sa Bahay ng mga Rizal, na ayon sa kanya kilalang kilala daw si Dr. Jose Rizal sa ibang bansa. At Masaya daw siya na minsan sa kasaysayan ng mundo ay napabilang siya sa lahing bayani, sa lahing Pilipino na may dugong marunong magmahal sa sariling kasaysayan at pagkakakilanlan.
Ngunit ang pinaka nakapukaw pansin sa akin ay ang mismong silid kung saan ipinanganak si pepe. Hunyo 19, 1861, isang ordinaryong araw para sa marami, ngunit isang makasaysayang araw/petsa para sa pamilya Rizal/Mercado na kinalaunan ay isa naring makasaysayang araw para sa lahing Pilipino. Ito ang araw kung kailan ipinanganak ang batang si pepe, ang simpleng sanggol na nakatakdang maging simbolismo ng kalayaan ng kanyang lahing kinabibilangan. Sinong mag-aakala na ang sanggol na ito ay magiging isang bayani, isang bayaning hindi galit o gulok ang ginamit kundi ang natatanging angking talino sa pagsulat. Saksi ang apat na sulok ng silid ng bahay na bato ng pamilya Rizal sa pagsilang ng isang pambihirang bayani ng kasaysayan, ngunit sa likod nito ay ang simpleng tao na hindi kailanman man naghangad na gumawa ng pangalan sa libro ng kasaysayan.
Sampung oras ng pagtatao, masyadong maikling panahon ngunit katumbas nito ang makabuluhang karanasan at mga kaalaman na babaunin ko saan mang dako ng mundo. Hindi ko man magamit ang mga ito sa propesyon ko, ang mahalaga minsan ay nakilala ko ang simpleng tao sa likod ng dambuhalang pangalang DR. JOSE RIZAL at minsang kong nabalikan ang makabuluhang kasaysayan ng liping aking pinagmulan.
Sana ang ating henerasyon gaano man kalayo, saan man tayo makarating, atin pa ring alalahanin at gunitain ang kahalagahan ng kabayanihan ni pepe. At sana sa sarili nating mga paraan maging mga modernong bayani nawa tayo hindi man mapasulat sa libro ng kasaysayan, ang mahalaga minsan tayong naging isang Pilipino na may dugong bayani. Nawa sa mga susunod at susunod pang mga henerasyon at saling-lahi, ay patuloy nilang balikan at sulyapan ang kasaysayan gaano man ito kalayo sa kanilang panahon. 

Sunday, January 8, 2012

The Art of Smile


For once in a while
I’d like to smile
For there’s no reason why
But to inspire

Sadness comes in
When we are not smiling
So try to smile
And let people be fine

In the midst of nothing
Smile and see something
The bright light shine
And see the life being fine

Every morning I am expecting
To see people smiling
A sign that God is continuous loving
A reason why we are living

So smile when you’re happy
And try to smile even you’re lonely
Because remember, God loves you whether you’re happy or lonely
                                                         As long as you are living faithfully 

Tuesday, January 3, 2012

WELCOME 2012



Another year had passed and another year have come, 2012. For the this year, year of the water dragon as the Chinese calendar said.